A Sudden Twist in the Story

81 2 3
                                    

here.  i know am not a good writer but atleast i tried right.  this is for your birthday its kinda boring but i hope youll read it till the end

Frances POV

Unti unting nagising ang aking diwa ng maramdaman kong may likidong unti unting bumabasa sa napakaganda kong mukha kasabay nito ang boses ng isang lalaking pamilyar sa akin

           "Frances! gising na bumangon ka na jan malalate ka nanaman ang aga pamandin ng first class mo!"

Ayan,ayan nanaman ang kuya ko na mas masahol pa sa alarm clock kung mang gising!Akala mo naman di malakas ang boses niya para magising ako biruin mo kumuha pa talaga siya ng water gun na pinangbasa sa mukha ko how dare him para basain ang maganda kong mukha!

           "Oo na! nandyan na ! lumayas ka sa harapan ko umagang umaga sinisira mo araw ko!"

           "Aba grabe lang huh !dapat nga magpasalamat ka dahil sa pagdilat na pagdilat ng mga mata mo itong gwapo kong mukha na agad ang sasambulat sayo!"

At dahil sa sinabing yan ng kuya ko muntik muntikan na kong masuka.Pakiramdam ko nagsitayuan lahat ng buhok ko sa katawan kaya kinuha ko ang pinakauna kong nahawakan sa sahig at inihagis ko ito sakanya.

           "aray ang baho lang huh! pati ba naman gamit na medyas ihahagis mo sakin paano nalang kung tinamaan tong napakgwapo kong mukha ng napakabaho mong medyas eh baka dumikit pa ang amoy ng masangsang mong paa sa mala prinsipe kong mukha!ano nalang sasabihin sakin ng mga chiks na humahabol sakin huh? masisira ang reputasyon ko!"

Ang kapal talaga ng mukha  ng lalaking to !Ewan ko ba kung san niya kinuha ang kakapalan ng mukha niya eh siya lang naman ang ganyan sa pamilya.Hinayaan ko nalang siya mag ilusyon at dali dali na akong nagpunta sa may kusina upang magkape sobrang inaantok pa kasi ako

habang nagtitimpla ng kape ay nakita kong may paparating  na lalaki na papalapit sa akin pagkatalikod ko ay dito ko lubos na nakita ang kanyang mukha,Sa sobrang gwapo niya ay pakiramdam ko nalaglag ang aking panga na dahlan ng pagkaiwang bukas ng aking bibig at sanhi ng aking pagkakatulala

             "hi miss ako nga pala 'yong bagong border dito,puwede bang makigamit ng baso dito ? wala pa kasi akong gamit eh"

Grabe ang gwapo niya talaga ang kinis ng mukha niya ano kayang ginagamit niyang facial wash?Parang ang sarap hawakan at haplusin ng kanyang mukha niyang malaanghel mukhang ang lambot lambot pa neto at pati na ang kanyang mapupulang labi grabe ang tangos ng ilong niya para itong isang sculpture na perpektong naiukit ng napakagaling na sculptor.

           "miss? okay ka lang ba? may masakit ba sayo?"

Dito lang bumalik ang aking diwa ng mapansin kong parang nababahala na ang lalaking ito at unti unti niyang ikinakaway ang kanyang kamay sa aking mukha akala niya siguro may sayad na ako.Nakakahiya

          "ah oo ayos lang ako ano nga pala yung sinasabi mo?"

          "tinatanong ko lang kung puwede bang humiram ng baso dito dahil wala pa kong gamit bagong lipat lang kasi ako"

          "ah oo basta hugasan mo pagkatapos mong gamitin"

          "ah ganun ba sige salamat huh?"

          "walang anuman sige mauna na ko"

Bilis takbo akong bumalik ng kwarto dala dala ang kape ko nang bigla akong napatigil sa harap ng salamin nanlaki ang aking mga mata sa repleksyong aking nakita.Magulong nakataas ang aking kulot na buhok at may bakas pa ng laway sa gilid ng aking mga labi ,mas lalo pang nanlaki ang aking mga mata ng kapain ko ang aking likod at napagtanto kong wala akong suot na undearwear(wala akong bra!)Pakiramdam ko ay unti unti na  akong babagsak sa sahig ng makita ko ang orasan sa pader twenty minutes nalang ay malalate na ako kya dali dali kong ininom ang kape ko at dumiretso na ako sa banyo upang maligo at magbihis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Sudden Twist in the StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon