My Lucky Star - Chapter 6

22 0 0
                                    

~~

CHAPTER 6:

 “Beginning of the good times”

Sabi nila na ang bawat tao raw ay may nakatakda ng kapalaran na tatahakin, kapalaran nga kaya ni Pads ang magulo ang buhay niya ng mga taong bago niya lang kakilala?

“Hi Pads!”, bati ni Brenda

“Hello.”

“O bakit parang may problema ka?”, tanong ni Brenda na nagtataka

“Wala..”

“Hay nako Pads! Nakabusangot ka tapos walang problema? Lokohan lang?, hindi nga no nga yon?”, pag-uusisa ni Brenda kay Pads

“Kasiii …”

“Kasi ano?”

“Kasi kinakabahan ako, baka mamaya may mangyare na naman na tulad nung nakaraang araw ..”, pagtatapat ni Pads

“Ano ka ba Pads! Andito ako no. Sige maiba lang, gusto mo sumali tayo sa isang org?”, sabi ni Brenda

“Sige! Sige! Gusto ko yan .. ano namang org ang sasalihan naten?” sabi ni Pads

“Punta tayo dun sa mga booths ng orgs ngayon, alam ko ngayon ang opening nun e.”

“Sige tara!” sabi ni Pads.

Sa mga booths. May sports org, writing orgs, dancing, singing, theather, photography orgs. Si Pads ay pumunta sa writing org at theater org. Nagpunta naman si Brenda sa dancing org at theather. At habang andoon sila ay nandoon din ang Hot guys at ang grupo ni Nathalie.

“Pads, sure ka na ba sa org na sasalihan mo?” tanong ni Brenda

“Oo, yun lang naman kaya kong gawin e, ang magsulat at umarte, hindi naman ako marunong kumanta at sumayaw.”

“Tingnan mo Pads, mukhang sasali si Cado si Theater org. “ sabi ni Brenda

“oo nga no? J” may kilig na sabi ni Pads

“O bakit parang nagblublush ka? Ikaw ha! Teka may hindi ka pa nakwekwento saken, nabalitaan ko hinatid ka nung kambal sa bahay mo, at magkasubdivision pa kayo! Haha” nag-aasar na sabi ni Brenda

“Ano ka ba! Si Cado kasi sabi niya hahatid na daw nya ako, kasi wala si Yaya kaya ayun. E ang masama pa nito kasama niya si Dado. Tsaka pambawi daw sa nagawa nila saken.” , paliwanag ni Pads

“Si Cado pa talaga ang babawi sayo?Iba na yan!”

“Ano ka ba! Eto naman binibigyan ng kahulugan, mabaet lang naman yung tao..” pagpapaliwanag ni Pads

Tumigil sila nang biglang dumaan ang grupo ni Nathalie at tumigil sa harap nila Pads.

“Nathalie eto na yung ‘Pads’ o!” sabi ng kaibigan ni Nathalie

 “At talagang naisipan mo pang sumali sa mga org no? May talent ka pala? Mukha kasing wala e. Haha!” pang-aasar na sabi ni Nathalie

“Ang yabang mo naman! Maganda ka nga ubod ng sama naman ng ugali mo!” sabi ni Pads

“Aba! Aba! Lumalaban ka na!” sabi ni Nathalie na mukhang sasaktan na si Pads

“Nathalie! Tumigila ka na!” pasigaw na sabi ni Dado, sabay pigil sa kamay ni Nathalie

Lahat ay nabigla sa ginawa ni Dado kahit ang kanyang mga kaibigan ay nabigla. Hindi nila inaasahan na ipagtatanggol ni Dado si Pads, dahil alam nila ang mga ginawa nito sa kanya.

“Pero babe, bakit mo siya pinagtatanggol?” patanong na sabi ni Nathalie kay Dado

“Hindi ko siya pinagtatanggol, mali lang talaga yang ginagawa mo” paliwanag ni Dado

Umalis na ang lahat at nagkanya-kanya. Pumunta na sina Pads sa room nila.

Sa mga susunod na kabanata. ABANGAN

P.S: Maraming salamat sa pagbabasa ng kwentong di-pangkaraniwang pangkaraniwan. SALAMAT PO! J

My Lucky StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon