Chapter Six

9.5K 264 10
                                    

JULIAN EZIO'S POV

Nakahanda na ang Guest Room para sa pag-stay ni Luis Devan sa Ezio Mansion. Ako talaga ang makaka-deal niya sa business stuff dahil ako ang tagapagmana ng kompanya ni Uncle Argus. Yeah, I guess nagtatakha kayo kung bakit ako na pamangkin lang ang mas pinili kaysa sa mismong anak niya.

Well, may dalawang anak si Uncle Argus. Si Alvy, mas bata lang ng one year sa akin, at si Ailey na nine yeard old palang. Pareho silang mayroon ding Theama but I know mine is stronger.

Alvy is shy. In fact, too shy, at pati si Uncle Argus ay alam na hindi siya karapat-dapat sa business. Kaya hindi siya pinasok sa Ignosi State University. She's only tutored to learn basic things but kept hidden away in her room. Simula pa lang, alam kong tinadhana na siya para lang ipakasal sa ibang mayamang pamilya para magkaroon ng contribution sa clan. Another reason kung bakit pupunta si Luis Devan dito, to play some music at her wedding after two weeks.

Her little sister, Ailey, is completely different. She might have more potential in running the business but she's too young. She's smart, mature kahit na bata pa. I'm guessing that she'll be the next heir to the business pagkatapos ko itong pangalagaan.

And since nakita na rin ito ni Uncle Argus, napagdesisyunan niya ring hanapan ako ng mapapangasawa. I'll probably be married at that Falline Galena, some month after Alvy's wedding. I can't say no, of course. It's my duty as a part of this ridiculously traditional clan.

Hinimas ko ang ulo ko. Nagkaka-migraine na ako kakaisip. All Gods know I don't want to get married yet. At kung may magugustuhan man akong mapangasawa, sigurado akong hindi iyon katulad ni Falline Galena. I always wanted a woman who can stand on her own, yung independent, hindi puro pagpapaayos lang ng itsura ang nasa isip. Yung makakausap ko nang matino sa mga bagay-bagay, hindi yung puro na lang insecurities sa iba ang sinasabi. I can't stand such things.

Pero mukhang imposible na yun ngayon.

"Sir Julian, dumating na po sina Master Devan," inform ng isang maid ng mga Ezio. Nag-nod ako.

"Inform Master Ezio," utos ko sa kanya. Agad siyang sumunod at umalis na.

Pumunta ako sa garden ng Ezio Manor. Ginawa ko na itong training ground sa pag-improve ng Tha ko.

Nilabas ko ang dagger mula sa scabbard niya. I fiddled with it, spun it in my fingers. I focused on one spot, a red spot I used to mark on the trees. And then I released the dagger, threw it with accuracy.

Bull's eye.

With my Theama and Air Stoitha, I can hit any target I wanted. Sa tulong na rin ng dagger ko, na lagi ko nang dala-dala kung saan man ako magpunta. It's a gift from my dead father.

*****

KARIS' POV

Wow. Ang laki ng Ezio Manor! Mas malaki pa sa mansion ng mga Devan! Ganito pala kayaman ang mga enistha clan. Kahit yung maids, mukhang sosyalin yung uniform. Samantalang sa Devan Manor, basta maayos ang suot namin at kulay white ay ayos na.

Nag-bow yung isang maid kay Master Devan. Mukhang siya yung mayordoma, dahil mas matanda siya sa ibang maids. Nag-bow rin kami.

Tapos, napatingin ang lahat nang dumating si Argus Ezio mula sa ibang room. Lahat kami ay nag-bow sa kanya.

Naka-suit ng puti si Master Ezio. Tulad ni bakla, may gray eyes din siya. Black hair din. In fact, medyo magkahawig nga sila, pero mas mature at mas matanda lang si Master Ezio. Siguro ay mag-ama sila?

"Welcome, Luis Devan, my future... partner," pagbati niya. Nag-hand shake sila at ngumiti pareho. Tapos lumipat ang tingin ni Master Ezio sa aming mga maids. "Aimas rin ba ang maids mo?"

"Hind..." sasagot na sana ako kaso pinutol iyon nang magsalita si Master Devan.

"Hindi sila aimas. None of them are," sagot niya. Nag-nod naman kaming apat na maids.

Yes, apat kaming maids sa Devan Manor. Ako, si Sarah, Kin, at Gie. Tapos mayordoma namin si Manang Fiona.

Tumaas ang isang kilay ni Master Ezio. Mukhang matapobre rin siya, katulad ng anak niya, "Still prejudiced? Mine are a mix of everyone, aimas and normals. Pero sila mismo ang nag-apply dito."

Napatawa lang si Master Devan, "Oh, I almost forgot about that. Ikaw nga pala ang gumawa ng batas na pinagbabawal ang pang-aalipin ng Enistha Clans sa mga normal."

Napansin kong nagbago ang itsura ng mga maids ng Ezio Clan. Naka-frown sila.

Nag-nod na lang si Master Ezio, mukhang irritated kay Master Devan. Go, Master Devan! Hmph!

"Philippa, kayo na ang bahala sa maids ni Luis," utos niya sa mayordoma na agad namang tumango. Tapos ay tumingin siya ulit kay Master Devan, "Let's go to my office. Julian is also waiting."

Julian? So involved din ang baklang yun sa business na 'to?

Magkasama silang umalis at iniwan na kaming apat sa pangangalaga ng mga sosyaling maids na 'to.

"Hmm, well, nanggaling man kayo sa ibang mansion, you're still maids like us," sabi ng mayordoma na ang pangalan pala ay Philippa. "So, that means tutulong kayo sa mga gawain dito. Naiintindihan niyo ba?"

Tumango na lang kaming apat. Hmph. Akala ko pa naman mababawasan ang gawain ko dito.

*****

Nang matapos na lahat ng gawain ko, naisipan kong libutin ang Ezio Manor at huwag magpahinga. Wala lang, curious lang kasi ako. Sa kakalakad ko, napadpad ako sa garden.

Ang ganda naman dito. Mas marami ang mga puno kaysa sa mga bulaklak. Sa Devan Manor kasi, mas marami yung maliliit na halaman. Gusto ko pa naman sana ng puno para may maakyatan ako.

Pero natigilan ako nang biglang may lumipad na kutsilyo papunta sa direksiyon ko! At muntik na akong matamaan! Medyo nagasgasan lang ang bandang pisngi ko. Tinignan ko sa likod kung saan tumama ang kutsilyo, nakita kong tumama siya eksakto dun sa maliit na red spot sa puno.

"What the heck are you doing here?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko kaagad ang gray eyes niya na nakatingin sa akin. To be specific, masamang nakatingin sa akin.

"U...uhh... maid ako ni Master Devan," sagot ko.

Tinignan ko siya, mula ulo hanggang paa. Nakabihis siya ngayon. Naka-white na suit pero black ang tie. Yung buhok niyang medyo messy dati, ngayon ay medyo kumikinang na sa gel at naka-slick back. Parang walang hibla ng buhok ang naliligaw, lahat nasa tamang posisyon. At ang tangkad niya pala. Kahit may katangkaran ako, mas matangkad talaga siya sa akin. Kaya siguro baliw na baliw dito si Falline, ang gwapo niya pala.

Napa-frown ako, "Teka. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa meeting ka rin kasama ni Master Devan at ng tatay mo?"

Napataas ang kilay niya. Hmph! Kahit mas mayaman siya sa akin, hinding hindi ko pa rin makakalimutan ang pagka-walang modo niya.

"Tatay?" tanong niya.

"Oo! Duh, si Master Ezio," sagot ko.

"Tsk," galit niyang sabi. "Hindi ko siya tatay."

Padabog niyang kinuha yung dagger niya sa puno at aktong ibabalik na ito sa case. Pero may napansin ang mata ko. Isang maliit at gold na marka sa taas ng handle nung dagger.

Napahawak ako sa kwintas ko na nakatago sa loob ng damit ko. It can't be a mistake! Napaka-intricate ng carvings sa gold pendant ng kwintas ko, at parehong pareho iyon sa marking na nasa dagger niya!

"Uy, wait!" sigaw ko, pero hindi niya ako pinansin at padabog na naglakad palayo.

*****

A/N: Sorry na po kung maya't maya ako update, nilulubos ko lang ang ideas ko. Kasi natatakot ako na dumating yung araw na wala na naman akong inspirasyon para magsulat ng story. Oww, ang drama. Anyways, that's Julian's dagger on the multimedia. Medyo low quality pero ayos na yan. At bakit kaya parehas ang markings sa pendant ni Karis at sa dagger ni Julian?

Disclaimer; I don't own that dagger knife in real life and simply saw it on the internet. I just edited the pendant on it to match the story. How I wish I own it, though.

The Lost ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon