Nag-iisip...
Natutulala...
Gayunpaman,
Halos nakakalimutan na ni Joshua ang nangyare sa pagkamatay ng lolo't lola niya matapos itong maaksidente ng rumaragasang sasakyan.
Palage siyang dinadamayan ng kanyang mga grandparents sa tuwing pinagsasabihan ito ng kanyang ama.
Matalinong binata si Joshua ngunit hindi niya ito ginagamit mas inuuna niya ang barkada't girlfriend.
Para sa kanya mas isipin at pahalagahan mo ang importante sa buhay.
"Hindi mo kailangang pumili, you just have to set priorities".
At priority niya ang barkada at girlfriend dahil doon siya sumasaya.
Kaya siya'y laging napagsasabihan ng kanyang ama.
Laging kinukumpara sa kanya ang kanyang kuya na mula grade school until college ay honors ito.
Minabuti ng kanyang lolo't lola na magbakasyon muna sa kanila, sa Cavite.
Lumang bahay ng kanyang grandparents.
Sa daan, sa loob ng kotse, masayang nagkwekwento ang kanyang lola sa kanyang apo noong siya ay bata pa.
Sapagkat siya ang nag-alaga rito.
Bagama't ito'y makulit at pilyo, tuwang-tuwa sila rito sa kanyang maamong mukha na manang-mana sa kanyang ama.
Biglang paparating ang mabilis na takbo ng isang sasakyan.
Kasalubong nila ito.
Sa pag-iwas at sikip ng daan sila ay bumangga sa isang gusali.
Gusaling puno ng salamin at babasaging bagay.
Sa kabilang sasakyan, sakay nito ang nagkaka-edad na ginang at ginoo at ang kanilang apo na si - Julia.
Nakaratay ito, walay malay. Tila may di magandang nangyare.
Ngunit wala sa kaalaman nila ang isa't-isa sa pangyayaring iyon.
Dinala ang dalaga sa ospital kaya ito nagmamadali.
Galing sila sa isang fiesta sa isang barangay na kaibigan ng kanyang lola at may di kanais-nais na nangyare sa apo.
Ito ay nasaksak ng isang lasing na lalake na nanggulo sa singing competition ng barangay.
Naagapan naman agad ang gulong dulo't niya.
Di na nila inalintana ang nabanggang sasakyan.
Dahil kailangan ng lunas ng kanilang apo lalo na't malalim ang tama nito.
Agad na isinugod sa pagamutan ang mag-asawa kasama si Joshua ng mga nakakita sa sasakyang bumangga.
Ngunit sa kasamaang palad.
Sa daan pa lamang ay binawian na ng buhay ang mag-asawa.
Ang kanilang apo na si Joshua, ay nakaligtas sa trahedya.
Pagkatapos ng insedente.
Binalikan ng mag-asawa ang aksidente.
Ngunit mukhang huli na ang lahat.
Nabalitaan nilang, patay ang dalawang matanda. Buhay naman ang isang binatang kasama nito.
At sa parehong hospital ito dinala na kung saan dinala nila ang kanilang apo.
Sa takot nila, hindi na sila nagpakilala na sila ang nagpatakbo ng mabilis na sasakyan na siyang nagdulot ng insidente.
Ngunit nasulyapan nila ang mukha ni Joshua.
BINABASA MO ANG
HE'S THE ONE (JoshLia)
FanfictionA story of a Girl who is praying for her true love choose by God.