Chapter 23

564 8 0
                                    

America

Habang inaayos ni Vice ang damit niya pang office ay may kumatok sa kwarto niya

" Sir may mga bisita po kayo " sabi ng katulong niya

" Sino daw sila ? " sagot naman ni Vice hanbang kinakabit ang necktie

" Mga kaibigan niyo raw po galing sa pilipinas "

Napangiti naman si Vice sa sinabi ng katulong niya " Sige ate susunod na ko " binilisan ni Vice ang pag aayos at agad agad ding bumaba. Habang bumababa si Vice ay agad niyang nakita sila Anne at Vhong sa living room na nakaupo sa sofa. 

" Psssst Ngangabu ! Vhong ! " pasigaw na sinabe ni Vice para makuha ang atensyon ng dalawa 

Napatingin naman sila Anne at Vhong " Vice ! "   " Brad ! " sabay na sinabi nila Vhong at Anne 

Binilisan ni Vice ang pag baba at sabay na tumakbo papunta sa mga kaibigan ganon din sila Anne at Vhong tumayo sila at nilapitan si Vice. Nag group hug ang tatlo ng ilang segundo unang kumalas si Vice at niyaya ang dalawa na maupo muna.

" Kelan pa kayo dumating ? diba next week pa ang show niyo dito  ? " sabi ni Vice

" Kahapon pa kami nandito. Ehh syempre alam mo na pasyal pasyal muna " sabi naman ni Vhong na pabiro

" Ahhh ganun ba.. Oo nga pala asan nga pala sila Billy ? " 

" Nasa hotel sila nag papahinga pa. Sila Ryan Coleen Eruption Juggs at Teddy naman namasyal na. Tapos ayun kaming dalawa ni Vhong naisipan naming puntahan ka dito sa bahay mo.  " sabi ni Anne 

Nagkwentuhan pa ang tatlo hanggang sa hindi na napigilan ni Vice ang sarili niya na itanong kung nasaan si Karylle

" Si K kasama niyo ba ? "

Nag tinginan sila Vhong at Anne. Nakita naman ni Vice ang reaksyon nila Vhong at Anne kaya naisipan niyang mag kwento nalang.  

" You know guys nung sinamahan kong mag pa check up si nanay may nakita ako kamukang kamuka ni tita  Zsa zsa ngi hindi ko nga alam kung siya ba talaga yun o namamalikmata lang ako haha "

Nanlake ang mga mata nila Vhong at Anne at ulit silang nagtinginan. Hinawaka ng mahigpit ni Anne ang kamay ni Vhong tinignan ni Vhong si Anne at nagets naman agad ni Vhong ang gustong iparating ni Anne.Napansin naman ni Vice sila Vhong at Anne

" Huyy ano ba kayo bat wala kayong kibo jan ha kanina pa ko dalda - " hindi natuloy ang sasabihin ni Vice nang biglang nagsalita si Vhong

Vhong cleared his throat before speaking " Uhmm Vice ano kasi ee.. " sabi ni Vhong na tumingin ulit kay Anne. Tumango naman si Anne to signal him na ituloy niya ang sasabihin niya.

" Si K may sakit siya.. Leukemia.. Vice malala na ito at maliit nalang ang chance na mabuhay pa siya.. " hinawakan ni Vhong ang balikat ni Vice dahil nakikita niya ang pag ka gulat nito

" Vice yung babaeng nakita mo nung sinamahan mong mag pa check up ang nanay mo si tita Zsa zsa nga yun... Nandito sila sa America para ipagamot si K... " dugtong pa ni Anne tumulo ang luha ni Vice pero agad din naman niya itong pinunsasan. Tumayo si Vice at akmang aalis na ng pigilan siya ni Anne

" Sandali lang Vice ! san ka pupunta ? "

" Pupuntahan ko si Karylle.. " sagot ni Vice

tumayo naman si Vhong sa kinauupuan niya

" Sasama kami " sagot ni Vhong tumango nalang si Vice

Itutuloy 

Pag - Bigyan Ang Puso ( ViceRylle )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon