~~
CHAPTER 2:
“The war continues ..”
Ano nga kaya ang mangyayari sa bagong pakikipagsapalaran ni Pads Jesse Llañes? Tingin mo ano? Sino kaya talaga si Dido sa buhay niya at ano ang magiging epekto nito sa kanya? ....
“Badtrip naman yung babaeng yun, di niya ba ako kilala?” Patanong na sabi ni Dido
“Hayaan mo na, baka bago lang tsaka mukhang di naman interesado sa mga katulad naten yun” sabi ni Wayne
“Aba! At siya pa hindi interesado saten? Tingnan mo naman ayos nun pre, imba” tumatawang sabi ni Vance
“Tama na nga yan. Wala namang ginagawa yung babaeng masama, tsaka tama siya Dido, di ka kasi nagsorry e.” Sabi ni Cado na
“Basta! Lagot sakin yan ang babaeng yan. Di niya ako kilala” galit na sabi ni Dido
Mukhang nangangamoy mahaba-habang hidwaan ang mamagitan kila Dido at Pads dahil mukhang kinasusuklaman nila ang isa’t-isa. Magkakasunod ang nangyayari kay Pads sa mismong araw na yun na hindi niya inaasahang may ganung mangyayari sa kanya ...
“Sige pumunta na tayo ng room” sabi ni Pads kay Brenda; Habang naglalakad sila papunta ng room ..
“Tingnan mo yang babaeng yan, akala mo kagandahan di naman, ang lakas ng loob awayin si Dido” bulungan ng mga babae tungkol kay Pads
Tiningnan na lang ni Pads at Brenda ang mga babae at hinayaan nila ito ..
At pagdating nila ng room ...
“Sabi ko sayo Pads kaklase naten sila e, patay tayo diyan” pabulong na sabi ni Brenda
“Hayaan mo sila, di ako takot sa kanila! Bakit sino ba sila?!” bulalas ni Pads
“O! Andito na pala ang magaling na babaeng umiskandalo sa kin kanina” sabi ni Dido pinahiya si Pads sa buong klase
At nagtawanan ang buong klase at hindi na lang pinansin ni Pads ito dahil baka lumaki pa ang away ..
“O Miss Eskandalosa bakit antahimik mo yata?” tanong ni Didong nang-aasar kay Pads
Tiningnan lang ni Pads ito at tumalikod na at pumunta sa upuan ...
“Okay ka lang ba Pads?” Tanong ni Brenda
“Oo, okay lang ako, ako pa!” sabi nito kahit halata naman na galit na galit na siya
“Sure ka ah. Baka mamaya sumabog ka na sa galit diyan” Sabi ni Brenda
Maingay ang buong klase nila, ang Hot Guys ay nag-uusap pa rin nang dumating si Nathalie ...
“Hi Babe! I miss you.” Sabi ni Nathalie kay Dido na may kasama pang kiss sa pisngi
“At sino naman yang babaeng yan??” tanong ni Pads
“Yan si Nathalie dela Vega.” Sabi ni Brenda
“Nathalie??” tanong ni Pads
“Oo, sabi nila yan daw ang girlfriend ni Dido pero ewan ko.” Sabi ni Brenda
“Ahh, bagay sila” parang inis na sabi ni Pads
“O bakit mo natanong? Selos ka no?? Ayieee.”, Sabi ni Brenda na inaasar si Pads
“What?? Hindi ah.”, Pagtatanggi ni Pads
“Sabi mo e.” Sabi ni Brenda
“Alis na ako Babe, punta na ako sa room ko. Bye!” sabi ni Nathalie kay Dido
BINABASA MO ANG
My Lucky Star
Teen FictionAng 'My Lucky Star' ay kwento tungkol sa isang simpleng babae na umaasa sa horoscope, signs para maging gabay niya sa paghahanap ng pag-ibig na hindi niya pa nararanasan. At sa kanyang bagong pakikipagsapalaran sa kolehiyo ay makakatagpo siya ng ib...