Chapter Twenty-Four

6.4K 179 1
                                    

JULIAN EZIO'S POV

I leaned my back beside a tree here in the garden, eyes closed while twisting my dagger between my fingers. These thoughts that pop up my mind just gets more confusing.

Isa lang dapat ang pinoproblema ko, at iyon ay kung sino ang pumatay at ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Hanggang sa dumating ang Karis na iyon na may kaparehas na kwintas sa crest ng dagger ko.

It all seemed to connect. Karis, appearing right in the Devan's manor during the war eight years ago, her memory wiped out. Pagkatapos ay umatake ang mga alleged enistha clans, Peto and Chyta, at balak nilang kunin si Karis.

"Psst! Julian!"

Agad kong binuksan ang mata ko, my hand tightly gripping my dagger. I instantly saw a pair of golden eyes.

"Woah! Hoy, chill! Ako lang 'to," sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. One of them holding the Ezio sword. "Pfft. Magugulatin ka rin pala! Hahaha!"

I frowned, "Shut up."

"Ok! Hmmph," she said, at inabot sa akin ang sword. She smiled. "Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kagabi. Oh, nilinis ko pa yan ah."

Kinuha ko ito. I pulled it from its scabbard at nakitang wala na itong bahid ng dugo.

"Oy, Julian, salamat ulit talaga ha. Siguro, kung hindi mo 'ko tinulungan, baka kung ano nang nangyari sa akin."

Nilapag ko sa tabi ko ang spatha. I simply stared at her and nodded.

"Papunta na dito yung susundo sa amin pabalik ng Devan manor," she added. "So, pakipaalam na lang ako kina Alvy at Ailey kasi hindi ko sila mahanap. "

"Ok."

"Sige, see you na lang sa school."

And with that, she walked away. I stroked my hair with my fingers, and closed my eyes again.

*****

KARIS' POV

"Master Devan, nandito na po yung sasakyan ninyo," sabi ni Philippa kay Master Devan.

Sumunod kaming apat nina Kin, Gie, at Sarah palabas. Sumakay na kami pabalik sa Devan Manor. Hmmph. Gusto ko na ring umuwi, hindi lang dahil sa sobrang daming nangyari sa akin dito sa Ezio Manor, kundi dahil miss ko na rin sina manang.

Sayang, hindi ako nakapagpaalam nang maayos kina Alvy at Ailey. Kahit naman kasi saglit na panahon lang kami nagkasama, tinuring ko na rin silang mga kaibigan. Aba, naka-sparring ko pa nga si Alvy Ezio! Dapat, siya na lang yung naging kaklase ko sa ISU, at hindi yung masungit niyang pinsan.

Pagkatapos ng ilang minutes, nakarating na rin kami! Sinalubong kami agad ni Manang Fiona na nagbukas ng gate. Nauna na kaming lima na bumaba kasi ihahatid pa ni manong driver si Master Devan sa main entrance.

"Manang Fionaaaaa!" sigaw ko. Nakatanggap na naman ako ng pambabatok niya.

"Iyan ba? Iyan ba ang natutunan mo sa mga maids doon sa mga Ezio?" panenermon niya. "O baka naman pinahiya mo na si Master Devan doon?"

Tinatawanan ko na lang kahit mukhang nag-uusok na ang tenga at ilong ni manang. Teka, parang meron talagang usok?

Pero nabaling ang pansin ko nang makita ko si Madame Carissa. Halata na masama ang tingin niya kay Master Devan. Pero bakit naman? Hindi ba dapat ay masaya pa nga siya dahil matagal-tagal ding hindi niya nakita ang asawa niya? Hmmph... siguro dahil sa mood-swings niya dahil na rin sa magiging baby nila.

Nang makita niya ako, lumapit sa siya akin. As in ako ang una niyang nilapitan kaysa kay Master Devan.

"Karis, are you all right?" tanong niya. Napatingin siya sa scar na nasa leeg ko. "Ano yan? Saan galing yan? Gawa ba yan ng mga umatake sa inyo sa Ezio Manor?"

"Uhh... opo..."

"At nasaan ang necklace mo? Bakit hindi mo suot?"

Hindi ako nakasagot. Paano niya nalaman? May lahi rin kayang Ezio si Madame Carissa?

Kaya ayun, sinabi ko na lang ang lahat. Kinwento ko na rin kung paano ako tinulungan ni Julian sa pakikipaglaban nung gabing yun.

Napansin kong kakaiba ang face expression ni Madame Carissa.

"Uhmmm... pwede po ba akong magtanong?" sabi ko. "Posible po kayang makita ko pa ang mga magulang ko?"

Tinignan niya ako nang ilang minuto. Pagkatapos ay kumunot ang noo niya at tumalikod sa akin.

"If we know who they are, we would have given you to them," malamig na sabi ni Madame Carissa. Dumiretso siya sa hagdanan at umakyat. Agad naman siyang sinundan ni Master Devan para umalalay.

Nabaling ang atensiyon ko nang biglang may balloon na lumilipad sa direksiyon ko. Buti na lang at nakailag agad ako, pero ang natamaan ay si Manang Fiona. Nakita ko na lang na basang basa na siya. Water balloon pala iyon.

Tumingin ako sa direksiyon kung saan nanggalong yung water balloon. Nakita ko si Nilo na nakatulala at mukhang natatakot na. Ako yata talaga ang balak niyang batuhin.

"Hay nakung bata ka!" galit na hinabol ni Manang Fiona si Nilo. Palihim na lang akong tumatawa.

*****

CARISSA DEVAN'S POV

Siguro, gawa na rin ng paglilihi ko. I can't help the tears from falling. Nakaupo ako sa higaan namin, sobbing very loud, while Luis is stroking my shoulders.

"She... she's starting to remember..." I cried. "Luis, anong g...gagawin natin kung magbalik ang alaala niya."

"Tahan na, sweetheart."

I looked at him, "What are we going to do if she ever retrieved her memory? Now, that Callix is out there?"

Napaisip nang saglit si Luis, "Then, we have no choice. Kailangan nating sabihin sa kanya ang lahat, Carissa..."

"No! Absolutely not!"

"Then what are we supposed to do? Paano kung tuluyang lumakas si Callix at bigla na lang siyang kunin nang hindi natin nalalaman?"

"Telling her everything does not only means she will be retrieving her memory," I explained. "Luis, it could trigger something inside her. And by that point..."

"... she will be unstoppable," dugtong ni Luis. He started stroking his temple.

"Kailangan nating mag-ingat, and pay more attention to Karis."

*****
A/N: Dun dun dun! Sorry sa matagal na update since sobra akong naging busy. Anyways, I just got a Twitter account! Follow me on Twitter @makatangpauso if you want to keep updated.

The Lost ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon