Ako si Justine, second year collage na ngayon at ang matagal nang may gusto sa kaibigan kong si Irene simula nang tumuntong kami ng highschool at kahit isang beses ay di ko magawang umamin.
Simula pagkabata ay siya na ang nagging kaibigan ko dahil wala akong kapatid. Maganda si Irene pero hindi ko siya nagustuhan sa itsura lang, kundi sa kanyang kabutihang loob…
Lumipat kami ng school ni Irene dahil sabi niya, ewan ko ba kung bakit pero running for Suma Cumlaude siya doon. Sa isang iglap lang ay kinausap niya ako na gusto na niyang lumipat ng school.
Umayaw nga sila tita dahil sasayangin niya lang daw ang pagkakataon, kahit ako ayoko din pero hindi na siya nagbigay ng dahilan kung bakit gusto niyang lumipat at hanggang ngayon kahit nakalipat na kami ng school ay ayaw niya pading sabihin ang dahilan.
Tuwing tatanungin ko ay nagiiba siya ng topic o kaya matutulala at hindi na mamamansin.
"Hoy! Bago ka dito noh?"
Wala pa naman ako sa mood ngayon dahil dalawang araw ko nang hindi nakikita si Irene.
"Ah oo? Siguro?" sagot ko sa lalakeng nagtanong sa akin. Tanong pa lang at pananalita halatang bully.
"Aba! Gago to ah! Hindi mo ba kami kilala?!" sagot ng isa niyang kasama.
"Hindi" matipid kong sagot.
Wala akong panahon para patulan sila.
"Ang sama mong tumingin ah!!" sabi ng isa.
Wala akong balak gumanti, pumikit lang ako. Hindi dahil sa duwag ako kundi nagtitimpi na ako. Hindi ko pa nasasabi sa inyo na kabilang ako dati sa mafia wars parang gangster pero hindi gangster basta tinatamad ako magpaliwanag. Kung hindi lang dahil kay Irene ay kanina ko pa nilabanan tong mga kumag na to!
"Hoy mga mukhang unggoy! Anong gagawin niyo kay Justine ha?!"
Teka boses yun ni Irene ah!
Napadilat ako kaagad. Hindi nga ako nagkakamali. Si Irene nga!
Ang cute niya pag nagagalit. Pabugbog kaya ako ^___^
"SINONG UNGGOY!!" bully 1
"Hoy bubwit! Wag kang makealam dito ha! Mga baguhan lang kayo pero kung makaasta kayo!"
Sasampalin dapat si Irene pero pinigilan ko lang.
"Wag na wag mong sasaktan si Irene." punong puno ng pagbabanta ang boses ko.
"Hoy anong kaguluhan to ha?!" tanong ng dean.
"Bumalik na kayo sa mga klase niyo! ASAP!" dean
Pagkaalis ng Dean binantaan nila kami..
"May araw kayong dalawa sa akin!"
