Tatlong Babae, Tatlong Kwento ng Pag-ibig
Ano ba ang pag-ibig para sa isang tao? Bakit may pagkakataong magkakahawig ang mga kwento ng ilan? Itong kwentong ibabahagi ko sa inyo ay kwento ng tatlong babaeng may iba't ibang karanasan, ngunit nauuwi lahat sa isang pakikipagsapalaran ng puso. Mga pusong nais magmahal at mahalin.
Ang Kwento ng Babaeng Puno ng Puso
Tatawagin natin ang babaeng ito sa pangalang Aphrodite. Siya ay isang simpleng babae. Katamtaman ang pangangatawan, ang taas, at ang ganda. Isang masigasig na estudyante. Hindi man nagunguna sa klase, hindi naman pahuhuli. Siya ang tipo ng babaeng hindi mo aakalaing mamahalin ng isang mabait, matangkad,matalino, mayaman at higit sa lahat gwapong lalaki. Tatawagin natin ang lalaking ito sa pangalang Achilles. Hindi dahil siya ay isang magiting na warrior at anak ng diyos-diyosan kundi magiting na mangingibig at anak ng may de-kalibreng pamilya. Literal na may kalibre. Ama lang naman niya ang namumuno ng isang Security Agency. Si Achilles sa simula ay kaibigan or matalik na kaibigan ni Aphrodite. Mga ilang taon din sila sa ganitong sitwasyon. Inaalalayan ni Achilles si Aphrodite sa lahat ng bagay. Tinitext araw-araw, gabi-gabi. Tinatawagan mula umaga hanggang sa susunod na pagbukas ng bukang liwayway. Pinapayuhan, pinapapaalalahanan, inaalam kung kumain na siya, nakauwi na siya sa kanila, kung nakapagalmusal, tanghalian, o hapunan na siya. Naipakilala na ni Aphrodite si Achilles sa pamilya niya. Ganun din si babae sa pamilya ni lalaki.
Kinikilatis ni Achilles bawat lalaking lumapit kay Aphrodite. Minsan nagkasakit si Achilles, nais niyang bisitahin siya ni Aphrodite. Para maipakita ang concern ni babae, pumunta rin ito at inalagaan. Sa tuwing hinahawakan ni Achilles ang mga kamay ni Aphrodite, ramdam ni babae ang init ng pagmamahal na nagmumula sa kaibuturan ni lalaki. Isang paglalambing 'ika nga ni lalaki. Ngunit ang lambing na iyon ay hindi lamang nagtatapos sa isang hawak; nariyan ang paminsan-minsang pag-akbay; manaka-nakang paghawak sa balikat na nauuwi sa yapusan. Ang mga bagay na iyon ay nagbunga ng isang maliit na "spark". Isang maliit na "spark" na naging sapat na dahilan upang malaman nilang mahal nila ang isa't isa hindi lang bilang kaibigan. Kundi higit pa sa pagiging magkaibigan. Pagmamahal na hindi maaring ipagyabang at ipagkalat.
Ni halos ayaw nilang aminin sa isa't isang nagmamahalan sila. Dahil sa may kung anong bagay na pumipigil sa kanila upang pagyabungin ang pagmamahalang yaon. Hindi dahil matalik silang magkaibigan. Hindi dahil ayaw nilang masira magandang simula ng kanilang pagkakaibigan. Kung hindi, si Achilles ay may minamahal na ding iba. Si Venus. Mas nauna sa buhay ni Achilles na maging kasintahan. Isang lehitimong kasintahan. Alam ng mga kaibigan nila, alam ng pamilya nila, alam ng buong madla, at mas lalong alam ni Aphrodite.
Ngunit paano ba pipigilin ang isang nag-aalab na damdamin? Damdaming nag-aapoy mula sa puso ng dalawang nagmamahal na pilit na iwinawaksi ngunit nakadikit sa kailalimlaliman. Paano ba kakayanin ni Achilles ang mahalin ang dalawang babae ng sabay? Paano kakayanin ni Aphrodite ang isang bawal na pag-ibig? Paano niya sasabihin sa kanyang mga kakilala na ang iniibig niya ay pag-aari na ng iba? Paano niya aaminin sa sarili niya na ang kanyang minamahal ay may mahal ding iba? Paano niya malalagpasan ang hamon ng pagpigil sa sariling damdamin na mahalin ng labis ang matalik niyang kaibigan. Kaibigang espesyal. Kaibigang ayaw siyang mawala sa tabi niya pag wala si Venus. Isang kaibigang sa maraming minsan ninakawan siya nito ng halik. Isang kaibigang minahal niya ng labis.
BINABASA MO ANG
Kwentong Epiko Ng Mitolohiya
Kurgu OlmayanA little help sa kapwa ko grade10 students. Sana makatulong.