Bago bumalik papuntang pilipinas ang Showtime family ay naisipan muna nilang dumalaw kay Karylle.Nagkwentuhan, Kulitan, Harutan silang lahat. Lumipas ang dalawang oras at nag papasiyahan narin ng mga host na pumunta na ng airport dahil baka malate sila sa flight nila.
After 2 weeks
1 week narin napapansin ni Karylle si Vice na abalang abala sa sinusulat niya kaya napag pasyahan niyang tanongin ito kung ano ang ginagawa niya.
" Vice isang linggo mo na yang sinusulat ahh di ka parin tapos ? ano bayan ? " sabi ni Karylle sabay silip sa ginagawa ni Vice inilayo naman kaagad ni Vice ang papel kaya nag katinginan sila ni Karylle.
huminga ng malalim si Vice saka nagsalita " Hayyyy.. dapat kasi surprise ko toh for you eh kaso di ka na nakapaghintay ee " sabi ni Vice na napakamot pa sa ulo
" Eh ano nga kasi yan ? " sabi naman ni Karylle sabay kuha ng papel kay Vice.
Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugad
Nadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan
Na di pa dinanas ng sinuman
binasa ni Karylle nang malakas ang mga nakasulat sa papel.Hindi na niya tinapos dahil mahaba pa ito.
" Gusto ko kasi sanang magsulat ng kanta tungkol sa mga pinagdaanan natin kaya ayan " sabi ni Vice tinignan naman siya ni Karylle at ningitian
" A anong meron sa ngiting yan Kurba ? "
" May talent ka pala sa pag susulat. Teka Tapos na ba toh ? may tono na ba ? "
" Oo tapos nayan may tono narin "
Binalik ni Karylle ang papel kay Vice " Sige nga Sampol "
" Ha ah sige Ahem " sabi ni Vice
napatawa naman si Karylle
Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugad
Nadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan
Na di pa dinanas ng sinuman
Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko,
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang 'yong ngiti.
Feel na feel ni Vice ang kanta linapit niya ang muka niya kay Karylle akmang hahalikan ito pero napahinto nalang siya ng kalibitin siya ni Thirdy na nakasuot ng earphone sa isang tenga.
" Dad Mom look ninong Billy and ninong Vhong have a new dance steps "
Binigay ni Thirdy ang ipad niya sa mga magulang niya para mapanood ang bagong sayaw ng BillyVhong na bubblebutt.
Vice POV
Feel na feel ko na sana yung pagkanta ko kaso may kumalabit sakin
" Dad Mom look ninong Billy and ninong Vhong have a new dance steps " sabi ni Thirdy.Binagay niya samin ni Karylle yung ipad niya para ipanuod samin yung bagong sayaw ng billyvhong. Hayyyy simula nung nanood kami ng Showtime ng live dito sa America lagi na niyang ginagaya yung mga move nila billy at vhong at di lang yon sinasama niya pa ako tuwing sasayaw siya.
" Dad let's gaya ninong Vhong and ninong billy's dancestep " sabi ni Thirdy. ito na nga ba sinasa bi ko eh
" Nako K onting onti nalang ishohoot konayang anak mong bilogan sa inidoro naku naku naku talaga " sabi ko kay Karylle ng pabulong pano ba naman kasi onting onti nalang mahahalikan ko na si Karylle umepal patong batang toh
nagulat nalang ako ng hinalikan ako ni Karylle smack lang naman. " Oh ayan na para di kana magalit sa anak natin " sabi niya sakin ng nakangiti. Wala nakong nagawa hinila na ako ni Thirdy sa gitna ng kwarto at nag sayaw na kami ng bubblebutt
Sayaw lang kami ng Sayaw pero napahinto ako ng tinawag ako ni Karylle. Lumingon agad ako at nakita ko siyang nakahawak sa ulo at bibig niya. Agad ko siyang nilapitan.
" Aanong masakit sayo ?! " nagulat nalang ako dahil nagdugo ang ilong niya at nagsuka narin siya nang may halong dugo. Agad akong lumabas at tumawag ng doktor.
Naghintay lang kami ni Thirdy sa labas dumating narin sila Zsa zsa at ang mga kapatid ni Karylle. maya maya lang ay lumabas na ang doktor.
Agad akong tumayo at nilapitan ang doktor habang karga karga si Thirdy.
" Doc kamusta napo siya ? "
tingnan muna kami isa isa ng doctor
" I'll be straightforward to you Mr. Viceral. Hindi na tinatanggap ng katawan ni Mrs.Hughes. Im sorry pero wala na kaming magagawa. "
Halos gumuho ang mundo ni Vice sa mga narinig pa ulit ulit niyang naririnig ang mga sinabi ng doctor
Im sorry pero wala na kaming magagawa
Im sorry pero wala na kaming magagawa
Im sorry pero wala na kaming magagawa
Karylle POV
Nagising ako nakita ko si Vice hawak hawak ang kamay ko habang umiiyak.Ginalaw ko yung kamay kong hawak niya para punasan ang luha niya.Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.
" K kamusta ka na ? may masakit pa ba sayo ? may gusto ka ba ? sabihin mo lang sakin ? " sabi niya sakin habang hawak hawak parin ang kamay ko. Hindi ko siya sinagot tumingin tingin lang ako sa paligid.
" Vice si Thirdy nasan ? " sabi ko sakanya
" Inuwi na siya nila tita Zsa zsa para makapag pahinga narin "
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya
" Vice, gusto ko nang bumalik sa Pilipinas " nanlaki lang ang mga mata niya.
" A anong sabi mo ? "
" Gusto ko nang bumalik sa pilipinas...."
" Pero K.. "
" Vice, please... Alam kong alam mo wala narin namang silbi ang pag stastay natin dito...Vice hindi na ko gagaling " tumulo ang mga luha ko pati narin ang mga luha niya. Tumayo siya at hinalikan ako sa noo saby niyakap.
" Shhhhh sige babalik tayo kung jan ka sasaya. I love you Kurba mahal na mahal kita. " bulong niya sakin habang magkayakap kami
ITUTULOY
