My Lucky Star - Chapter 1

85 2 3
                                    

~~

CHAPTER 1:

“Horoscope Girl”

Maraming nagsasabi ang pag-ibig daw darating na lang daw yan basta mag-hintay ka lang. Yon ang madalas sinasabi ng mga taong hindi makahanap ng pag-ibig at umaasa at tila cheerleader sa sarili kung makapag-palakas ng loob sa sarili nila. Aminin, naranasan mo rin yun di ba? Iba-iba ang tao sa mundo ang umiibig, may pilit magmahal, baliw magmahal, ginagawang laro ang pagmamahal at iniaasa sa kapalaran ang pagmamahal.

Umaasa sa kapalaran ba? Yung tipong todo pagbabasa sa horoscope ng kapalaran nila para sa araw-araw? Ganyan, ganyan si Pads Jesse Llañes, sabihin na nating Pads for short. Aries pala siya. At may lucky star pa siyang tinatawag kung saan lagi siyang nagwiwish. Isang kolehiyala na NBSB, yea No Boyfriend since birth! May itsura naman siya, di nga lang sapat para magustuhan, mahaba ang buhok kaso nakapusod, mapayat, nakasalamin wag ka 70/20 ang vision at naka-braces siya, de-kulay pa! Pink! Nerd type di ba? Bagay nga naman sa kanya. Isa siyang full scholar ng BS Architecture sa Ateneo De Manila University. Kung ano-anong mga orgs at groups ang sinalihan niya simula pa dati para mahasa ang skills niya at para mapansin at makahanap ng taong magmamahal sa kanya ....

First day ngayon. Pangkaraniwan nang maraming naliligaw na estudyante. Mag – 7Am na. Nag-ikot si Pads sa building para hanapin ang room niya.

" Asan na ba yung room ko? Aissh, second sem na di ko pa rin alam yung buong campus." Sabi ni Pads sa kanyang sarili

Habang naghahanap ng room na assigned sa kanya. Napansin ni Pads na may pinagkakaguluhan sa banda roon na parang may artista.

" Ano ba yun? Ay! May artista siguro! "

Lumapit si Pads at nakita niya na ...

" Nge. Artista ba yan? " sabi ni Pads na nagtataka na halata mong di niya talaga kilala ang mga nakita niya

" Di mo ba sila kilala? " sabi ng katabi ni Pads

“Hindi e, sino ba yang mga yan?” , sabi ni Pads, kita mo sa mukha niya na wala nga siyang idea

“Hot guys ang tawag sa kanila dito”

“Hot guys? Ah, sabagay may itsura sila, Pads ngapala” Sabi ni Pads

“ Brenda.” may kasamang shake hands nitong sabi

“ Bakit hindi mo sila kilala? Bago ka lang ba dito?” tanong ni Brenda, tumaas ang kilay ni Brenda dahil nagtataka siya

“ Hindi, di lang talaga uso saken yang mga ganyan-ganyan” sabi ni Pads

“ Ah, by the way anong course mo?” tanong ni Brenda

“ BS Architecture, ikaw?” sabi ni Pads

“ Parehas pala tayo! “ masayang sabi ni Brenda

Dumaan ang Hot guys sa harap nila Pads at Brenda, at nabangga ng leader nila si Pads ....

“ Aray! Hindi man lang nag-sorry. Hoy lalaki di porket sikat ka dito e napakayabang mo na “ sabi ni Pads with matching pamewang

“ What are you saying? “ payabang pang sabi ng leader ng Hot Guys kay Pads

“ Gwapo nga, mayabang at bingi pa “ sabi ni Pads na pabulong

“ At sinong tinawag mong mayabang at bingi? “ tanong nito sabay lapit kay Pads

“ Ikaw! May iba pa ba? “ sabi ni Pads, inilapit din ang mukha niyang kita mong naiinis

“ Sino ka ba? Anlakas mo makapagsalita ah “ sabi nito.

“ Ako si Pads Jesse Llañes! Architecture student at matalino di gaya mo na mukhang pagpapacute at

pagyayabang lang ang nalalaman! “ galit na sabi ni Pads

“ Aba! Sumosobra ka ng babae ka ah! “ pasigaw nitong sabi at muntik ng patulan si Pads kung hindi lang pinigilan ng mga katropa niya

“Pare tama na, babae yan. Don’t waste time on her “ sabi ng isa pa niyang kagrupo sa Hot guys na si Vance

“ Pasalamat ka babae ka! “. Sabi ni Dado

“ Miss pasensya ka na sa kapatid ko” sabi ng kapatid ng leader ng Hot guys na si Cado

Natapos na rin ang di inaasahang away sa pagitan ni Pads at ng leader ng Hot Guys na si Dido, Diosdado

Jaime Campos, isang mayamang lalaki na magmamay-ari lang naman ng hekta-hektaryang lupain sa Palawan at sandamak-mak na negosyo, Architecture student din, sabihin na nating mayabang nga siya, typical hearthrob ang dating niya, maraming babaeng nagkandarapa sa kanya, matangkad, chinito, maputi, matangos ang ilong, malagerald anderson ang dating ng porma, gwapo nga siya kung tutuusin at meron siyang kapatid ngunit kabaliktaran naman niya ang kambal niyang ito na si Cado, Dioscado Jaime Campos naman ang pangalan niya, malaki ang kaibahan niya kay Dido, kung si Dido ay mayabang siya naman ay sobrang mabait sa mga taong pumapaligid sa kanya at dahil sa kambal sila parehas silang hearthrob sa ADMU at mayaman ...

“ Grabe naman yung lalaking yun, sino-sino ba yung Hot Guys na yun?” wika ni Pads

“ Yung nakabangga sayo, si Dido yun, yun yung leader nila, yung nag-sorry naman sayo si Cado, nakita mo naman siguro na kambal sila, yung dalawa naman si Vance at si Wayne mga pa-hot guys din” sabi ni Brenda

“ Ahh, buti mabait yung Cado no?” Sabi ni Pads

“Ay oo, yun ang malaking pinagkaiba nila” Sabi ni Brenda

“ Sana di ko na makita yung mga yun, masisira lang araw ko sa kanila “ sabi ni Pads

“ Aii. Di ko nasabi sayo, architecture students din sila at mukhang kaklase natin sila kasi tingnan mo sa room naten sila nagpunta” sabi ni Brenda

“ Ano?? O Lord why did you do this to me? “ Sabi ni Pads

“ Ikaw kasi, dapat di ka na lang nasalita kanina” sabi ni Brenda

“ Nako! Dapat nga di lang yun ginawa ko sa kanya, hambog siya! Hmp” galit nitong sabi kay Brenda

“ Halika na nga, punta na tayo ng room” sabi ni Brenda

ABANGAN ang susunod na mangyayari sa bagong pakikipagsapalaran ni Pads Jesse Llañes ....

P.S: Maraming salamat sa pagbabasa ng kwentong di-pangkaraniwang pangkaraniwan. SALAMAT PO!

Paunawa: Yung Hot guys po at iba pang kabaduyang words e pagpasensyahan na, medyo baduy kasi yung writer, at ako yun. Sorry. Haha! :p

My Lucky StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon