Prinsipe?

24 1 0
                                    

Billie's POV

Sa practice ako ngayon. Sa usual pwesto ko, kagaya kahapon, nung naging lutang ako.

Tapos parang may feeling ako na may masamang nakatingin saakin.

Pag lingon ko naman sa taong pinakaunang nasa isip ko na titingin saakin ng masama, as usual si Yuan, nagtaka ako dahil focus naman siya sa mga umaakyat ng stage, kaya hindi ko nalang pinansin ang feeling ko na iyon. Hahanapin ko nalang yung taong may masamang tingin saakin pag akyat ko ng stage.

...

Sa gitna ng rehersal, tinawag na ako.

'Okey Billie, kaya mo toh. Aakyat ka lang sa stage at hahanapin si unknown person.'

Pag akyat ko, ginawa ko yung usual na ginagawa ng mga students sa recognition, shake hands at mga iba pang ganon.

Nung hinahanap ko na yung mystery person na yun, may nakita akong shadow doon sa may likod.

Baka siya yung nakatingin saakin ng masama kanina pa. (Indoor stage pala ito guys ha)

Pagbaba ko ng stage, hinanap ko yung tao na yun. Nung pumunta na ako sa pwesto niya kanina, wala na siya doon sabay may nag glow na ilaw sa may labas.

Bilang ako, edi pinuntahan ko yung ilaw kahit baka may nakakatakot doon hehe...

Nagpaalam lang ako sa mga teachers namin kung pwede ako magcr lang ng sandali.

' Thank you Lord na pinayagan nila ako!', usually kasi, strikto sila. Kahit kailangan mo na talaga mag cr hindi ka talaga papayagan.

So back to the adventure.

Bago pa ako pumunta sa bawat place dito sa campus nanghula nalang ako kung saan kaya si Dr. Quack quack...ayy este, si unknown person.

Ang unang place na naisip ko kung saan si "PERSON" ay sa garden. Kasi malay mo, yun ang pinakapossible diba? Or parang may kutob lang ako na nandoon siya.

Pagpunta ko doon, nakita ko kaagad si mystery shadow person, parang papunta siya doon sa mysterious glowing circle...parang isa yung...

Portal?

"Wait lang po, miss!", hindi pa ako sigurado kung miss yun or sir pero yun yung unang lumabas sa bibig ko eh haha!

Hindi pa niya yata ako napapansin, kahit na sumigaw na ako, nakatingin parin siya doon sa portal na ewan.

'Billie ang galing mo, bilisan mo na nga diyan! Maygahd!'

Pinagalitan na ako ng isip ko kaya inobey ko nalang hah.

Bago pa malunod ang paa niya sa maliwanag na mga ilaw, hinawakan ko kaagad yung arm niya.
"Wait lang po!"

Pagharap niya saakin surprised yung expression niya. At babae pala siya.

"S-sino ka?", tanong niya saakin ng kinakabahan.

Nakakahiya naman tumabi sakanya, ang tangkad kasi! Pero parang puzzled pa talaga ako.

'Bakit naman siya kinakabahan?'

"Ako pala si Billie, Billie Bendiola.", nakasmile ako habang nagiintroduce.

Tumingin siya sa suot ko, naconcious naman ako, kaya tumingin din ako sa suot ko. Uniform lang naman ito ah. Pag tingin ko sa shoes ko tumigin din ako sa shoes niya, na parang hindi naman talaga shoes?
Parang pang war yung outfit niya na pang goddesses.

'Bakit parang pang fantasy yung suot niya?'

(And itsura niya pala ay parang si Amihan ng Encantadia)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It All started with a glare KENBIE (But you will experience it)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon