Chapter 28 ( End )

740 11 0
                                    

Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko, 
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang 'yong ngiti.

Napatigil si Vice sa pag kanta dahil naramdaman niyang lumuwag ang pagkakayakap sakanya ni Karylle. Tinignan niya ito at nakitang nakangiti ito habang nakapikit basa ang muka dahil sa luha.Niyakap niya nalang ito ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

" Mahal kita mahal na mahal... " tahimik na umiyak si Vice habang yakap yakap si Karylle

Continuation

Nag hahanda na ng pagkain sila Zsa zsa at Zia nang dimating sina Anne, Vhong, at Billy.Agad namang nilapitn ng tatlo sila Zia para ibeso ito.

"  Good Evening po tita Z and Zia " sabay nasinabi nila Billy, Vhong , at Anne

" Good Evening din " bati naman ni Zia

" Good Evening :), Oh halika na upo na kayo at tatawagin ko lang sila K at Vice " sabi ni Zsazsa habang nag pupunas ng kamay

" Sige po thank you, Ay Tita kami nalang po ang tatawag kila K. Diba boys ? " sabi ni Anne na pinandilatan sila Vhong at Billyna paupo na sana sa hapag kainan

" Ah eh oo nga po tita kami napo ang tatawag sakanila diba kuys Vhong ?" sabi ni Billy na agad tumayo

" Sabi ko nga ee "  sabi naman ni Vhong na agad din namang tumayo

" Ahh guys mauna na kayo medyo sumama kasi yung tiyan ko ee, susunod nalang ako " sabi ni Billy habang nakahawak sa tiyan niya

" Sige kuys labas mo na muna yan hahaha " sabi ni Vhong

" Sunod ka Billy boy ha, Ahmm tita asan po ba sila K ? " sabi ni Anne

" Naglakad lakad sila kanina ni Vice sa dagat ee puntahan niyo nalang sigurado akong nandon lang yung mga yon " sabi naman ni Zsa zsa

Agad na nagpunta sila Vhong at Anne sa dagat.Nakita nila si Vice na nakayakap kay Karylle sa duyan habang nakayuko. Hindi muna nila ito linapitan  [a/n: nasalikod ng Vicerylle ang VhongAnne kaya hindi alam nila Vhong na umiiyak si Vice]

" Hey lovebirds kakain na tayo tumayo na kayo jan " sabi ni Anne na naka crossarms pero hindi siya pinansin ni Vice

Lumapit sila Vhong at Anne kela Vice.Hinawakan ni Vhong ang balikat ni Vice

" Huy brad kakain na ! " sabi ni Vhong. Tinignan sila ni Vice nagulat naman sila nang makita nila si Vice na umiiyak

" A-anong problema sis ? " tanong ni Anne na nag aalala

Umilingiling lang si Vice sabay mouth ng words na " Wala na, Wala na si K " Habang umiiling napayuko siya dahil tumulo ulit ang kanyang mga luha.Napa iyak narin sila Vhong napayakap si Anne kay Vhong dahil sa sobrang naiyak na ito. Eksakto naman na dumating si Billy

" Huy guys ano na ? Kanina pa kayo hinihintay ni tita Zsa zsa "  sabi ni Billy tinignan nila Vhong si Billy.

" Kuys... wa-wala na si K... " sabi ni Vhong

Nilapitan ni Billy si vice ganun din naman sila Vhong at Anne

Hinawakan ni Billy si Vice sa balikat " Bestie.. " di narin nakapagpigil si Billy na umiyak. Niyakap niya si Vice para icomfort ito. Habang si Anne naman ay niyakap si Karylle habang hinahaplos haplos ni Vhong ang likod ni ann dahil humahagulgol na ito sa iyak.

" Bestie wala na si Kurba... wala na yung babaeng mahal ko.. " sabi ni Vice kay Billy habang magkayakap ito. Hindi alam ni Billy ang isasagot niya kaya hinaplos haplos niya nalang si Vice para patahanin man lang ito.

Pag - Bigyan Ang Puso ( ViceRylle )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon