LWM3SB 02

43 0 0
                                    

Galit na galit sya at kitang kita yun sa mga mata nya,nakangisi syang ibinalya ako sa semento dahilan para mapadapa ako sa sahig.

Hindi pa sya nakuntinto at tindyakan pa ako sa tagiliran,napadaing na lang ako sa sakit.

Ang sakit na ng katawan ko pero di pa rin sya tumitigil kakatadyak sakin,wala man lang naglakas loob na tulungan ako lahat sila takot na madamay.

Naririnig ko pa ang boses ni grace,sigaw sya ng sigaw nagmamakaawa na tulungan ako pero wala pa ring natitinag ni isa sa kanila.

Muli sana nya akong sisipain ng may magtulak sa kanya dahilan para mapaupo sya sahig.

"Ouch," daing nya hawak hawak nya ang balakang nyang nasaktan.

Napaangat naman ako ng tingin,upang makita ang gumawa non Kay Michelle.

'Kuya Luke' bulong ko napangiti  na lang ako bago ako mawalan ng Malay.







Lyndon Luke ferrer POV

Habang naglalakad papuntang cafeteria naagaw ng atensyon ko ang mga nagtatakbuhang estudyante.

"Anong meron?" Tanong ko sa katabi Kong si Paul na busy sa pagkalikot sa iPhone nya.

Nagkibit balikat lang naman sya.

Sya lang ang kasama ko ngayon,yung ibang member kase ng basketball team namin may mga klase pa.

"Oy,fren may binu-bully nanaman pala si Michelle sa cafeteria" rinig Kong sabi ng isang babae sa kasama nya.

Si Michelle,di ko sya masyadong kilala pero marami na akong naririnig tungkol sakanya.tss brat.

"Sino nanaman kaya ang malas na pinagtritripan ni michelle at ng barkada nya."

"Ewan,kawawa naman sya si Michelle pa talaga ang kinalaban nya"

Tsk tsk mga mayayamang walang magawa sa buhay.

Pagpasok sa namin ni Paul sa cafeteria agad naming nakita ang kumpulan ng mga estudyanteng nanunuod.

Wala man lang ni isa na nagkusang tumulong,di ko rin naman sila masisisi takot lang silang madamay.

Di ko na sana papansinin ang kumusyong iyon,pero may isang boses na nakaagaw ng atensyon ko.

Isa iyong sigaw mula sa isang babae,nag maakaawa na syang tulungan ang kaibigan nya.

Kilala ko ang boses na yun,boses yun ng kaibigan ni zoe,bigla akong kinabahan bumilis ang tibok ng puso ko,na parang gusto ng lumabas sa kinalalagyan nito.

Hindi kaya,'Zoe Gail' bulong ko.

Agad akong tumakbo at pinaghahawi ang mga estudyanteng naroon.

Pagdating ko sa pinaka harap nakita ko si Zoe na halos Hindi na gumagalaw sa sementong kinadadapaan nya,habang yung Michelle ay walang tigilan sa pagsipa ng tagiliran nya.

Kitang kita ang hirap at sakit sa mukha ng Zoe ko.

Tang INA,akma nanaman sanang sisipain nung michelle si zoe,pero bago pa nya magawa yun agad na akong tumakbo sa kinaroroonan nila.

Itinulak ko si Michelle ng ubod ng lakas dahilan para mapasalampak sya sa sahig. Napasinghap naman ang mga estudyante sa ginawa ko.

"Ouch," daing nya habang hawak ang balakang na nasaktan."what the-"

magsasalita pa sana sya pero natigilan ng makita ako.

"Luke" bulong nya pero sapat na para marinig ko.

Susugurin ko na sana sya para suntukin ng harangan ako ni Paul.

"Wag pre babae pa rin yan" awat nya hawak nya ko sa magkabilang balikat.sinundan nya pala ako.

Galit na galit ako,gusto Kong manuntok sa lahat ng pwede nilang pag tripan si Zoe pa.FUck

Kinalma ko na lang ang sarili ko.

"Tandaan mo to," duro ko Kay michelle."pagbabayaran mo ng mahal tong ginawa mo di ko palalagpasin lahat ng ito."galit Kong sigaw sakanya.

Dinaluhan ko si Zoe,agad ko syang binuhat na parang bagong kasal.wala syang Malay.

Nahawi naman ang mga tao at binigyan kami ng daan.

Dinala ko sya sa school parking.nakasunod si Paul at yung kaibigan ni Zoe.

Pagbabayaran ng Michelle na yun ang ginawa nya sisiguraduhin ko yun.

Living with my three StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon