Bumitaw na sa pagyakap si Terrance. Nginuya nitong muli ang kaniyang kinakain bago magsalita ng kaniyang nararamdaman. Nilunok niya na ang kaniyang kinakain
"Hindi ba ito isang panaginip. Hindi ba ako natutulog sa klase?!" tanong na pagkagulat ni Ter.
"Gusto mo bang kurutin muna kita sa singit? para malaman mo na hindi ka nanaginip sa klase" pagbantang pabiro ni Zen.
"Ang saya-saya ko.." Ngumiti si Terrance na tila abot tainga ang saya
"Yeobo".. Iyan ang sumunod na inilabas ni Ter sa bunganga niya. "Iyan na ang tawagan natin... Alam kong tinatawag lang kita sa pangalan mo, pero this new story of 'TerZen' tawagan na natin ulit iyon sa isa't isa" masayang pagsabi ni Ter..."Sige ba?...Yeobo!" Pagtanggap ni Zen muli kay Ter.
Nagkasundo at muling nagbalikan ang dalawang ibon. Napakasaya ni Ter. Ito na yata muli ang pinakamasaya nitong pangyayari muli sa buhay niya. Sa tingin ko talaga walang makakapalit kay Zen sa buhay ni Ter.. She's permanent you can't erase her
"Ano ang I love You sa K Drama?" tanong na masaya ni Ter
"Yeobo! It's Korean language not K Drama" Pagtama ni Zen ng tumatawa "Hmm.. Saranghae.. At alam ko na rin ang sasabihin mo kaya, Nado Saranghae Terrance-ssi.. Ibig-sabihin 'I love you too, Terrance"
Binuhat ni Ter si Zen at binaba nito agad.
"Thank You, Zen. For giving me another chance" pasasalamat ni Ter
"Okay, You're Welcome!" Niyakap si Zen muli ni Ter. Pagkatapos ng magandang pangyayaring iyon ay naglakad ang dalawa ng magkahawak ang kamay nila..
"Wala ka bang narinig sa mga men ko parang may tumawag ata sa'kin, nung niyayakap kita?" Tanong ni Ter. Tiningnan nila ang isa't isa.
"Wala naman akong narinig" napatingin si Zen sa itaas.
"Dibale na mamaya tatawagin din nila ako mamaya" sabi ni Ter.
Napatigil ang dalawang ibon ng makita nila ang malaking likod ni Ms. Adammes. Dahil bawal ang maging taken sa school.. Actually puwede huwag ka lang magpapahuli... Actually puwede ka ngang mangopya, makipagrambolan, magnakaw.. Ang batas lang ay huwag kang magpapahuli sa CCTV o sa kanya o kaya'y makita ka ng mga sipsip o mga sumbongero, yun lang ang tanging batas na kailangang sundin ng isang mag-aaral. Kaya nagpanggap ang dalawa na parang hindi kilala ang isa't isa at nagkatalikuran. Tila ring galit si Ms. Adammes, kahit hindi rinig sa buong campus. Nakapamewang e!. Pumasok na rin sa Guidance Office si Ms. A'. Sumunod na rin ang mga men niya.
BINABASA MO ANG
Differentiate HIM
Teen FictionA teen fiction and a slightly fan fiction story Men(Squad) since elementary 'til now. But they are different in personality.