"Muffin anyone?" tanong ni Raul sa mga men niya, na may hawak ng tray of muffins. 'Men night out' nila sa bahay ni Raul. Nasa living room sila ngayon manonood ng pelikulang 'Harry Potter and the sorcerer stone' mga potterheads' kasi sila
"Should it be muffins?" pagtama ni Tommy, ang perfectionist. Mayroong siyang jawline at papi rin siya men.
"Alam mo namang higit pa sa isa ang kinakain natin diyan""Okay, muffins anyone? Oh yan kinorrect ko na happy ka na?" na may pag-ngiti sa perpektong mukha niya may jawline din siya gaya ni Tommy noh?
"Of course Raully we want muffins. Sino ba sa atin ang hindi mahilig sa muffins? e halos lahat sa atin sampu, higit pa ang nakakain nito sa isang araw" sabi ng may beautiful light brown eyes na si Jett, ang matakaw sa squad. Sa bawat tingin mo sa mga mata niya mahuhulog ka sa kanya. Kaso hindi ka niya sasaluhin. So do as Raul hindi ka rin niya sasaluhin. Ganon ba talaga ang mga brown eyes?
"Sure we all love muffins. Araw, gabi muffins lang lagi. Nagc-crave nga ako pag nakakita ako ng muffins sa coffee shop. Also muffin is life, men kahit walang kanin" sabi ni Chris, The "lip bite king". Ang pinaka kissable lips sa grupo gaya rin siya Raul kissable pero mas kissable si Chris.
"Shut up na tayo mga men nagsisimula na ang movie oh!" sabi ng pinakamasungit na si Terrance well he has a sexy curly hair (pero hindi ganon kakulot semi lang) pero pag kinausap mo laging naka-burangot pero guwapo pa rin. Ganon din si Raul pag may topak lang.
"Okay mister Terrance tatahimik na po" sabi ni Sam na may kasamang hot na pag-dila sa bibig niya. The childish one sa grupo. An adorable childish men
"Good!" Sabi na pagalit ni Terrance
"Well ang init guys!" reklamo ni Arthur. Pero ang gagawin niya lang ay magt-topless. Huhubarin niya lang ang sando niya. He's in love with his body. Pero sa buong grupo siya lang ang may pinakamagandang katawan. Well lahat naman sila may abs pero siya lang ang pinakahot.
"Sayang wala si Raymon, lagi kasing nasa tubig" sabay tatawa si Larry ang baliw ng grupo with a sexy booty. Lagi kasing tumatawa 'yang si Larry kahit walang nakaktawa.
"Well swimmer kasi si Raymon. Kahit anong season sa Pilipinas nags-swimming pa-rin" ika ng matalak na bibig ni Jackson. Ang may sexy eyebrows.
"Sabi kong tumahimik 'di ba" pagkainis ni Terrance
"Sorry po!" sabi ni Jackson
"Kung nood, nood lang kasi. Mga putek kayo" paliwanag ni Terrance
"Tahimik na kasi daw mga men" sabi ni Jeremy, ang may kitang-kita na neck vein lalo pag sumigaw. Maingay at tamad siya. Buraot pati.
"Hmm.. Okay pero picture muna tayo mga men" pag-yaya ni Ben, pero sikat sa tawag na 'Benito', pinakaPhotogenic sa grupo. Mahilig magpost sa lahat ng social media. Blogger din ito. So they took a picture at pinatuloy na ang panonood ng Harry Potter
BINABASA MO ANG
Differentiate HIM
Teen FictionA teen fiction and a slightly fan fiction story Men(Squad) since elementary 'til now. But they are different in personality.