Habang nag papagamot si Karylle sa America ay na isipan naman ng Its Showtime staffs na magkaroon ng isang show sa America para narin makadalaw kay Karylle.
America
* Anne Calling *
" WAKLAAA !!!! " malakas at patawang sinabi ni Anne. Agad namang nilayo ni Vice ang phone niya sa tenga niya at agad din namang nilapit ulit.
" Ano nanaman ba ngangabu ha ? "
" Di mo pa ba alam ? "
" Ang alin ? na magkakaron ang Showtime ng show dito sa america ? "
" Hindi yunn "
" Eh ano nga kasi yun ? "
" Ehh ano kasi kung pwede sana makikitulog kami sa bahay mo haha "
" Sira ka ngangabu andami dami mong pera mag hotel ka ! haha "
" Oo na sige na basta wag mong kalimutang manood ah "
" Syempre naman gusto niyo mag host pa ako ee. O sige na sasamahan ko pa si nanay para mag pa check up "
" Ok bye wakla see you soon "
* Call Ended *
Philippines
Nakangiting binaba ni Anne ang phone niya napansin naman ito ni Vhong kaya nilapitan niya siya.
" Saya mo ah sino yun si Erwan ? "
" Hindi si Viceral "
Napatahimik naman nang sandali si Vhong.
" Anne parehong nasa America sila Vice at K may posibility kaya na magkita yung dalawa ? "
" Ano ka ba Vhongskie anlaki laki ng America the chance is very light na magkita silang dalawa "
" Pero d kaya dapat sabihin natin kay Vice ang nangyare kay K ? "
" Let K handle that " tinapik ni Anne si Vhong sa balikat " Tara na ag rehearse na ulit tayo " lumakad na si Anne papuntang stage sumunod naman sakanya si Vhong
America
Habang chinecheck ni Vice ang result ng sugar ng nanay niya
" Oh ayan na nay ang hilig mo kasing kumain ng matatamis tumaas nanaman tuloy ang sugar mo. Itigil mo na ang kakakain ng matatamis at ang pag ino- " di natuloy ni Vice ang sasabihin dahil sumingit ang nanay niya
" Ano ka ba naman tutoy matanda na naman ako hayaan mo na ko " napahingang malalim nalang si Vice. Pinauna na ni Vice sila Nanay Rosario at ang caregiver nito at ang driver nila habang inaayos naman niya ang mga bills sa hospital.
Habang naghihintay sa counter ay lumingon siya sa dalawang nurse na naguusap tungkol sa pasyente at humarap ulit sa counter.
After 3 seconds
Mabilis na lumingon si Vice ng nakita niya ang isang babae na kinakausap ng doctor. Tinitigan niya itong mabuti
Vice POV
Ti - tita Zsa Zsa ?
Tinitigan niya ito ng ilang segundo ng napatingin si Vice sa tumawag sa kanya
" Sir Vice ! Nag hihintay na po ang Van sa baba halika na po " sabi ng driver nila
" Ha ? ah oo sige susunod na ko "
lumingon ulit siya para makasiguro kung si Zsa zsa nga ang nakita niya pero nung lumingon siya ay wala na dun ang babaeng nakita niya. Bumaba na si Vice at sumakay na ng Van.
Vice POV
Si tita Zsa zsa kaya yun ? * iling iling * hindi pwede ano naman ang gagawin niya dito sa america at sa hospital pa baka namamalikmata lang ako.. hayyy
Itutuloy