It Only Takes You [1]

3.7K 50 10
                                    

Chapter 1

Uber High

Library. 9:00am

Tahimik ang library. Ay hindi pala, sa table kasi sa Filipiniana section, may mga babaeng nagkukumpulan. Mukhang kilig na kilig sila sa pinapanood nila.. Sino ba yung pinapanood nila? SI Tom Dormal. Yung junior, yung mukhang malinis, amoy mabango at mestizong team captain ng basketball team na kinabog pa yung bakulaw este yung malaking tao na si Kit. Yown. Si Tom Dormal. Nasa library, nasa reference section. Kaya pala may mga maiingay na naman na bubuyog.

“OMz. Si Tooooooooooooom!”- Bulong ni Claire.

“Ang gwapo ‘te! Ayoko na. I’m in crush with him. Tom. Marry me!” bulong din nung isa yung kamukha ni wako-wako.

Wow. In crush pa lang marry me na agad? Excited?

Para namang walang naririnig si Tom. Busy sya sa pagbabasa. Ang totoo nyan, sa library lang sya nakakahanap ng katahimikan. Syempre alam ko yan, tambayan ko kasi ang library tapos crush ko rin si Tom =)))

Ako nga pala si JAI! Wahahahahahaha xD

Owo. Crush ko si Tom pero hindi naman ako gaya ng tropa ni wako-wako na die-hard. Ay nakooo. Di ko kailangang gawin yun. Kuntento na ako sa pagtanaw sa kanya. Nandito nga ako ngayon e. Sa reference section. Kaharap nya.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Buti na lang at nakaheadset sya, di nya naririnig ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid. Di nya naririnig ang thoughts ko =)

Kayear level ko yang si Tom, pero hindi kami close. Kasi nga magkaiba kami ng section. Kung homogenous lang sana yung sectioning ng school namin, may chance sana na maging magkaklase kami. Kaso hindi e. Kaya ayan, kalat-kalat. Pero okay lang, I still get the chance to see him kasi nga lagi syang active sa mga school events. Alam ko naman na maraming nagkakanadarapa kay Tom kaya din a ako umaasang mapapansin nya ako. Alam ko naman kasi na someday, kami pa rin. Taob lahat sila pag nangyari yun! Mwahahahaha ^_^

Mukhang nahalata na ni Tom na minamanyak ko na sya este nang mga tao sa paligid namin. Ni-close na nya tuloy yung binabasa nya. Yumuko ako na kunwari nagbabasa din. Mamaya mahalata nya na pinagnanasaan ko sya e.

Tapos, tumayo na sya sabay binalik yung aklat sa shelf. Tapos, bigla syang lumingon sa  akin! Nahulii nya ako na nakatingin sa kanya. Ngumiti sya.

Tengene. Paulit!

:)

OMG. Ngumiti ngaaaaaaaaaaaaa!

Yumuko ako ulit para kunwari deadma. Nakakahiya, baka mamula pa ako habang nakatitig sa kanya.

Naglakad na sya saka umalis sa library.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko, parang kumakanta sa tapat ng Philippine flag.

*LUB DUB LUB DUB LUB DUB*

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Kainis naman ‘to o.

:|

It Only Takes You (JaLec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon