Stella Pov
After 1 week
Absent ngayon si Christian, Kaya ako lang tuloy mag-isa, ang hirap ng ganito wala akong makausap kasi masusungit tong mga tao dito pero buti na lang iba si Christian sa kanila. Nagdidiscuss ngayon ang Math teacher namin. Nakakatamad makinig pag math na kasi hate na hate ko tong subject na toh eh. Tapos masungit pa teacher namin. Pag first day lang sila mababait pero pag tumagal na, nagiging monster na. Hehehehe, Joke lang po.
[Skip na po natin huh? hihihi.]
Recess na namin at nakalabas na silang lahat dahil inaayos ko pa ang mga gamit ko.
"Ms.Rodriguez paki dala naman tong mga test papers sa faculty. Paki patong nalang sa ibabaw ng lamesa ko. At pagkatapos mo mag recess ka na. Salamat." sabi ni Ms. Cruz, Science teacher namin.
"Sige po mam" maikling sabi ko
Nailagay ko na yung mga test papers sa faculty. Papunta na ko ng canteen ng makarinig ako ng hikbi ng isang babae.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga kita gusto!" sabi nung lalake
"Pero Drake bigyan mo naman ako ng pagkakataon oh!" sabi naman nung babae habang umiiyak. Hala ano bang sinasabi nung babaeng yon? Bat siya ang nahingi ng pagkakataon sa kanya?
"Anong pagkakataon ba ang sinasabi mo? Sinabi ko na nga sayo diba na hindi kita gusto. Ayoko sa katulad mo noh." Sabi naman nung Drake. Teka drake? Iisa lang naman ang drake dito ah! Tsk yung lalaking yun napaka sama talaga. Nakatago lang ako dito sa may halaman kasi baka mahuli ako. Nakatalikod yung lalaki eh tapos yung babae naman hindi ko kilala siguro 4th year na din yon pero ibang section.
"Hoy Drake! Tara na gutom na ko!" Sabi ni Michael. Para na pala akong tanga dito, makaalis na nga dito baka mahuli pa ko.
Baka isipin niyo ang chismosa ako ha? Naawa lang ako don sa babae eh. Natatakot nga lang ako makielam.
Nakarating na ko dito sa canteen. Pumila ako dito sa pilahan. (A/N: Natural pilahan yan eh. ano gagawin mo jan sasayaw?) Si otor epal eh. Hahaha. Buti na lang konti lang yung nakapila kaya mabilis akong nakabili. Nakahanap na ko ng mauupuan ko. Puno na lahat eh, puro may naka upo na. Ang hirap mag isa kumain, sana makapasok na bukas si Christian. Habang kumakain ako ay biglang dumating yung mga Mayayabang na mga Heartthrob, ay si Drake lang pala yung mayabang kasi ung iba hindi naman ata sila mayabang. Hay naku! ito nanaman tong mga babaeng toh! Nag simula nanamang magsitili. Ang Iingay nila!
Drake Pov
Nakakainis na babae yon. Hinarang pa ko tapos napaka kulit pa sabing ayoko nga sa kanya eh. Pinagpipilitan pa niya ang sarii niya sakin. Iba ang gusto kong babae. Ang gusto ko Maganda, Sexy at Maputi. Hindi Tulad niya ang pangit. Masama na kung masama pero totoo naman eh.
Nakapunta na kami ng canteen at umorder na sila James at Andre. Kasama ko ngayon si Michael. Tsk, ano ba yan puno na. Pero dahil nga siga kami dito paalisin ko tong mga lalaking toh na nasa lagi namin pwesto.
"Hoy! umalis nga kayo dito! Pwesto namin toh ah!" sigang sabi ko
"Eh pano kung ayaw namin?" sabi nung isang asungot
"Ah talagang ayaw niyo ha?" sabi naman ni Michael
"Bakit sino ba kayo?" sabi nanaman nung asungot na yon.
"Hindi mo ba talaga kami kilala?" pasigaw na sabi ni Michael
"Hindi nga. Eh sino nga ba kayo?" sabi naman nung isang panget. Tatlo lang kasi sila eh at mukang bago yung dalawa.
"Aba talaga naman!" Naka ambang sabi ni Michael. Pero pinigilan ko siya at ako na ang nagsalita.
"Hindi ba talaga kayo aalis?" naka ngising sabi ko. Na gets ata nung isa kung ano ang ibigsabihin ko.
"Ay ito na ho aalis na" sabi nung makapal ang kilay. At umalis na sila. Alam na nila kung ano mangyayare sa kanila pag hindi pa sila umalis dito. At dahil anak ako ng may ari ng school na to, kayang kaya ko silang ipatalsik dito.
Nakabalik na rin sila James at Andre dito. Habang kumakain kami ay biglang nag salita si James.
"Pare tignan niyo yon." sabi nya habang nakaturo dun sa babaeng mag isang kumakain.
"Oh ano naman? Ay teka dba classmate natin yan?" sabi ni Michael
"Ay oo nga noh. Ano nga bang pangalan nyan?" sabi ni James
"Si Stella. Ano ba kayo? Classmate natin hindi niyo kilala? tsaka isang linggo na natin yan kasama ha." Kunot noong sabi ni Andre
"Sorry naman." Maikling sabi ni James
"Tsk, Oo classmate niyo hindi niyo kilala." Seryosong sabi ko sa kanila
"Eh ikaw kilala mo ba?" tanong ni Michael
"Hindi din. Eh bakit anong paki ko sa kanya." kunot noo kong sabi sa kanila
"Teka, bakit mo ba napansin yon James?" tanong ni Andre
"Ang cute at ang ganda niya kasi eh. Tsaka nakaka awa mag isa lang eh oh." sabi ni James sabay turo. "Yayain ko kaya dito?" nakangiting dugtong niya.
"Nababaliw ka na ba?" sigaw ko sa kanya. Eh ayoko ngang kasama yon.
"Bakit naman ayaw mo?" tanong ni Michael
"Eh sa ayaw ko eh" kunot noo kong sabi sa kanila
"Eh sa gusto ko eh." naka ngising sabi ni James sakin
"Para kayong baliw noh? Eh pano pag hindi pumayag yon at gusto nyang mag isa lang siya?" sabi naman ni Andre
"Oo nga . Ikaw talaga Drake. Itatanong ko lang naman sa kanya kung gusto niyang sumabay dito satin eh." sabi naman ni James
"Bahala kayo sa buhay niyo" sabi ko sa kanila at pinasak ko sa tenga ko yung earphone ko at nag pa tugtog na lang.
_________________________________________
A/N: Hi Guys! I'm Back :) Hahahaha. Gumana na si utak eh. Sorry po kung pangit at medyo magulo, sana po intindihin niyo na lang. Sorry din po sa mga typo. Sana po magustuhan niyo :) Continuation po yung next chapter.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Bad Boy [On-Hold]
Fiksi RemajaGagawin niya ang lahat para mabago si Drake kaso mukhang mahihirapan siya. Book Cover by: @AicirtapEmiaj Date Started: February 24, 2014