Mitolohiyang Pinoy: Si Bathala

29.9K 19 2
                                    

Si Bathala at isa sa mga sinaunang Diyos ng Mundo ayon sa Alamat ng mga Tagalog, kasama nyang nilikha si Amihan (Ang Hilagang Hangin), at si Aman Sinaya (Diyosa ng Dagat).

Sa pasimula ay ang langit at ang dagat. Ang patuloy na pagsasalpukan ng dalawang elemento ang syang lumikha sa tatlong kaunaunahang Diyos. Sa kagustuhang magkaroon ng kahariang paghaharian, napagkasunduan ng tatlong Diyos na paghatian ang Mundo, si Bathala ang naghari sa Langit, si Aman Sinaya ang naghari sa Dagat at si Amihan ang naghari sa Hangin.

Ayon rin sa Mitolohiyang Tagalog, si Bathalang Maykapal o Bathala ang syang kataas-taasang Diyos at Hari ng mga Diwata na kasamang naninirahan ng mga Diyos at Diyosa sa kalangitang tinatawag naKalualhatian. Para sa mga sinaunang Tagalog, ang mga anito o espirito ng mga namatay, mga elementong lamang lupa at mga diwata ang nagsisilbing tagapagpamahala at tagapamagitan ni Bathala, ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao.

Ang katunggaliang Diyos ni Bathala at si Bakonawa - ang Hari ngKasanaan o Kadiliman at ang kanyang mga alagad ay ang mgaAswang at Mangkukulam.

Ayon sa alamat, si Bathala ay sumiping sa isang babaeng mortal ng minsang bumisita siya sa lupa. Sila'y nagpakasal at nagkaroon ng tatlong supling: Si Apolaki (Diyos ng Pakikidigma at Araw), si Mayari(Diyosa ng Buwan), at si Tala(Diyosa ng mga Bituin).

----

A/N: CREDITS TO THE OWNER!!

Kwentong Epiko Ng MitolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon