Prologue

27.7K 547 20
                                    

"'Ma, saan tayo pupunta? Kailangan nating tulungan sina papa!" hinihingal na tanong ng batang babae.

Hindi siya sinagot ng kanyang ina at nagpatuloy lamang na tumakbo. Malakas ang tibok ng puso niya at bumibilis ang kanyang paghinga. They have to run faster.

Tumigil siya sa pagtakbo at binuhat ang kanyang nagtatakhang anak. Hinigpitan niya ang hawak dito at nagpatuloy.

She turned to a narrow alleyway. Madilim ang eskinita. Hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan.

She kissed her daughter's forehead. A tear dropped from her eyes.

"'Ma, bakit ka umiiyak?"

Umupo ang bata sa doorstep ng malaking bahay.

The mother kneeled down beside her and placed both her palms on her child's stomach. She whispered inaudible words.

Her ritual took a few minutes until it was over. Unti-unting nawalan ng malay ang kanyang anak. Nagkaroon ng mga marka ang tiyan ng bata ngunit ito'y unti-unting naglaho.

Nakaramdam ng matinding panghihina ang kanyang ina. Tinanggal niya ang kwintas mula sa kanyang leeg at sinuot sa bata. She also placed a small sheet of paper with written words in her daughter's right hand.

"I love you, my daughter," she whispered, letting a few more tears drop until she ran once more. Iniwan na niya ang bata.

*****

"Hoy! Karis!" narinig ko ang matinis boses ni Manang Fiona. "Karis, tanghali na, aba! Magagalit na naman si Madame Carissa sa'yo niyan."

Kumunot ang noo ko. Ano ba naman yan! Ang sakit na nga ng ulo ko eh.

"Hmmmm... manang, ten minutes..."

Biglang tumunog ng malakas ang pipitsuging pinto ng kwarto ko.

"Hoy! Aba ang kapal mong bata ka, ha..."

Napahinga na lang ako ng malalim at bumangon bago pa sirain ni Tandang Fiona ang pinto ko. Dito na nga lang ako sa bodega natutulog, di pa marespeto privacy ko. Hmph.

"Goooooood moooooorniiiiiiiing, manaaaaaaaang!" sigaw ko pagkabukas ng pinto dahilan para mapahawak sa puso niya si Tandang Fiona. Tinignan niya ako nang masama. Pfft. Alam ko namang magugulatin siya at style ko lang yun para mang-inis.

Pagkatapos ilan pang sermon ay binigyan niya ako ng listahan, "Oh, heto. Bilhin mo yang mga bagay na yan. Dapat nandito ka na pagkatapos ng isang oras, ha."

Sumimangot ako, "Ano ba yan, aga-aga may utos agad?"

"Aba, nagrereklamo ka pa," pananakot niya at pinakita ang hawak na walis.

Hmph. Sabi ko nga, bibili na ako.

So, ayun. Naligo ako, nagbihis ng maayos na damit. Ganito ang buhay ko eh. Isa sa mga katulong ng pamilya Devan.

Tinignan ko ang kalendaryo sa kusina ng Devan Manor. Nagulat ako, siyempre. Minsan na lang ako tumingin sa date. Pero nalaman kong birthday ko pala. Well, iyon daw ang sabi ni Manang Fiona na birthday ko. May letter daw kasi akong hawak nung gabing nakita niya ako sa tapat ng bahay. Pero hindi ko na yun nabasa dahil pinanggatong niya na daw.

Awwwwts. Ang sakit ng ulo ko! Hmph.

At parang may napanaginipan akong kakaiba kagabi, pero hindi ko na maalala. Oh, well, trabaho muna.

Ako si Karis. Wala akong apelyido kasi hindi ko yun alam. At simula ngayong araw, eighteen na ako.

*****

A/N: Hey, it's my new story! Kinda inspired from Naruto.

The Lost ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon