It Only Takes You [23]

1.6K 30 5
                                    

Chapter 23

Pwede mag-isip muna?

Naguguluhan na kasi ako.

Kanina, nung nasa Milcu kami ni Tom.. Tinanong nya ako kung gusto ko si Alec. Agad agad naman akong sumagot na HINDi. Pero bakit nung tinanong ni Tom na pwede ba akong ma in love sa katulad ni Alec di ako makasagot agad? Posible nga ba?

What’s wrong with me?

Feeling ko hindi na lang si Alec ang may mali dito. Ramdam ko pati ako na rin.

I’m positive.. I like Tom. I have died everday waiting for him. Darling don’t be afraid I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand years..

Kumi-Christina Perri? Haha!

Pero si Alec? Well, lately nagiging mabait sya sa akin and because of that.. I’m starting to like him. No romantic attachment guys. Plain as friends lang.

Kay Tom, kinikilig ako. Kay Alec hindi.

Pero kapag kay Alec, mabilis mag accelerate yung heartbeat ko. As in yung tipong sasabog na sya any minute. Nangyayari yun kay Tom pero hindi ganun katindi.

Ano ba ‘tong nangyayari ito? Kung may tutulong lang talaga sa akin ooo~

“Timothy!”

Lumingon ako at nakita sina Ryan at Yves. Wow. Napapalapit talaga silang dalawa sa isa’t-isa a?

“Ohh. Anong ginagawa nyo dito?”

“Kumusta na kayo ni Alec?”

“Ayun. Ganun pa rin pero medyo okay na kesa nung una.. Medyo mabait na. Hindi. Isip bata pala.” Sabi ko sa kanila.

Tumango-tango silang dalawa.

“Hindi naman sya nagagalit kay Tom?” - Yves

“Hindi naman nya kasi kami nakikitang magkasama.. Hindi sya palalalabas nowadays e. laging nagkukulong sa kwarto nya, kausap yung mga mask nya.” Sumbong ko naman.

“Ah! Yung Timtim at Timtim II nya. Yung pangit na si Timtim at magandang si Timtim II.” -Ryan

Ohh. Maganda talaga si Timtim II, ako kaya gumawa non!

“Owo nga. Di na sya lumalabas~” – Yves

Natahimik na naman kaming tatlo. May dumaang anghel e.

“Guys. Pwede ba magtanong?”

“Ano yun girl?” - RyVes

“May alam ba kayo sa mga sakit sa puso?”

“Hindi naman kami cardiologist e.”-  Yves

“Ahh. Pasensya na a. Nakalimutan ko e.” Sarcastic ko naman na sagot.

“Deh joke lang yun Sis-in-law!” Sabay yakap-yakap sa akin ni Ryan.

“Bitiwan mo nga ako! Magseryoso kayong dalawa kasi seryoso ako!” Sigaw ko sa kanila. Natahimik naman ang dalawa.

“Oh sya. Sige. Ano bang sakit yan?” - Yves

“Lately kasi.. Nagiging weird yung tibok ang puso ko. Mabilis sya nag aaccelerate. Before naman ako dumating dito hindi ganito e.”

“Ahhah! May naiisip ka bang tao bago ka matulog o di naamn kaya paggising mo looking forward ka na makita sya?”

“OO! Oo!” sagot ko naman. Si Tom! Hahahahha

“Tapos pagnakikita mo na sya e bumibilis agad ang tibok ng puso mo?”

“Oo..” Alangan ko na sagot. Kay Alec nangyayari yun e.

“Nainlove ka na ba noon Jai?” – Ryan

“Hindi pa.. In-like oo.”

Nagkatinginan ang dalawa. “Kung ganun alam na namin ang sakit mo..”

“Talaga?” Woooooow. Buti pa sa dalawa na 'to, mabilis ang diagnosis ng sakit. Sa ospital o sa clinic maghihintay pa ng result. Dito, agad-agaran!

“You’re in love..”

“I-in love?!” Tumawa ako. “Hahahahahahahahha! Wag nga kayong patawa. Kanino naman?”

“Sino ba yung tao na subject ng pagbilis ng tibok ng puso mo at yung taong naiisip mo bago matulog o pagkagising na pagkagising mo.. Yun nay un. Sa kanya ka inlove!”

Ha? E dalawa kaya sila! In love ako sa kanilang dalawa? Joke ba ‘to?

“Now Jai tell us! Kanino ka in love?” Binigyan nila akong dalawa ng nakakaintrigang tingin.

“Ha? Wala. Hindi nyo kilala!”

“Someone we do not know? C’mon Jai!”Natatawang sabi ni Ryan.

“Oo. In love ako.. Kay Robi Domingo! Ngayon pwede ba tumigil na kayo?”

“K..” – RyVes

Iniba ko na agad ang usapan baka kung san pa mapunta, “Mabalik tayo sa mission natin.”

“OO nga pala! Pano na ‘to. Pano natin mapapatunayan na may gusto nga sa’yo si Alec kung lagi naman syang nagkukulong sa kwarto nya kausap yung mga puppet nya?”- Ryan “Siguro dapat may gawin tayo para mapalabas sya..”

“Ano naman yon?”—Ako

*isip*

*isip*

*isip*

*TING!*

“Alam ko na!” Sigaw ni Yves.

Ano naman kaya ang plano nya?!

It Only Takes You (JaLec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon