I have to warn you guys that you might found some of the parts offending. Si Author na po ang magso-sorry sa maselang leggwahe. Peace lang po tayo.
Amity lang po ang peg natin.
Sige po, you've been warned!
__Victorique's POV__
"RICA, bakit todo iwas yata 'yang si fafa Spencer sa'yo?!" Para akong naeeskandalo sa tono ng boses nitong kaibigan kong si Yna, ang numero unong pakialamera. "Don't tell me, may nangyari sa inyo?!"
May pasinghap-singhap effect pa ito sa aking harapan habang may panlalaki pa ang mata.
"Highest level na this!" Sarap sakalin ng bruha! O 'yan nga sinakal ko na para magtino na.
"Highest level, highest level mo mukha mo. Pagiging pakialamera mo, highest level na!" Giit ko. "Saka walang nangyari sa amin noh!" Naaasar na saad ko. "Malapit na sana, eh!"
"So meron sana?!" Bigla naman napasigaw si Elle, ang numero unong bungangera sa amin. "Bakit nagpakipot ka pa? Bakit?"
Ngumisi ako ng nakakaloko sa kanila saka kumindat-kindat, let our kalandian mode begin!
"Nahiya ako besh eh!" Malanding sabi ko saka kami humagalpak ng tawa.
Yup this is my baliw friends. Yna and Elle. Si Yna Maxwell ay kaibigan ko since birth, ninang at ninong ko kasi yung mga magulang niya at kaibigan naman ng mga magulang ko mga magulang niya. Si Elle Sy naman ay nakilala lang namin nung highschool namin, single mother yung nanay niya. Kaya ngayong college na kami ay magkakadikit pa rin kami. Hindi na nga daw kami mapaghiwalay minsan.
"Well, well look at what the cats dragged in," Sabay kaming napalingon nang biglang dumaan si Liza pati ang dalawa niyang kaibigan. Mgs kontrabida sa buhay naming tatlo.
"Hey Liz!" Lively na bati ni Elle. "Kamusta ang maging disabled? Opps...did I hurt a nerve? Di bale wala pa 'yon sa brain mo na may damage," Napahagikhik kaming tatlo sa sinabi ni Elle.
Liza just clenched his teeth. Balak na niya sanang suntukin si Elle ngunit tinitigan ko siya ng masama. Para naman siyang asong nahiya at binaba ang kamao at umiiwas ang matang lumayo sa amin.
"Duwag ka naman pala, eh. Swag kasi kami!" Natatawang sabi ni Elle habang ginagaya ang lakad ni Liza. Yung bagong tuling lakad.
Natigil kami nang biglang lumingon sa amin si Liza, nanlilisik ang mata nito na parang balak kami na balikan. At iyon nga ang ginawa niya. Nag-martsa siya papunta sa amin, pigil na pigil pa ang lakad niya na parang bagong tuli.
"Hindi ako duwag," Maangas na sumbat niya sa amin. "Baka kayo ang mga duwag diyan, kasi hanggang ngayon takot pa rin kayo na ibigay ang puri niyo sa mga boyfriend niyo,"
Bigla kaming natahimik at sabay na napatingin kay Yna na natahimik dahil sa sinabi ni Liza. Yumuko ito at nawala na ang saya sa mukha.
Bibirit na sana ako nang muling magsalita si Liza.
"Seems like a hit a nerve." Nakangising akusa ni Liza habang nakahalukipkip. "Tama nga ako, kaya ka binreak ng boyfriend mo at pumunta sa akin kasi takot kang ibigay ang virginity mo sa kanya," Ni-wisik pa nito ang mahabang buhok na parang nagmamayabang. Mas lalong napayuko si Yna sa sinabi ni Liza. "Pero di bale, na-enjoy naman namin ang isa't-isa."
Saka ito matgingting na humalakhak.
"Bwiset ka—" Pinigilan ko si Elle na balak sanang mag-start ng sabunutan, di pa naman ako magaling makipag-sabunutan.
"Duwag na kung duwag, at least walang nawala sa amin, eh sa'yo? Ilan sa tingin mo ang nawala?" Humalukipkip ako saka tinitigan siya, mata sa mata. Pigil na pigil ko ang inis ko habang tinititigan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/95373295-288-k320952.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos Between The Devils (Devils #1)
Fiksi Umum"He owns your heart, I own your body. But I have my ways to own all of you, and you're already falling under my traps, 'cause baby I'am now in between your thighs."-Chaustle Lachlan He's a criminal, he was sentence to jail for ten years but he's on...