Chapter 3

20.3K 669 28
                                    


HINDI maiwasan ni Ryder ang malungkot at maawa para sa mga naulila ng namatay nang araw ng libing. Dinig na dinig niya ang pag-iyak ni Suzy, ng nanay nito, at ng teenager na kapatid na lalaki sa likuran ng karo ng patay. Sa tingin niya, kaedad niya ang teenager noong mamatay ang kanyang mga magulang.

Tandang-tanda pa ni Ryder ang sakit ng pakiramdam ng maiwan—na parang pinutulan siya ng isang parte ng katawan, na parang may nawala sa kanya na hindi na maibabalik o mapupunan kailanman.

Losing his parents at an early age had left him devastated. Ilang gabing umiyak noon si Ryder sa kuwarto niya. Hindi lang niya ipinahalata sa mga tao ang sobrang paghihinagpis dahil ayaw niyang kaawaan. He was known as a shallow, jolly, carefree person.

Nagbigay rin kay Ryder ng bagong perspective ang kanyang pagiging ulila. He learned that life was too short to waste on committing himself to something that wasn't going to last forever. Naging makamundo siya at nasanay na sa ganoong uri ng lifestyle.

"Pagod ka na?" tanong ni Justine na kasabay niya sa paglakad. Magkasukob sila sa payong nito na siya ang may hawak.

Umiling lang si Justine. "Sabi na kasing hindi mo naman kailangang maglakad. Pinasunod mo na lang sana ang kotse mo," sabi pa nito. "nakipaglibing pa ako, kung ganoon naman pala ang gagawin ko?"

Iyon ang unang pagkakataon na nakipaglibing si Ryder sa hindi niya kamag-anak. Ang huling pinuntahan niyang libing ng kamag-anak ay sa kanyang paternal grandmother na namatay sa katandaan magsasampung taon na rin ang nakararaan.

Nang makarating sila sa sementeryo, nagpaiwan si Ryder sa gate niyon. Nagtatakang tumingin sa kanya si Justine.

"Hindi ako pumapasok sa sementeryo," pagbibigay-alam niya.

"Pati sa sementeryo, takot ka?" biro nito. "Halos lahat ng nakalibing dito ay agnas na, Ryder."

"Dito na lang ako," pagmamatigas niya. "You go ahead. Hihintayin na lang kita rito."

Mula nang maulila sa mga magulang ay hindi na pumasok si Ryder sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga ito. Ilang Undas na ang kanyang pinalampas. Kahit death anniversary ng mga magulang ay hindi pa rin siya dumadalaw sa puntod ng mga ito. He hated being there. It still gave him a feeling of grief and loss. At kahit hindi naman ang sementeryong iyon ang pinaglibingan sa kanyang lola at mga magulang, naghatid pa rin iyon sa kanya ng sama ng loob.

Nang matapos ang libing ay nilapitan siya ni Justine.

"Are you okay?" tanong nito na may pag-aalala sa boses.

That was a first. Wala pang babaeng nagpakita ng concern kay Ryder. Ang tingin lang yata ng mga babae sa kanya ay male sex symbol.

Pilit siyang ngumiti. "Yeah."

Pagkatapos nilang makisalo sa tanghalian sa bahay nina Suzy ay nagmagandang-loob siyang ihatid si Justine pauwi.

"Tinatamad pa akong umuwi," sabi nito sa pagkagulat ni Ryder.

"Saan mo gustong pumunta?" nakangiting tanong niya.

Saglit na nag-isip ang dalaga. "Pakihatid ako sa mall. Gusto kong bumili ng damit para sa birthday party ng lolo mo. Nakakahiya namang pumunta ako ro'n na mukhang gusgusin."

"Gusgusin." He laughed. Nakalimutan na niya ang kanyang pag-e-emo kanina sa sementeryo. "Ikaw na ang magiging pinakamagandang gusgusin sa gabing iyon, Justine."

"Binobola mo na naman ako. Sabi nang hindi tatalab sa akin ang ganyan." Umingos ito.

Naisip ni Ryder na magbiro. "Okay, okay... let's say that I'm more of a strait-laced kind of person, do you think you would like me?"

Los Romanticos Book 1: Ryder (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon