LWM3SB 03

40 1 1
                                    

Zoe Gail POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Anong oras na ba?

Napabalikwas ako ng bangon,baka malate na ko.

Dali dali akong tumingin sa orasan na nasa  side table ko,10:30 na ng umaga.

Tatayo na sana ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Bumungad ang nakangiting mukha ni kuya Lucas.

"Kuya"

"Buti nagising ka na, pinag alala mo kami ng husto baby Gail."sabi nya at umupo sa gilid ng kama ko.

" matagal ba akong tulog kuya?"

"Ou,dalawang araw kang tulog"nanlaki ang mata ko,dalawa talaga ang tagal ha.

" dalawa talaga?"sabi ko nakatingin naman ako sa kanya.

Nginitian nya lang ako,sabay gulo ng buhok ko.

" kuya"angil ko.magulo na nga lalo pa nyang ginulo.hmp

Di sya sumagot,bigla na lang nya akong niyakap.

"Di na ko papayag na may manakit pa ulit sayo," bulong nya malapit sa tenga ko.

"I'm so worried baby" dagdag nya at lalong isiniksik ang mukha nya sa leeg ko.

Niyakap ko na lang din sya at hinayaan na Ilang minuto na ganon ang aming naging posisyon.

Bakit ganun rinig na rinig ko
Ang lakas ng tibok ng puso nya parang nakikipag unahang kabayo. Bakit ang bilis din ng tibok ng puso ko.ano nag uunahan sila?

"Magpapahatid ako ng pagkain mo dito,magpalakas ka" sabi nya tsaka bumitaw sa pagkakayakap sakin, humalik  pa sya sa ibabaw ng ulo ko bago tumayo at lumabas na ng kwarto.hayzz kuya Lucas.

Nahiga na lang ulit ako,nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.

Ilang buwan na rin pala ng dumating ako dito sa mansion,ang bilis ng panahon.

Naalala ko pa Kong bakit ako nandito.

*FLASHBACK*

"Good morning grandma," bati ko Kay grandma sabay halik sa pisnge nya.andito kami ngayon sa kusina para mag almusal bakasyon ngayon kaya wala akong pasok.

"Good morning hija" sabi nya ng nakangiti.

"Tumawag ang daddy mo,di mo daw sinasagot ang mga tawag nya."

"Wala naman akong tawag na natatanggap" bored na sagot ko.

"Wala nga ba o sadyang di mo lang talaga sinasagot?hija matagal ng wala ang mom mo,patawarin  mo na ang dad mo at hayaan mo na syang maging masaya."kilala na talaga nya ako alam nya Kong kylan ako nagsisinungaling.

"Grandma,hinahayaan ko naman sya Kong magpakasal man sya sa iba bahala na po sya buhay nya." Matabang Kong sagot.

"Zoe Gail" tawag nya sakin alam Kong galit na sya ayaw nya kase na ganon akong mag salita sa sariling Kong ama.tsk

"Okey,fine ano po bang kaylangan nya?" Natabang Kong tanong.

"Gusto nyang umated sa kasal nya," naiikot ko na lang ang aking mata.

"Bakit pa? nanahimik na ako dito ano pa bang problema nya sa buhay.bakit kaylangan ko pang pumunta sa kasal nila." asik ko ayoko na syang makita pagka tapos nya akong pabayaan ng ilang taon bigla na lang syang magpaparamdam sakin para Saan pa?tss

"Apo makinig ka,gustong bumawi sayo ng daddy mo alam ko iniwan ka nya samin ng ilang taon pero bigyan mo naman sya ng pagkaka taon apo para makabawi."pakiusap ni grandma sakin.

" tss."sabi ko at tumayo na nawalan na ako ng gana.

Paglabas na ko ng kusina ng tawagin ako ni grandma,

"Zoe Gail bumalik ka dito"Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy ng lumabas.

Umakyat na ko sa kwarto ko.,pagpasok ko agad naman akong nahiga.

Naalala ko nanaman,naalala ko nanaman sya yung sakit na pinaramdam nya ng iwan nya ko.
7 years ago.

Hay,dati si daddy ang idolo ko mapagmahal syang asawa at ama lahat ginagawa nya para samin ni mommy.

Kaya mahal na mahal ko sya sila ni mom pero,nagbago ang lahat nung  namatay si mom sa Isang car accident pauwi sya non galing opisina,ng bungguin ng track ang kotse ng minamaniho nya.

Gumuho ang lahat saakin,ang sakit mawalan ng ina pero mas masakit pala Kong pati ang ama mo mawala sayo para kasing namatay din si dad kasama ni mom.

Mula kase ng aksidente naging malungkutin si dad laging busy sa work,laging out of town,wala na ang dapat karamay ko.

Wala na ang idolo ko.

Nawala ang daddy Kong akala ko magiging matatag para sakin,para samin,pero ka sabay ng pag iwan ni mommy sakin iyon din pala ang pagkawala ni dad sakin.

Nandyan nga sya pero parang wala din naman.

Ang sakit ang sakit sakit,kasabay  ng pagbaha ng alaala sa utak ko yun din ang pagpatak ng mga luha ko.

Pinunasan ko agad ang luha ko ng may kumatok.

"Apo pagpasok na ako ha." Boses yun ni grandma.

Pagpasok nya umupo sya sa gilid ng kama ko.

"Apo I'm sorry,okey alam ko masakit pa rin sayo,alam ko masama pa rin ang loob mo,maintindihan kita mahirap para sayo na patawarin sya pero ama mo pa rin sya mahal ka nya Kong may nagawa man syang pagkakamali nakaraan na yun hayaan mo ang puso mong magpatawad."mahabang sabi nya habang sinusuklay ng daliri nya ang mahaba Kong buhok.

Nakapikit lang ako at walang imik.

Mahabang katahimikan ang bumalot samin bago ako nag salita.

" susubukan ko"maikli Kong sagot na nagpangiti Kay grandma.

Sana this time di na nya ako ulit masaktan.

Living with my three StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon