Chapter One

16.4K 444 16
                                    

Tinignan ko yung papel na binigay sa akin ni Tandang Fiona. At muntik na 'kong mapamura nang malakas sa public place.

Puro instrument supplies? Anak ng tinapa, ang dami nito, back to back! At kaya ko bang buhatin 'tong lahat? Hmph!

Malamang, sa mga collections na naman 'to ni Master Devan. Siya yung pinaka-head ng pamilya at asawa niya si Madame Carissa. Oo, medyo magkatunog ang pangalan namin pero alam kong hindi kami magkamag-anak.

Mula kasi noong iniwan ako ng nanay ko sa bahay nila noong ten years old ako, pinaalagaan nila ako kay Manang Fiona na mayordoma ng manor. Wala akong maalala sa past ko noon. Tinulungan ako ng pamilya Devan para makapasok sa school. Naka-graduate ako ng highschool at kailangan kong makahanap ng ibang trabaho bago tumuntong sa college. Kaya ngayon, magiging maid muna nila ako hanggang sa makahanap ako ng pagkakakitaan, para na rin makabawi ako sa lahat ng ginawa ng mga Devan sa akin.

Isang sikat na musician si Master Devan at ngayon ay music tutor na siya. Yun din ang dahilan kung bakit sila mayaman. At yung asawa niya, si Madame Carissa, ay isang housewife. May dalawa silang anak, yung isa ay ten years old na si Nilo. Sobrang kulit, masarap kotongan ang batang 'yun. Yung pangalawa, nasa tiyan palang ni Madame Carissa.

Hindi lang sa pagiging musician, kaya rin kilala ang pamilya Devan ay dahil mga Aima silang pareho. Ang aima ay mga taong may kakayahang kontrolin ang mga zion nila.

Ang zion naman ay ang ating soul, ang pinaka-root ng buhay natin. Lahat tayo ay may zion dahil lahat tayo ay may kalukuwa. Pero ang mga aima lang ang mga kakayahang makapag-access nito at gawing kapangyarihan. Ang tawag sa process na ito ay Tha.

Marami-rami rin namang aima sa mundo, pero nabawasan sila noong nagkaroon ng labanan ang mga aima at mga normal na tao eight years ago. Eight years ago din ako nakita ni manang sa labas ng mansion ng mga Devan. Inakala niya pa nga noon kung isa ba akong aima, pero habang lumalaki ako ay wala naman akong pinakitang special powers kaya kahit ako ay sure na normal lang ako.

Buti ngayon ay mas payapa na ang mundo. Ang mga aima at normal na tao ay magkakasundo na.

"Kuya, ilabas mo lahat ng nandito sa papel na 'to," inabot ko ang listahan ng bilihin. "Tapos sabihin mo na lang sa akin kung magkano, ha? Ok?"

Sumimangot lang siya. Sungit naman ni kuya. Hmph.

Pagkabigay sa akin lahat, nanlumo ako. Ang dami-daming materials nito, at mag-isa lang ako. Don't get me wrong, malakas naman ako kahit babae, pero hindi mo pa rin maalis ang fact na dalawa lang ang kamay ng tao!

Kaya dahan-dahan akong naglakad habang magkabilaan kong bitbit sa mga plastic. Maliban sa bigat, di rin ako magkanda-ugaga sa dami.

"Excuse me! Excuse me, dadaan lang!" sigaw ko na lang kapag masikip yung daanan. "Punyeta."

"Tabi!"

May mukhang snatcher na sumigaw at mabilis na tumakbo sa dinadaanan ko. Muntik na akong ma-out balanced sa pagdaan niya.

"Fuck, get out of my way!"

Isa namang lalaki ang nakita kong tumatakbo kasunod nung mukhang snatcher. Mukha siyang mayaman.

Oomph!

Ouch.

Nagkasalubong kami nung lalaki at napatumba ako sa pwet ko. Nagkalat din ang mga supplies na pinamili ko sa sahig.

Tatakbo na sana ulit yung lalaking mukhang mayaman pero sinigawan ko siya. Dapat lang, noh!

"Hoy! Wala kang modo!" sigaw ko. Tumayo na ako kahit medyo masakit pa ang back side ko. "Tignan mo! Yung mga pinamili ko!"

The Lost ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon