Hindi siya panaginip men. Totoong totoo na nasabi niya ang mga salitang iyon at nayakap niya si Zen. Hindi siya natutulog sa klase. Haystt.. Mas naawa ako sa mga tora pa ni Ter sa plato kaysa sa kanila..
"Men, hindi yata tayo narinig ni lover boy?" ika ni Jett.
"Susugurin na lang siguro siya ng secretary nating si Evel"-Raul
Binigyan ulit siya ng oras ng mga men. Dumeretso na lang ang mga men sa Guidance Office sa may tabi ito ng Clinic sa first floor.
"Kakatok ako, ikaw sumagot men?" Utos ni Chris kay Sam
"Ta's ikaw unang papasok?" kondisyon ni Sam
"Ayoko nga!, gago baka patayin ako ni Ms. Adammes" sabi ni Chris
"Edi papatay ka na!" Sabi ni Sam ng pabiro kay Chris.
"Ano ba ang ingay niyo? ako na lang kakatok" pagpresenta ni Raul sa sarili niya. Kinatok ni Raul ang pintuan ng guidance office.
"Who's there?!" Tanong ng nasa loob ng guidance office.
"Oh sagutin niyo.. Ano advantage?..ako na kumatok, ako pa sasagot? Abuso a!" Reklamo ni Raul.
"Okay ako na sasagot?" Bolutaryo ni Sam. "The Men miss!" Tiningnan siya ng masama ng mga men
"Ano!?" Tanong ni Sam na pagalit.
"Wala!" Sagot ni Raul.
"Ahmm wala si miss Adammes pumuntang canteen!" Sabi ng pinto.
"Ahh sige po miss na po kami" reply nila sa pinto.
"Mamaya na lang tayo men pumunta sa guidance" sabi ni Raul. Nang may humarang sa init ng sinag ng araw sa kanilang likoran. Isang malaking babae. Kinakakatakutan ng mga bata sa campus. Kumakain ng 5 beses sa isang araw at laging umeekstra rice sa canteen. Siya ang hindi nag-iisa sa mundong pinagaan ni God para sa mga tao.. May katulad na nilalang, siya ay si Miss Ma. "Maganda" Beauty S. Adammes asawa ni Mister Nama "Magaling" Great G. Adammes na kasalukuyang guro sa kanilang paaralan ng mga Grade 10.
"Hi boys!" pagbati ni Miss Adammes
"Hi miss Mamaganda" pagbati ni Jett
"Ano 'yon mister kiddo, nagmamaganda ako. Hindi niyo na nga ako binati ng 'good morning, miss Adammes,' ta's ang bati mo pa hi miss mamaganda.. Bastos ka ah! Hindi iyan nababagay sa school na'to. May kaso kayo 'no?! Dadagdagan ko ng kasong disrespectful..." Pagsesermon ni miss Adammes at binuksan nito ang lilang pamaypay nitong hawak, pinaypay niya ito sa kaniyang sarili.
"Ah miss hindi po kasi kayo kilala ng kaibigan kong si Jett, nakalagay po kasi sa plaque niyo sa desk niyo.. 'Ms. Ma. " Maganda" Beauty S. Adammes'. Hindi po kasi ito marunong magbasa ng acronym. Sorry miss kaya please po huwag niyo po dagdagan ang kaso namin" pagtatanggol ni Raul para kay Jett. At pagmamakaawa. "Diba Jett.?" Siniko ko nga niya ito at tinitigan ng masama..
"Hindi puwede laging in-a-announce ang pangalan ko sa stage na... 'Ladies and Gentlemen nandito na ang maganda ang mas maganda pa kay Liza Soberano. Mas mabagsik pa kay Kathryn Bernardo. Matalino pa kay Pia Wurthzback. Ang nag-iiwan ng mga katagang. 'Beauty is not in the inside it's on the outside because Beauty don't hide it shows confidence....' Ang nag-iisang terror este ang nag-iisang Miss Universe ng King Philip Academy walang iba kung hindi si Miss Maria "Maganda" Beauty S. Adammes ang Guidance councillor ng school na'to.'"
BINABASA MO ANG
Differentiate HIM
Teen FictionA teen fiction and a slightly fan fiction story Men(Squad) since elementary 'til now. But they are different in personality.