It Only Takes You [3]

2.4K 31 1
                                    

Chapter 3

Three days later

Gym. 2:56 pm.

Tapos na ang periodic exam. Konting requirements na lang at malapit na kaming maging senior! Ibig sabihin, malapit na yung year-end ball. Lahat kasama dun. Omz. Excited na ako. Sana naman wala pang partner si Tom.

Dahil nga pala nag-exam nakaraan e hindi ko agad nagawa yung pinapagawa sa akin ni Myrtle at Joj. Kaya ito.. Naglalakad na ako papuntang gym. Last practicum na raw ng Class III-A, ang section ni Tom. Last chance ko na para magawa ‘to. Sana magawa ko ‘to. 3:00 pm daw eksakto yung labasan nila. Kinakabahan na tuloy ako >.<

Papasok na ako sa entrance ng gym ng biglang may tumawag sa akin.

“Timothy!”

Lanya.Timothy pa talaga. Hindi na ako lumingon kasi alam kong si Ryan yon. Binilisan ko na lang yung lakad ko, kaso ang kulit. Ang hahaba kasi ng legs kaya naabutan din ako agad.

“Timothy! Ang yabang mo na. Di ka na namamansin. Kumusta ka na Timothy? Ano palang ginagawa mo dito? Di ba kanina pang umaga yung practicum ng class III-b?” sunod-sunod nyang tanong.

“Wow. Si SimSimi ako? Kung makatanong ka. Unlimited? May pupuntahan lang ako.”

“Ahh. Okay.” Patango-tangong sagot ni Ryan.

Yun lang yon?

Hindi pa rin ako umalis kasi baka may kailangan pa sya.

“Ingat ka.” Dugtong lang nya.

Leche!

Iniwan ko na sya. Bwisit. Ang galing mambwisitttttttttt! Pano na ngayon kung makaalis na si Tom? Edi wala na. Tsk. Kailangan ko syang maabutan. Please.

Tumakbo ako para hanapin si Tom. Lumapit ako sa kaibigan ko from Class III- A, si Mariz.

Nilapitan ko si Mariz na inaayos yung mga bola na ginamit nila. “Bakla. Nakita mo ba si Tom?”

Tumigil sya sa ginagawa at humarap sa akin. “Si Tom? Nasa shower room ata! May kailangan ka sa kanya?”

“Owo.. May pinapabigay sila Joj e.”

“Sila Joj? Ano naman? Love letter?!”

“Ay hindi. Ewan, tungkol ata sa team. Balak ata sumali ni Joj next year. Ajejejejeje!” I laughed nervously.

Mukhang hindi naman naconvince si Mariz sa kwento ko, wapakels na ako.

“Sa bench ka na lang maghintay. Maya-maya lalabas na rin yun. May ginagawa pa kasi ako e. Mauna na ako a?”

“Ohkay. Ingat ka!” Tapos umalis na si Mariz. Pumunta naman ako sa bench, pumipili pa sana ako ng uupuan kong spot ng makita ko yung bag ni Tom!

OMGGGGGGGGGGGGGGGG. Bag nya nga ‘to. Sigurado ako. Pramis. Pinili kong tumabi sa bag nya para in case na bumalik sya, din a ako mahihirapan na hanapin sya. Isa pa, makikita ko rin ang wet look nya. Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!

#kamanyakannijaitothenthlevel

Umupo ako sa bench katabi ng bag nya. Nakayuko lang ako habang naghihintay kasi nga humble ako. Naiinip na ako. Sobrang tagal, kaso bigla akong nakarinig ng footsteps. Footsteps na.. papalapit sa akin? Waaaaaaaaaaaaa. Si Tom na ‘to! Hindi na ako nagtangka pang tumingin sa kanya dahil alam ko naman na ikamamatay ko ang pagtitig sa mga mata nya kaya minabuti ko na lang na yumuko, keep your head down ika nga ng DBSK. LoveyoubebeChangmin.

Kesa pumalpak ang plano ko, edi di ko na lang sya tinignan para sure. Alam ko naman na si Tom ‘to e. Bag nya kaya ‘to. Naramdaman ko na kinuha yung bag sa tabi ko.

“Sandali..” tawag ko. Huminto si Tom, at naramdaman ko ang mga mata nya na nakatingin sa akin. Nanginginig man, inabot ko yung letter. Ilang saglit pa, naramdaman ko na wala na yung letter sa mga kamay ko.

It Only Takes You (JaLec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon