#3 The Confession

43 2 0
                                        

Third Person's POV

"Justine may problema ka ba? Kung may problema ka wag ka namang makalimot oh! Naandito naman ako palagi e. Bakit ka ganyan?! Alam mo namang hindi pagtahimik ang solusyon sa proble-...."

Binibiro lang ni Irene si Justine dahil masyado daw itong seryoso at mukhang malalim ang iniisip. Pero laking gulat niya sa sinabi ni Justine.

"Mahal kita Irene." Justine

"Alam ko naman yun bestfriend hahaha hindi mo na kailangang sabi-..." Irene

"Irene hindi bilang kaibigan. Kundi higit pa doon!" Justine

Hindi alam ni Irene kung ano ang magiging reaksiyon niya. Para siyang maiiyak pero pinigilan niya lang.

"Justine! Hahaha wag nang magbiro okay?" Irene

"Irene hindi ako nagbibiro." Justine

"Pero-..." Irene

"Irene matagal na kitang gusto high school pa lang tayo, ikaw na talaga ang gusto ko. Habang nakakasama kita lalong lumalalim ang pagkagusto ko sayo, Irene kapag wala ka naman sobra kitang namimiss. Hindi ko alam pero isang araw, paggising ko boooom! Ikaw ang mahal ko! Irene ikaw ang kinukuwento ko sayo na matagal ko nang gusto pero natakot lang talaga ako. Irene…maniwala ka please." Justine

"Irene pinilit kong kalimutan ka, pinilit kong kalimutan na may bestfriend ako para mawala lang tong nararamdaman ko pero hindi ko talaga kaya. Lalo lang lumalim tong nararamdaman ko."

"Justine hindi ko ineexpect to." Irene

Actually matagal ko nang expected to. sabi ni Irene sa isip niya.

"Alam ko Irene kaya sana...."

"Pero Justine, seryoso ka ba talaga? I mean isasacrifice mo ang pagkakaibigan natin para sa pag-ibig? Hindi ba parang ang hirap nun, parang ang sakit pagkaganoon?.."

"… Justine sorry… Sorry kasi ayokong saktan ka pero mas mabuti na magkaibigan tayo diba? Kasi Justine tignan mo, ang friendship hindi nasisira, hindi lumalabo magaway man tayo o malayo sa isa’t isa walang magbabago. Pero kung love yan? Maaaring magkahiwalay tayo, konting away o malayo, break na parang ganun"

"…Justine ayokong mangyari sa atin yung ganon. Kasi kung mangyari yun, hindi na tayo mababalik sa dati na kung ano tayo ngayon." Irene

"Irene wag mo naman isipin yun please! Hinding hindi mangyayari yun! Ikaw magiging boss ko! Kilala mo naman ako Irene hindi ba? Hindi ako ganun Irene. Kahit pangit pa ugali mo kahit mabaho ka pa umutot, kahit tulo pa ang laway mo tuwing matutulog ka tanggap kita Irene kasi mahal kita. Irene please wag mong isipin na ganoon ang mangyayari." Justine

"Irene, tiniis kong hindi manligaw sa iba dahil ikaw lang naman talaga. Kung tuksihin mo man akong bakla ayos lang dahil papatunayan ko sayo na kahit hindi ako nanliligaw, sayo ko naman ibubuhos ang lahat. Tuwing sinasabi mo na bestfriends forever tayo nasasaktan ako. Nakiki-ride na lang ako sayo kahit bawat bigkas mo ay siyang pagdurog naman sa puso ko. Irene kung hindi ngayon maghihintay naman ako." Justine

Hindi na nakayanan ni Irene ang mga sinasabi ni Justine kaya may kumawala na isang luha sa kanyang mga mata at agad-agad niya naman iyong pinunasan.

"Justine sorry pero hindi pa dapat tayo nasa ganitong stage. May mga pangarap tayo remember? Justine naman oh wag mo kong pahirapan."

"Haaaay, Irene ano pa nga ba ang magagawa ko. Kailangan kong respetuhin ang desisyon mo kahit masakit sa akin. Pero may isa akong request pwede?"Justine

"A-ano yun Justine?"

"Pwede bang wag kang mailang sa akin? Best friends padin tayo Irene. Wala sanang magbago, kalimutan natin to na nangyari to wag lang magbago tingin mo sa akin."

Pumikit si Irene at may kumawala na namang isang luha. Agad namang pinunasan ni Justine at hinalikan siya sa noo.

"Oh bestfriend wag ka nang umiyak." Justine

"Hoy Justine!"

Biglang kinabahan si Irene at napatingin sa nagtawag kay Justine. Nakahinga siya ng maluwag nang si Aldrin at Ezra lang pala ang nagtawag.

"Oh bakit?!" Justine

"Anong bakit? Yung thesis gagawin na natin sa amin na kayo matulog ni Aldrin!" Ezra

"Osige susunod ako. Hintayin niyo ako sa gate!"

"Sige bilisan mo!" Aldrin

Laking pasasalamat ni Justine na dumating yung dalawa dahil hindi na niya ata kakayain ay maiiyak na siya sa harap ng babaeng mahal niya.

~

"Oh paano bestfriend okay na tayo?"

"Oo naman." Irene

"Ano uhm m-mauuna na a-ako?" Justine

"Hindi mo ba ako ihahatid sa bahay?" Irene

"S-sorry best h-hindi na muna."

"Ahh sige."

"Don't get me wrong bestfriend, hinihintay na kasi nila ako." Confession

"A-ahh okay lang sige mauna ka na."

"Sige magiingat ka Irene."

Tumalikod na si Justine at doon na nga tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.

"Bye Justine."

Friendzone (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon