~~
CHAPTER 4:
“The Good and Bad side”
Tuluyan na ngang nagulo ang buhay ni Pads dahil sa mga nangyari sa, ano na nga ba ang mangyayari sa kanya? May magandang mangyayari pa kayang babago ng araw niya? ...
Dahil sa nangyari ay umalis na lang sila Brenda at Pads sa canteen at tumambay na lang sa park ...
“Pads, sorry ah di kita natulungan kanina dumating kasi yung guard e.”Sabi ni Brenda
“Okay lang, tsaka baka madamay ka pa, magkakarecord lang tayo kapag pinatulan naten sila” sabi ni Pads
habang pilit na inaayos ang salaming nabasag
“Grabe talaga yung grupo na yun! Siguro sinabi ni Dido sa Nathalie na yun na awayin ka! Hay nako,
nakakainit ng ulo” inis na inis na sabi ni Brenda sa kaibigan
“Hayaan mo na siya, di ko na lang sila papansinin baka lumaki lang ang gulo” sabi ni Pads
Kawawa nga naman talaga si Pads, buhay nga naman. At hanggang lumipas ang oras at dumating ang
hapon nilang klase ngunit napagdesisyunan nila hindi pumasok ng klase dahil sa nangyari at dahil na rin
sa hiya ...
At sa room nila ..
“Oy, magtatime na wala pa rin si Miss Eskandalosa ah” sabi Wayne kila Dido
“Oo nga, baka natakot dahil sa nangyari kanina ..” dagdag ni Vance
“Hayaan niyo na lang ..” sabi ni Dido
“Bro sa susunod kasi pagsabihan mo yang si Nathalie, masyadong patay na patay sayo yan e. Nadadamay
pati ang mga inosente” Sabi ni Cado
“Aba Cado mukhang concerned ka kay Miss Eskandalosa ah” nang-aasar na sabi ni Wayne
“Hindi, naawa lang talaga ako dun sa tao wala naman kasing ginagawang masama” sabi ni Cado
Uwian na at nasa park pa rin sila Pads, habang ang Hot guys ay naghiwa-hiwalay ..
“Una na kame ni Wayne ah” sabi ni Vance
“Sige, ingat tol!” sabi ni Dido
“Oy cado cr lang ako, mauna ka na” dagdag nito
“Sige, sa kotse lang ako” sabi ni Cado
Habang naglalakad si Cado papunta ng parking lot ay nadaanan niya ang park at nakita sina Pads at naisip niyang lapitan ito at humingi ng sorry ...
“O bakit ka nandito? Aawayin niyo na naman si Pads?” sabi ni Brenda
“Hindi, hindi gusto ko lang makausap si Pads” sabi ni Cado
Dumating na ang sundo ni Brenda at nagpaalam na ito ..
“Pads, una na ako. Bye!” sabi ni Brenda
“Osige, babay. Ingat” sabi ni Pads
“Pads ..”
“Ikaw lalaki ka bakit nandito ka?!” pasigaw na sabi ni Pads, at dahil wala siyang salamin ay inakala niyang si
Dido si Cado
“Aasarin mo na naman ako? Wala ka bang magawa? Nakita mo naman kanina na inaway ako ng girlfriend
mo! Tapos andito ka pa? Ano ba?!” bulalas ni Pads
“Pero hindi ako si Dido, ako si Cado yung kambal niya” natatawang sabi ni Cado
BINABASA MO ANG
My Lucky Star
Teen FictionAng 'My Lucky Star' ay kwento tungkol sa isang simpleng babae na umaasa sa horoscope, signs para maging gabay niya sa paghahanap ng pag-ibig na hindi niya pa nararanasan. At sa kanyang bagong pakikipagsapalaran sa kolehiyo ay makakatagpo siya ng ib...