#5 Ending (part2)

78 3 0
                                    

Third person's POV Flashback*

"Pare 20 missed calls galing kay Irene" Aldrin

"Hoy Justine sagutin mo na!" Ezra

Hindi pinansin ni Justine ang mga kaibigan dahil nahihilo pa siya sa sobra niyang pagkakainom

"Pare si Irene sinugod daw sa hospital!" Ezra

Agad namang napabangon sa pagkakahiga si Justine sa pagkakarinig pa lang nang sinugod.

Hindi na nakayanan ni Justine magdrive kaya naman si Aldrin na ang nagmaneho papuntang hospital habang si Justine naman ay tinatawagan ang phone ni Irene.

Irene ano bang nangyari sayo! Sagutin mo yung phone please!

Sabi ni Justine sa kanyang sarili.

Pagkadating nila sa hospital ay naririnig na ni Justine ang iyak ng mama ni Irene. Parang hindi na niya ata kakayanin ang sasalubong na balita sa kanya.

"T-tita?" tawag niya rito

Lumakas ang iyak nang mama ni Irene at agad na niyakap si Justine.

"I-iho! Goodness ano bang pinaggagagawa mo kay Irene!"

Nagulat si Justine dahil sinampal siya nang ama ni Irene at sinuntok naman ito nang kapatid na lalaki. Hindi siya gumanti kundi umiyak na lang siya sa harap ng madaming tao. Inawat na lang ng mga guard at mga kaibigan niya ang dalawa.

"Nang dahil sayo namatay ang kapatid ko!"

Naiyak si Justine sa narinig dahil hindi niya alam ang dahilan. Hinatak siya ng mommy ni Irene papuntang ICU.

"Justine ano bang nangyari?" tanong ng mommy ni Irene habang umiiyak,

"T-tita hin-hindi ko po alam." humahagulgol na din si Justine dahil hindi niya makayanan ang sinapit ng taong mahal niya.

"Justine sabi ng mga pulis ay mga mafia daw ang may gawa sa kanya, nahuli na yung babae at ang mga kasamahan nito. Napagalaman din na girlfriend mo yung babae, nakipagbreak ka at hindi naman pumayag yung babae. Justine iho baliw na yung babae. Siya ang may gawa nito kay Irene ko, Iho hindi ko makayanan ang nangyari sa anak ko."

Umiiyak pa din si Justine at sinusuntok ang pader hanggang sa magdugo na ito.

Sinabi na din lahat sa kanya ang nangyari kay Irene. Umakyat lahat ng dugo niya sa ulo nang malaman ang sinapit ng taong mahal niya, parang gusto niyang pumatay.

Napaisip na lang si Justine habang hawak hawak ang kamay ni Irene.

Irene, bakit ka namang nangiwan? Hindi ba sinabi ko sayo na okay na tayo? Ano bang sinabi sayo ni Trisha? Irene wag namang doble dobleng sakit oh! Mas gusto ko nang mabasted kesa sa mawala ka. Irene mahal na mahal kita. Kaya ka ba nagpaalam sa akin kanina? Hindi ka naman nagpapaalm sa akin o nagsasabi ng goodbye dahil diba *huk* sabi mo *huk* di ka mag gu-goodbye kasi hindi ka naman mawawala forever? Irene ang sakit sakit... Ang sakit na makita kang ganito dahil sa akin! Nagagalit ako sa sarili ko! Irene bumalik ka please! Sorry Irene kung hindi kita nahatid kanina. Hindi pala ako mabait na bestfriend. Masama ako! Masama ako! Napabayaan kita! Patawarin mo ako irene!

Bumalik ka lang sa akin! Kahit yung ayaw na ayaw kong panuorin dahil paulit ulit na, papanuorin ko na kahit maghapon basta makasama lang kita, Irene please!!

Iyak nang iyak si Justine at niyayakap na niya ang kaibigan na nakahiga padin sa kama. Lumapit si Ezra kay Justine na may dalang makapal na art work.

Lahat nang nasa paligid, maging pinsan at mga kaibigan ni Justine ay naiiyak dahil sa pagkaawa kay Justine.

Lalong niyakap ni Justine ang bangkay ni Irene dahil sa binigay ni Ezra na scrapbook na puro pictures lamang nilang dalawa at mga message ni Irene na nagsasabi na kung gaano niya kamahal si Justine.

END OF FLASHBACK

Umiiyak na naman ako Irene.

Hindi ko matanggap na wala ka na.

Hindi ko matanggap na naniwala ako sa mga sinabi mo na hindi mo ako mahal. Irene ang manhid ko pala.

"Iho anak, ikaw na ang magbabasbas kay Irene." mommy ni Irene.

Nanginginig ang mga kamay ni Justine habang binabasbasan ang kabaong ni Irene.

Nang matapos ang seremonya ay nilapitan siya ng ama ni Irene at ang kuya nito.

"Justine sorry sa ginawa namin sayo." tito

"Justine alam kong masakit pero sana mapatawad mo din kami dahil dala lang ng emosyon namin, gusto lang naming sabihin ni dad na welcome ka sa bahay."

"Iho mauna na kami ha." tito

"Opo salamat po."

~

"Irene I love you always and forever. Kung nasaan ka man sana maging masaya ka. Masakit man sa akin. Alam mo ba yun? Kahit kailan siguro hindi ko matatanggap na wala ka na. Wag kang magalala, hindi hindi ka mawawala sa puso ko. Alam mo bang hangga ako sayo? Pero sana naging hangga din ako sa sarili ko, sana naging hero mo ako. Sana hindi ko na pinasok yun. Lahat pinagsisisihan ko! Pero hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Sana mapatawad mo ko mahal ko dahil hindi kita naipagtanggol. I love you Irene."

-Justine

Friendzone (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon