Chapter 2 | Match [E]

1.2K 144 199
                                    




|| unedited ||

...

Chapter 2 | Match [E]


AT TUMIGIL ang mundo ni Hart nang marinig niya ang kaniyang pangalan. Lumunok siya at kinagat ang labi para kumalma. Dahil sa nangyari kanina, nag-aalinlangan siya kung sasagot ba o hindi. Alam niya kasi na kahit anong gawin niya, ipapahiya siya ni Coach.

Ilang segundo ang lumipas at hindi pa rin siya nagsalita. Doon ay kumunot ang noo ni Coach Evelina. "Again. Kael Han Cruz?" mas madiing banggit nito sa pekeng pangalan ni Hart habang isa-isang tinitigan ang mga magta-trial, naghahanap ng sagot mula sa kaniya.

Sa kasamaang palad, nakaharap si Coach Evelina sa pintuan ng gym. Huminto ang paghinga ni Hart nang magtama ang kanilang mga mata—nakatitig ang kanyang Coach na parang handang lunukin siya ng buo. Ito na ang pinakanakatakot na sandali ni Hart sa SISB.

"Aba! Late pa talaga kayo?" sabi ni Coach Evelina, kita sa mukha ang inis.


Pumasok ang dalawa sa loob, at napaiwas ng tingin si Hart, iniwasan ang mabigat na titig ng Coach. Samantala, si Ferah naman ay walang imik, nakatingin lang sa mga schoolmate nila, nagmamasid sa mga reaksyon ng mga ito.


Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya, parang naririnig na ni Hart ang bawat pintig. Pumasok lang ba siya rito para mapahiya? Hindi niya inakala na ganito kasungit si Coach Evelina. Maling-mali ang nasa isip niya noon. Ang tanging paraan para pakalmahin ang sitwasyon ay mag-sorry. Pero mataas ang pride ni Hart. Mahirap para sa kanya ang humingi ng paumanhin, lalo na kung alam niyang hindi siya ang may kasalanan. Ngunit kailangan niyang gawin ito para makibagay kay Coach at mapunuan ang ego nito. Para sa plano. Oo, tama. Para sa plano.

"Sorry, Coach." Pamemeke niya, pero dahil sa pautal-utal at halatang kaba ni Hart, mukhang tunay ito sa paningin ng iba.

Nang marinig ni Ferah ang paghingi ng tawad ni Hart, ginawa nya rin iyon. 

Narinig ni Hart ang bulong-bulugan ng iba.

"Hindi ba sila rin 'yung late kanina?"

"Yung pinahiya ni Coach Evelina?"

"Lakas ng loob nila ha!"

Gumaan ang noo ni Evelina at namewang ito. "Sinabihan ko na kayo na ayoko ng tanga rito. Pero late pa rin kayo. Naintindihan niyo ba ang sinabi ko kanina?!" Tumango ang dalawa bilang sagot. Mukhang nasiyahan si Evelina sa kanilang pagsunod. "Bakit kayo late?"

Tumingin si Hart kay Evelina. Bubuksan na sana niya ang bibig para magsalita nang may sumingit mula sa likod niya. "Pinatawag kasi kami ni Sir, Coach."

Palihim na umikot ang mga mata ni Hart. As he should! Siya 'yung may kasalanan kung bakit sila late na dalawa. Siya rin dapat ang maglutas sa problema nila.

"Is that so...? Classmate mo ba sila Cast?" tanong ni Evelina, nakataas ang kilay habang nakatingin sa lalaking bagong pumasok.

"Yep!" Ngumiti si Cast nang maliwanag.

Dahil doon, lalo pang nanlukot ang noo ni Evelina. "The three of you, twenty push-ups!" utos niya. Agad na natataranta ang tatlo at sumunod sa utos. "Kung matatanggap kayo dito at magpapakita lang kayo ng kakulangan sa disiplina, mas mabuti pang huwag na lang kayong sumali! Idikit na lang ninyo ang mga puwit ninyo sa upuan! Hindi ko kayo kailangan dito!"

He is a She | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon