xi.

14 1 0
                                    

"Nako Cindy hah kanina ko pa napapansin si Chiander." Mahinang sabi ko kay Cindy.

"Napansin mo rin? Haha, naku baka magiging mag bala'e tayo nito!" natatawang sabi ni Cindy. We both laughed to the thought of it.

"Anong nakakatawa?" Tanong ni Kevin.

Di kami sumagot ni Cindy at tumawa lang nang tumawa.

"Naku, di pa nga nakakainom lasing na. HAHA, okay lang ba sila?" tanong ni Alex kay Kevin.

"Shh. Ano ba, may mga bata. Anong inom at lasing." Sabi ni Cindy na nagpipigil tumawa.

"Ano nga pinag tatawanan nyo?" Tanong ni Kevin.

Bumuntong hininga ako bago ko sinabing, "Ang cute ni Andrea and Chiander together noh? So magiging mag bala'e kami ni Cindy nito sa future!"

"Ana ang bata bata pa nila Aby.. Magtigil nga kayong dalawa." Sabi ni Alex.

"Eto naman ang KJ. Katuwaan lang naman aah. At ang ganda kaya kung sila talaga sa future. Diba mare?" Sabi ko kay Cindy na tinawanan lang ang sinabi ko.

After dinner, we ordered beer to spice up the night. Kwentuhan ulit while the kids played.

"Oo nga pala, next month kung ma-aapprove na yung project proposal ko sa Canada lilipat na kami dun." Biglang announcement ni Kevin.

"Canada?" gulat na tanong ko. They both nodded.

"Ayy, pano yung mga bata?" tanong ko sa kanila.

"Dadalhin naming sila of course." Sagot ni Cindy.

"Eh yung trabaho mo Cinds?" Tanong ko ulit. Echoserang frog ako eh.

"Sus makakahanap din ako ng trabaho dun. Ayaw ko kasi na si Kevin nasa malayo. Kambal pa yung anak namin. Ang hirap noh! Buti kayo kasi nag iisa lang si Andrea." Sabi niya.

"Eh? Ang hirap nga palakihiin nitong si Aby eh. Ayaw ko ma spoiled pero ayaw ko din siya napapagalitan. HAHA. Eh teka lang, next month naba talaga alis nyo?" tanong ko ulit.

"Ang kulit Ana aah. Next month na nga. No worries, magkikita pa tayo nu before kami aalis." Paninigurado ni Kevin.

We talked more then called it a night. Tulog na yung mga bata. Halatang napagod kakalaro. Kami naman medyo tinamaan kaya we decided to go home before it gets worst. We bid our goodbyes and went separate ways.

Ito yung mahirap kung dalawa kayong may sasakyan ng asawa mo. Sinama ni Kevin pa'uwi si Chiander while nakay Cindy si Chiara. Kami ni Alexis?

"Dad, sayo na si Aby." Sabi ko sa kanya.

Karga karga niya kasi si Andrea.

"Mom, sayo na." Sabi niya sa akin.

"Fine." Sagot ko at binuksan ang passengers seat. Pinaupo naming ng dahandahan si Andrea at pinag seatbelt.

"Pag nauna ka sa bahay, paki ready ng susuutin ni Aby." Sabi ko sa kanya at pumasok na ng sasakyan.

I drove safe and sound while nakita kong nag overtake sa akin asawa ko at nagpaharurut ng takbo. Hay nako! -_-

Sharp KnifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang