LWM3SB 04

27 0 0
                                    


You are now arriving to ninoy Aquino enternation airport.

Rinig Kong sabi ng Isang matangkad na babaeng starwardess.

Tumayo naman agad ako at sumabay sa mga pasaherong bumababa na rin.

Paglabas ko nakita ko syang nag aabang na sakin.

Si daddy.

Wala pa rin syang pinagbago para ngang bumabata sya lalo ganon ba talaga pag may love life? tsk.walang forever.

May hawak syang plakard at nakasulat don ang pangAlan ko.

May kasama syang isa ring lalaki na sa tantya ko matanda lang ng ilang taon sakin.

Naglakad na ako palapit sa kanila,bago pa ako nakalapit ng tuluyan ay nakita na nila ako.

Napaka lapad ng ngiti ni dad at sinalubong nya ako ng yakap.

Nagulat naman ako sa ginawa nya kaya naitulak ko sya ng marahan,naramdaman siguro nya na naiilang ako kaya agad nya akong binitawan.

"Masaya akong makita ka anak." Nakangiting sabi nya,nasa likod naman nya ang lalaking katabi nya kanina.

Nakahalata siguro si dad na nakatingin ako sa likod nya kaya napalingon din sya.

"Ah,baby this is Luke anak sya ng mommy ada mo kaya magiging kuya mo na sya." Pagpapakilala ni dad sa kasama nya.

So may anak na pala ang mapapangasawa nya.tsk inilahad naman mong luke ang kamay nya para makipagkilala.

" hi! I'm Lyndon Luke ferrer nice to finally meet you Zoe" nakangiting pag papakilala nya. Matangos ang Ilong nya,singkit ang mapupungay nyang mata,at mahogany brown ang buhok nyang bumagay naman sakanya.

Tiningnan ko lang ang kamay nya at nilagpasan.

"Let's go I'm tired" naiiritang sabi ko gusto Kong naramdaman ni dad na labag sa loob ko na pumunta dito.

Di pa ko nakakalayo sa kanila ng marinig ko si dad na mag salita.

"Pagpasensyahan mo na si zoe Luke pagod lang siguro sya." He said in apologetic tone.

Di naman na sumagot ang kausap nya,dirediretso na rin akong naglakad.

"Mam akin na po ang maleta nyo ako na ang magdadala" sabi ng isang maskuladong lalake,body guard siguro ni dad.

Agad ko namang inabot sakanya ang maleta ko.

Ngayon ko lang napansin marami palang body guard na kasama si dad,di naman nakapagtataka kilalang tao sya.

Pagdating namin sa harap ng kotse pinagbuksan naman agad ako ni Luke at pinauna na yang akong pumasok.

Napalingon naman ako sakanya,kinindatan naman ako ng gago ng magtama ang paningin naming dalawa.tinaasan ko na lang sya ng kilay at pumasok na.

Buong byahe sa labas lang ng bintana ang tingin ko feeling ko nga magkaka stiff neck na ako.

Sila dad naman ayun nagkwekwentuhan as usual boys stuff minsan kinakausap nila ako tanging pagtango at pag iling lang ang isinasagot ko.

Maya Maya lang naka rating na rin kami sa wakas,nasa harap na kami ngayon ng malaki at mataas na gate kulay gold sya na may itim.

Automatic namang nagbukas ang gate kaya pumasok na ang kotse ng sinasakyan namin.

Paghinto ng kotse may nag aabang na agad na men in black para pagbuksan kami ng pintuan.

Bumaba na ako at iniligid ang paningin sa kabuoan ng lugar.

Napaawang ang bibig ko sa ganda ng mansion nila.napaka laki mas malaki pa yata sa mansion namin sa America.

Napapitlag naman ako ng mag salita si dad nasa likuran ko na pala sila ni Luke.

"Let's go inside baby,naghihintay na ang mommy ada mo."

Tumango na lang ako,nauna ng naglakad si dad habang iyong si Luke ay kasabay ko sa paglalakad .

Napatingin naman ako sakanya.ano bang problema ng isang ito.tss parang ngayon lang nakakita ng dyosa.

Kanina pa kase sya tingin ng tingin sakin habang naglalakad.

Napa roll eyes na lang ako.

Pagpasok namin sa loob,napanganga na naman  ako sa aking nakikita.parang palasyo ang desinyo ng mansion nila. Sumisigaw din ng karangyaan ang bawat sulok nito.

"Welcome home baby," bungad na sabi ng isang babaeng kasing edad lang yata ni dad,maganda ang singkit nyang mata sya siguro ang mapapangasawa ni dad,para syang anghel ang amo kase ng mukha nya.

Mahaba at itim ang kanyang buhok,naputi at matangos din ang kanyang ilong.

Magaling din pumili si dad hah.

Lumapit sa kanya si dad sabay halik sa pisnge nito.

"Hon,this is my baby girl Zoe Gail" pagpapakilala sakin ni dad paglapit namin.

"Hi baby how are you?I'm your mommy ada" naka ngiti nyang pag papakilala sakin niyakap din nya ako at humalik sa pisnge ko.

"Hi po I'm Zoe Gail" I smile awkwardly.

"Oh your so beautiful baby,diba luke" ngiting sabi nya sabay tingin kay luke.

"Obcourse mom shes beautiful just like you" ngiti ding sagot ni luke,nakangisi pa syang tumingin sakin.

"Syempre kanino pa ba magmamana,kundi sakin" payabang na sabat ni dad.

"Oh tama na yan namumula na si zoe,come on baby I cook your favorite" sabi ni nong ada.iginiya na nya ako papuntang dining room.

Pagdating sa dining,pinaghila naman ako ni Luke ng mauupuan sa tabi nong ada.

Umupo na rin sya kaharap ko.

Habang si dad naupo sa pinaka gitnang  bahagi,yung upuan para sa mga padre de pamilya ganun.

Ang daming pagkain para tuloy may fiesta.

Nag umpisa na kaming kumain.

"Hon,where's Lucas and Louis" tanong ni dad.

Sino yung tinutukoy ni dad na Lucas at Louis?wag nyang sabihin na anak din nitong ada,hmp so Hindi lang pala isa ang anak nya kundi tatlo sila.tsk

"Hahabol na lang daw si Lucas hon,may meeting pa syang tinatapos si Louis naman nasa kwarto pa nya maliligo lang daw sya."

Tumango lang si dad at nagpatuloy na rin sa pagkain. Ako naman di makakain ng maayos Pano ba naman tong kaharap ko Panay ang sulyap sakin pagtinitingnan ko naman sya iiwas ng tingin.

Parang tanga.tss

Nakakainis,pa akalain mo mas pinili ni dad na makasama ang pamilyang ito kaysa sa akin na tunay nyang anak.tss life is so unfair talaga.

Living with my three StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon