Chapter 4

6 1 1
                                    

Austin's POV

3 years ago, I had girlfriend which I think an ideal girl of every men.

I love her so much.. And I can't really imagine my life without her.

We are so perfect for each other..

But then a serious problem came on my family's business and as usual, I'm the only one who can fix it..

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung araw na iyon. Naisip ko, bakit lagi nalang ako ang kailangan gumawa ng paraan? Bakit hindi naman gumawa ng move ang parents ko? Bakit laging nakasalalay sakin ang lahat?

BAKIT KAILANGAN KONG MAGPAKASAL SA BABAENG DI KO NAMAN KILALA AT MAS LALONG DI KO NAMAN MAHAL?

Nung araw na kailangan ko ng magpaalam kay Bree, bago ako makipagkita wala akong ginawa kundi umiyak, umisip ng ibang paraan wag lang kaming magkahiwalay. Mahal na mahal ko si Bree. Sakanya ko lang naramdaman yung ganitong klaseng pagmamahal..

Pero bakit kailangan biglang madamay ang relasyon namin nang wala man lang siyang kinalaman?

Wala man ako magawa para mailigtas ang relationship namin..

Pero naisip ko, para sakanya din naman ito. Dahil una palang ayaw na sakanya ng parents ko, mabait na tao si Bree pero ang gusto nila para sakin e yung anak ng kaosyoso nila sa Business nila. Which I find very unfair.

Kahit anong gawin nila noon, hindi ko hinayaan na magkalayo kami..

Pero pano kung madamay pa sya dito?

Kaya inisip ko nalang na di ko gagawin 'to para sakin o para lang sa pamilya ko. Para din sakanya.

Dahil mahal ko si Bree. MAHAL NA MAHAL..

Eto na yung araw.. Araw na magpapaalam ako sakanya. Araw na alam kong masasaktan ko sya..

Napakacold ko sakanya nung time na yon. Pinapakita ko sakanya na di ko na sya mahal, na kailangan ko na siyang iwan..

Kahit sa totoo lang ang sakit sakit, ang sakit sakit sakin na ginagawa ko yun at ang sakit sakit na makita siyang nasasaktan..

Ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak at nasasaktan si Bree. Pero kailangan kong magpakatatag noon..

Babalikan kita Bree. Babalikan kita pag naayos na lahat 'to..

Yan ang sabi ko sa sarili ko nun..

Ngayong nakabalik nako sa Pilipinas, bagong bago na ang buhay ko. 3years din ako nawala dito.

Pero sa lahat ng nagbago sa buhay ko, pati yung mahal ko nabago na din. Yung sinabi kong babalikan ko si Bree ay biglang nagbago..

Nakarating ako sa Rome noon na puno ng galit. Sobrang galit ko sa sarili ko dahil iniwan ko si Bree. Hindi ko ata kayang harapin ang babae na pinalit ko kay Bree. Yung babaeng papakasalan ko kahit di ko naman mahal..

Pero nagdaan ang isang taon dun at di nagsawa si Claire sa pagsuyo sakin. Alam kong ayaw din nya 'tong pinasukan nya, ginagawa nya lang din ito dahil sa kagustuhan ng parents nya..

Nung una, sobrang sungit ko sakanya. Ni hindi ko sya makausap. Ang lagi ko lang inaalala ay si Bree.

Pero pinatunayan nya sakin yung sincerity nyang gawin 'to para sa parents nya.

Kaya unti unting nahulog ang loob namin sa isa't isa..

Hanggang sa dumating yung di ko inaasahang mangyayari..

MINAHAL KO NA PALA SI CLAIRE. NAFALL AKO SAKANYA..

Tinulungan nya ako mag move on kahit nung una di ko naman 'to kagustuhan..

Pero laging kabaitan ang pinapakita nya sakin.. Hindi ko din alam ba't biglang nawala sa isip ko si Bree..

Hanggang sa yung pagpapakasal na parehas naming ayaw mangyari nung una ay nagkatotoo. Magpapakasal na kami in 1 month. Pero umuwi muna ako ng Pinas dahil gusto ko dito kami magpakasal. Ako ang nag organize ng lahat. Susunod din sakin si Claire in 1 week. May inaayos lang syang trabaho sa Rome..

4pm ng hapon at naglalakad ako dito sa mall. Kakatapos ko lang mamili ng bagong damit ko at bagong damit na din ni Claire. Excited na din akong makauwi siya.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari may nakabungguan akong babae..

Nung una ay hindi ko sya nakilala dahil napadapa sya dahilan ng di ko pagkakita sa mukha nya. Tutulungan ko sana syang tumayo pero biglang tumayo sya magisa..

At dun ko lang narealize, nakabungguan ko yung babaeng naging part ng buhay ko. Yung babaeng minahal ko ng sobra nun..

Pero hindi na ngayon..

Kinamusta ko sya, at ganon din sya. Mukhang masaya na din sya ngayon. Mukhang nakalimutan nya na yung nangyari samin, kaya kahit di kami nagkaron ng closure ay insip ko nalang na di na kailangan nun. Atleast parehas na kaming masaya ngayon..

Gusto ko pa syang makakwentuhan pero nagmamadali syang umuwi at may kasama daw sya..

Kinabukasan naiinip ako sa bahay kaya nagpasya akong puntahan si Bree sakanila. Para makamusta sya at para na din mainvite sya sa pinakaespesyal na mangyayare sa buhay ko.. Hindi ko sya pinapapunta dun para saktan sya if ever. Pinapapunta ko sya dun dahil gusto ko nandun lahat ng importanteng tao sa buhay ko.. At hindi ko madedeny na isa sya sa mga yon. Naging part sya ng buhay ko. Nakikita ko na din namang okay na sya ngayon..

Pinuntahan ko sya sa bahay nila pero biglang lumabas si Manang Elsa, yung maid nya simula ng bata sya. Alam kong nagulat sya na nandito ko. Pero ang tanging natanong ko lang e kung nandun ba si Bree. Pero ang sagot nya ay tumitira daw sya ngayon sa bahay ng bestfriend nya.. Si Ann. Kaya nagpaalam nako sakanya at nagpasyang pumunta sa bahay ni Ann.

Mga 10 minutes ay nakarating ako dun. Di ko alam pero nakaramdam ako bigla ng kaba..

Medyo madami na yung pagpapalit namin ng conversation pero napansin kong di nya naman ako pinapapasok. Pero inignore ko nalang yun.

Nabigla ako sa sinabi ni Bree nung ininvite ko syang pumunta sa kasal ko..

"Why do you want me to come? Austin, what are you thinking? Ex girlfriend moko. Tapos gusto moko pumunta dun. Hindi ata magandang tignan 'yon? I feel awkward. Tsaka bakit kailangan nandun pako, at iniinvite ako na parang isang kaibigan lang? Ni hindi tayo nagkaron ng closure after we broke up. You suddenly left me hanging. Kaya di ko maintindihan bakit sa kabila ng pananakit mo sakin magpapakita ka ngayon na parang walang nangyari. Sabagay. Di naman ikaw ang nasaktan. Ako.. Ako ang nasaktan. Sinaktan moko"

Biglang bumalik sakin yung time na sinaktan ko sya. Yung pagkakamaling di ko naman tinama. Bigla akong nakonsensya.

Ang tanging nasagot ko lang sakanya ay...

"Alam kong di tayo nagkaron ng closure. Pero Bree ayoko na balikan lahat ng nangyare. Kase alam kong parehas na tayong masaya sa buhay natin ngayon.. Akala ko okay na sayo ang lahat kaya pinapakita ko na wala talagang nangyari.. Bree ganito nalang.. Wag na natin ibalik ang nakaraan. Hindi naman magiging awkward if we both know we already moved on. You moved on right?"

Ang sagot nya naman sakin ay nakapagmove on na sya. Pero bigla kong naisip. Galit pa ba sya sakin?

GALIT KAPA BA SA NAGAWA KO BREANNA?

---

MEDYO NAPAHABA PO ATA 'TO. PERO IMPORTANTE NALINAW KO PO YUNG POV NI AUSTIN. SALAMAT!! :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon