Victoria Almario University
Zoe POV
Spell boring? Z-O-E nakakainip,na nakakabad trip napaka boring talagang magturo nitong panot Kong prof.
Kanina pa rin ako hikab ng hikab yung mga kaklase ko naman kanya kanyang kwento sa mga katabi nila,pero tuloy pa rin si panot kakadaldal hindi man lang ba sya nakakahalata na walang gustong makinig sakanya.tss
Umub-ub na lang ako at hindi na nakinig pa nakakaidlip na ako ng may maramdaman akong kumakalabit sakin, hindi ko na lang pinansin kaso makulit talaga ang lahi isang ito at ayaw akong tantanan, pag angat ko ng tingin si Anna grace Mendez lang pala my best buddy and sister in crime.
"Problema mo?"iritang tanong ko.
" nood tayong practice ng basketball mamaya"
"Ayoko" sagot ko as if naman na panunuod talaga ng game ang gusto nyang gawin ang totoo gusto lang talaga nyang makita si Paul isa sa mga varsity player.
"Pretty please?" Naka pout at puppy dog eye pa ang bruha.
"Tss,if I know gusto mo lang makita si paul kaya nag aaya ka"
Napangiti naman ang gaga pagkarinig ng pangalan ni Paul,tss kinilig pa.hmpp
"Eh,Hindi naman eh" sabi nya na namumula.
Hindi nga,Hindi talaga.sarcastic
Napa rolled eye na lang ako.nakakaloka talaga sya oh.
---
Lunch time nandito kami ni grace sa cafeteria nakapila para bumili ng makakain.
Pagbili namin agad naman kaming naghanap ng mauupuan.
Swerte naman kaming nakahanap kagad ng bakanteng mesa yun nga lang katabi ng mesa namin ang Mesa ni Michelle da bully.
Pano ko nasabing bully sya,simple lang na bully na nya ako ng minsan naglalakad ako sa hall way nagmamadali ako non malalate na ako,sya naman nakatambay sa gilid ng hallway kasama ang mga barkada nya.
Pagdaan ko sa harapan nila iniharang nya ang isa nyang paa dahilan para mapatid ako,nakipag lips to lips tuloy ako sa semento.
At Ang walang Malay na semento tuloy ang first kiss ko.kaloka diba.
Agad naman silang nagtawanan,mabuti na lang at dumating si Sherwin isa sa mga kaklase ko,tinulungan nya Kong tumayo.
Kaya pag nakikita ko tong bruhang michelle na to gusto ko talaga syang ihampas sa sahig makaganti man lang.
"Sis ano dyan ka na lang?" Tawag sakin ni grace nakaupo na pala sya,di man lang nangalabit.
Sumunod na lang ako at naupo na rin,Bali magkaharap kami.
Nangangalahati na ko sa kinakain ko ng,makaramdam naman ako ng panlalamig sa bandang ulo ko.
Pag angat ko ng tingin ang nakangising mukha ni Michelle ang bumungad sakin. May hawak syang wala ng laman na bottled water.
Malamang binuhos na nya sakin.
Agad ko naman syang tiningnan ng masama.
"Ay,sorry my fault" naka ngisi pa ang bruha.
Sa sobrang inis ko tumayo ako at walang pagdadalawang isip Kong sinaboy sa mukha nya ang juice na binili ko.
Di ko pa nababawasan sayang.
Nagulat naman sya sa ginawa ko.pati ang mga taong nasa cafeteria na nanunuod ng eksenang ginawa ni Michelle da bully ay nagulat din.
"OMG Anong ginawa mong bitch ka" galit na galit nyang sigaw.
"Binuhusan ka ng juice?" Painosente ko pang sagot.
"Oops sorry my fault" pang gagaya ko sa sinabi nya Kanina.Nainis naman sya kaya Nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sakin.
"Hawakan nyo sya" utos nya sa mga alagad nya.
Agad namang may lumapit sakin na dalawang babae kaya bago pa ko makapalag hawak na nila ako sa magkabila Kong braso. Pati si grace na balak akong tulungan ay hawak din ng dalawa pang babae.
"Kilala mo ba Kong sino kinakalaban mo?bwesit ka ikaw lang ang gumawa sakin nito kaya pagbabayaran mo to bitch"galit nyang sigaw habang pinupunasan ang mukha nyang binuhusan ko ng juice.
"Tama lang yan sayo,masyado kaseng makapal yang make up mo binawasan ko lang dapat nga magpasalamat ka di ka na mukhang clown" balik sigaw ko rin sakanya.
"Aba,matapang ka tingnan natin kong hanggang saan ang tapang mo"
Isang malakas na sampal ang Sandaling nagpamanhid sa kaliwang pisngi ko.
Para akong nabingi sa lakas non.tang ina.
"Tss" sabay dura sa dugong nasa bibig ko ang lakas sumampal.
Yari ako Kay kuya Lucas nito,magkakapasa pa yata ako dahil sa higpit ng hawak nila sa braso ko nakakatakot pa namang magalit yun.
Agad ko naman syang tiningnan ng masama.
"Haha yan ang bagay sa ilusyunadang katulad mo,gaga ka sa lahat ng kakalabanin mo ako pa."
"tss,pathetic,"Napa taas na lang ako ng kilay.
Ramdam ko ang galit nya sa sinabi ko.
"Manahimik ka bitch" sabay sipa sa sikmura ko,napaluhod na lang ako sa sakit.nabitawan na rin ako ng dalawang babaeng may hawak sakin Kanina.
Hindi pa sya nakuntento hinila nya ang buhok ko dahilan para mapaangat ang tingin ko.
"Nakikita nyo ba ang babaeng to,ganito ang mangyayari sainyo pagkinalaban nyo ako." Sigaw nya sa mga estudyanteng nanunuod.
Hinila nya ang buhok ko at winasiwas halos matanggal ang anit ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya,napangiwi na lang ako sa sakit.

BINABASA MO ANG
Living with my three Stepbrothers
Fiksi RemajaZoe Gail Mendez Isang simpleng babae,na titira kasama ang tatlong lalake na magpapabago sa buhay nya. Drake Lucas Ferrer,isang sikat na business man,panganay sa magkakapatid. Lyndon Luke Ferrer,isang varsity player.pangalawa sa magkakapatid. Jake Lo...