Chapter 4

1.2K 21 19
                                    

"VALEN, anak, napadalaw ka?" Halata ang pagkagalak sa boses ng ina ni Valen nang mapagbuksan siya nito ng gate mga alas tres ng hapon. Hindi kasi nito inaasahan ang pagdalaw niya.

Tumupad sa usapan nila si Liam na iaahon siya nito sa hirap maging ang pamilya niya. Ngayon ay hindi na sa squater nakatira ang pamilya niya kundi sa two storey house sa isang subdivision, mga kalahating oras ang byahe mula sa kanilang mansyon. Ang gusto niya nga sana ay sa mansyon na rin manirahan ang nanay at kapatid niya para sama-sama sila pero umayaw ang ina niya, nakakahiya raw at kalabisan na raw iyon.

"Surprise visit, 'nay!" Sa halip na magmano ay nag beso siya sa ina. "Na-miss ko po kayo," aniya bago malambing na yumakap dito. Kailangan niyang sanayin ang sarili na kumilos ng sosyal bagama't 'di naman lingid sa publiko na galing siya sa mahirap na pamilya, nag-viral kasi sa social media ang kasal nila ni Liam.

Hati ang naging reaksyon ng mga tao patungkol dito. Ang iba ay natuwa at kinilig sa mala fairytale nilang love story samantalang ang iba naman ay ini-bash si Valen, pera lang daw ang habol niya sa lalaki. Well, she doesn't care! Mga insecure lang sila dahil siya ang nakabingwit sa milyonaryong negosyante.

"Na-miss din kita, anak. Hindi ka na ba magmamano?" Nagtaka ang matanda. Ugali na kasi ni Valen na magmano rito 'tuwing dumarating galing sa trabaho o kahit sa anumang lakad niya. Magalang din naman kasi siya at may mabuting asal, turo iyon ng ina sa kanilang magkapatid, yun nga lang ay may pagka-ambisyosa siya at malakas ang tiwala sa sarili, kabaliktaran ni Marga.

Sa huli ay nagmano pa rin siya at nagpatiuna na sa pagpasok sa bahay.

"Si Marga, wala, 'nay?" Tanong niya pagkaupo sa malambot na sofa. Iginala niya ang paningin sa magarang bahay. Malamig sa mata ang kulay nito-katulad ng langit. Kompleto ito sa lahat ng kagamitan at mga appliances. Bunga ito ng kanyang tagumpay. Hindi siya nagsisisi na pinakasalan niya ang asawa. Wala naman kasing dapat pagsisihan dahil ito naman talaga ang pangarap niya noon pa man, ang guminhawa sila sa buhay.

"Nagpunta ng SM kasama si Jessa—ang bago nilang kasama sa bahay—mamaya ay nandito na iyon. Saglit lang at ipagtitimpla kita ng kape." Tumalikod na ito.

Napangiti Valen, buti naman at lumalabas na ng bahay ang kapatid niya. Dati kasi ay taong bahay lang ito mula nang matigil sa pag-aaral sa koleheyo. Mas minabuti nitong tulungan na lang ang ina sa pagbabantay ng maliit nilang tindahan, matanda na rin kasi ang nanay nila, madalas nang atakehin ng rayuma. Isa pa, kapos sila sa budget noon. Mamaya ay sasabihin niya kay Marga na maaari na nitong ipagpatuloy ang pag-aral sa koleheyo, bigla ay na-excite siya.

Inabot niya ang remote bago pinindot ang power button, drama ang palabas. Manonood na lang muna siya para malibang-libang habang hinihintay ang ina. Nakatutok ang mga mata niya sa screen ngunit wala doon ang isip niya. Bigla na lang iyon naglakbay sa kawalan hanggang sa ang imahe ng asawa ang kanyang nakita.

Liam really had a great features, from his thick brows and curl eyelashes, a set of eyes which color was brown on the outside and green on the inside. His nose was on point and so prominent, lips so thin and kissable. He had this squared jaw covered with beard, making him look so ruggedly handsome. And his broad chest—ugh! Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat iniisip ang antipatikong Australianong hilaw na iyon, 'di nito deserve! Hmp!

Pagbalik ng ina ay may bitbit na itong tray laman ang isang tasa ng kape at isang platitong biskwit.

"Ako na, 'nay." Sinalubong niya ito para kunin ang dala nitong tray, siya na ang naglapag niyon sa glass center table.

Masaya na silang nagku-kwentuhan nang may mag-doorbell. Sina Marga na siguro iyon, naisip niya.

Siya na ang tumayo saka lumabas para pagbuksan ang dumating. Tumunog ulit ang doorbell at tumunog pa ulit at tumunog pa.

"Sandali lang!" sigaw niya. Baka batang hamog lang ang nagpi-pindot ng doorbell sa labas pero malabo iyon. Alam niyang safe at secured ang subdivision na ito. Mahigpit ang seguridad sa main gate nito at maraming nakakalat na CCTV sa bawat kalye. Ngunit mas maigi pa rin ang maagap kaysa magsisi sa bandang huli.

Napalabi siya, bukas na bukas din ay magha-hire na siya ng gwardiya rito kahit na tumutol pa ang ina niya, para sa kaligtasan naman nila iyon.

Binuksan niya ang gate. Hindi nga batang hamog ang nasa labas kundi isang hambog!

"Hi!" Seryoso ang mukha nito.

Parang kanina ay naisip niya lang ito, at ngayon heto na ang lalaki sa harapan niya. Nakatukod ang kamay nito sa hamba ng gate, ang isang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng jeans nito. Nakabukas ang dalawang botunes ng suot nitong polo, pinapasilip ang mabalbon nitong dibdib. Umangat ang paningin niya sa mukha nito. Diosmiyo! Wala man lang siyang maipintas sa hambog, para itong isang modelo sa lakas ng dating nito. Hindi niya iyon itatanggi. Kulang na lang camera para masimulan na ang photoshoot.

"Hey!"

Napakurap-kurap siya nang maramdaman ang hinlalaki nito sa gilid ng labi niya na tila may tinatanggal doon bago yumuko sa bandang tainga niya saka bumulong, "stop eye-fucking me, wife! We can do it later."

Nag-init ang mukha niya sa narinig. Me? Eye-fucked him? In his fucking wild dreams! Hindi siya nakapag-react agad dahil nauna na itong pumasok sa loob. Naiwan siyang tigagal. Mabilis na kinapa niya ang bibig para i-check kung naglaway siya kanina. Negative. She sighed. Umuusok ang ilong sa inis at ang bigat ng mga hakbang niyang sumunod rito.

Naabutan niya ito sa sala, prenteng naka-upo habang kausap ang ina niya. Nakangiti ito. Oh! That smile... Umiling-iling siya. Nope, she's not attracted with him! Sita niya sa sarili, kagat-kagat ang pang ibabang labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married to a BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon