Disclaimer: contains men to men relationship.
Si Charm Cardinal ay isang ordinaryong bata na masayang-masayang kapiling ang kaniyang magulang na kumakain sa kanilang tahimik at masayang tahanan. Ng biglang sumalakay ang mga halimaw at pinatay lahat...
Nagising ako ng may maramdaman akong humahalik sa aking mga mata, hinahaplos niya ang buhok ko at hinalikan niya rin ang noo ko. Nakita ko ang imahe ni inay na nakangiti at unti-unting nawala.
Napasigaw ako ng malakas at tuluyan na akong na gising. Pawis na pawis ako at hinahabol ko ang aking hininga. Pinunasan ko ang aking mukha na punong-puno ng pawis.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ay umaga na pala. Naririnig ko ang mga huni ng mga ibon at napakagandang pakinggan iyon. Ngunit mas magandang pakinggan iyon kung buhay pa ang mga magulang ko. Tinignan ko ang katawan ni lolo franco na kinakain ng mga hayop na galing sa kagubatan, kaya agad ko itong tinaboy at pinagpapalo.
Napatingin ulit ako sa katawan ng mahal kong lolo at agad bumalik sa akin lahat ng magaganda naming alaala.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Yung mga kulitan namin, tawanan, kwentuhan, yung pangingisda namin sa lawa, pagtatanim ng mga gulay at marami pang iba. Lahat iyon ay mistulang magiging alaala na lamang. Dahil sa nangyari sa amin. Dahil sa kagagawan ng halimaw na yun. Ipinapangako ko papatayin ko ang halimaw na pumatay sa inyo. Ipinapangako yan.
Naiiyak na naman ako pero agad ko itong iniwaksi. Dahil kailangan kong maging matapang upang mapaghiganti ko sila sa halimaw na yun.
Tumakbo ako palabas ng aming bahay upang hanapin ang halimaw na pumatay sa mga magulang ko. Pero biglang kumulo ang tyan ko at napahinto ako.
Napahawak ako sa aking tyan at napangiti. Hindi nga pa pala ako kumakain simula kagabi. Siguro bago ko muna hanapin ang halimaw na yun ay mas mabuting kumain muna ako at para magkaroon na rin ako ng lakas.
Walang hirap na inakyat ko ang puno ng saging at pumitas ng isang bungkos. Pagkababa ko ay agad kong kinain ito. Pumasok ako ng bahay at tumingin sa kusina namin kung mayroong makakain. May isang balot ng tinapay sa lamesa, agad ko iyon kinuha at kinain. Wala akong makita na gatas dito kaya agad akong pumunta sa bukid namin at kumuha sa kalabaw ng gatas. Bago ko iyon inumin ay pinakuluan ko muna ito.
Matapos kong kumain at uminom ng gatas ay nagpahinga ako sa puno ng mansanas. Sinisigurado ko lang ang kaligtasan ko, mamaya kasi bumalik na naman ulit yung halimaw na minotaur na yun at mapaslang pa ako. Sino na lang ang maghihiganti sa magulang ko.
Habang ako'y nakaupo sa sanga ng punong ito ay kita ko ang buong kapaligiran. Mataas din kasi itong inakyatan ko para ligtas na ligtas sa halimaw.
Sa 'di kalayuan ay may nakita akong mga goblin na naglalakad papunta sa direksyong ito. Nagtago ako sa makakapal na dahon at sinilip sila kung saan talaga sila patungo.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.