Chapter 12 | Punishment [E]

745 92 37
                                    

|| unedited ||

...

Chapter 12 | Punishment [E]

PATAGO na humagab si Hart habang nakapikit. Kasalukuyan silang nandito sa parking lot ng SISB. Kompleto ang lahat na senior players habang ang tatlong newbies ay nasa kama pa nila. Oo nasa kama pa.

Minulat niya ang kaniyang mga mata at mabigat na bumuntong-hininga. Nasa kama rin sana sina Hart, tulad ng tatlong newbies, lalo pa't Sabado ngayon at alas sais pa lang ng umaga. Ngunit dahil ginalit ng mga seniors si Evelina kagabi, wala silang nagawa kundi pumasok ngayong sabado.

Speaking of Coach Evelina, they had been waiting for her for about thirty minutes. But Evelina, for some reason, was not yet showing her face to them. Hart didn't know if Evelina deliberately did this to make them wait, or if the coach was doing something else.

"Kael, kailan pa ba tayo hihintay? Nagugutom na ako." Lumapit si Ferah para sabihin iyon kay Hart. Kung alam lang nito na magpapalate si Evelina, edi sana natulog na lang si Ferah o kaya kumain ng almusal para may laman naman ang tiyan nito. Ngunit dahil medyo... medyo natatakot si Ferah kay Evelina, susundin niya ito... For now.

Hart flattened her lips tightly. Kahit siya ay hindi rin nag-almusal sa takot na baka malate na naman sila at mapagalitan ni Evelina. Medyo kumukulo ang tiyan niya ngayon.

"Hays!" Singhal ni Ferah. "She wants us to be early, pero siya yung palaging late." Umikot ang mata nito sa inis.

Marahan na dumikit ang noo ni Hart. Napa-isip siya. Tama naman si Ferah. Pero bakit hindi niya ito naisip? Na simula nang dumating sila sa team, palaging late ang coach nila, mapa-practice man iyon o ngayong araw na ito.

Ilinibot ni Hart ang mata niya. Nakahandusay at nakaupo ang ibang players sa sahig. The others had their own businesses, while she and Ferah were under the ornament tamarind tree in the park. 

Hart nearly closed her eyes as she yawned again, water building up. Opening her eyes, she felt a wave of surprise mixed with caution as she spotted Caspian and Ford standing before her. Caspian was also studying her intently.

Natauhan si Caspian at ngumiti kay Hart. Sabay sabing, "coach is already here. Pinapatawag niya kayo." Duro ni Caspian sa players nila na nagtitipon, mga ilang metro ang layo sa kanilang apat.

Tumango si Hart bago pinunasan ang kaniyang mata at tumungo sa kinaroroonan nina Evelina.

"Mabuti naman nandito na siya." Narinig ni Hart ang bulong ni Ferah.

Pagdating nilang apat, agad na sinalubong sila ni Evelina na magkadikit ang kilay, habang nasa tabi nito si Hayden. Hindi na bago ito kay Hart—sanay na siya sa palaging seryosong ekspresyon ni Evelina. Magugulat na lang siya kung makita niyang nakangiti ito.

"Punyeta! Kung saan kailangan natin ng service, ginamit pa ng kabilang gym ang basketball bus natin!" she barked, Evelina was as mad as a hornet[1].

"What happened to our bus?" tanong ni Caspian.

Tinaasan ito ng kilay ni Evelina. "Didn't I said it already?! Gamit ng kabilang team ang service natin!"

Marahan na kumunot-noo si Hart, nalilito siya sa kanilang usapan. Dahil bagong salta pa lang sila ni Ferah sa eskuwelahan, hindi alam ni Hart na may dalawang basketball team ang SISB. Ang mga sumali sa trials na hindi nakapasa bilang official players ay mapupunta sa ordinary team, kung saan ang tanging pokus ay ang pag-aaral ng basketball. Iyon ang ikalawang basketball team ng SISB.

"Forget about it. Magse-seven na. Hinihintay na tayo sa SISG!" Inilibot ni Evelina ang mata niya sa players. "Since disisyete na kayo... gamitin niyo muna ang kotse niyo."

He is a She | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon