One

13 0 0
                                    

Chapter One: Meeting friends

Apat na taon na ang nakalipas. Nagkasundo kami ng anak ng kaibigan ng aking mga magulang. Napag-usapang huwag muna magpakasal sa edad namin upang maipagpatuloy ang mga pangarap and to grow more mature. Sinubukang kilalanin at mahalin ang isa't-isa. Sa apat na taon kaming pinagsama ng aming mga magulang sa iisang bahay, natutunan ko na rin siyang mahalin at pahalagahan, alagaan at suportahan gaya ng ginawa ko kay Agus.

Apat na taon, nakagraduate at nagtrabaho. Living the life I want. Happily but still, feeling incomplete, a bit.

"Kyle! Ang lakas!" Sigaw ko ng magsimula nanaman siyang magpatugtog sa bagong bili niyang speaker. Sinusubukan kung maganda ba para sa bahay.

"Sinusubukan ko lang." Medyo natatawa niyang sagot at mas lalo pang nilakasan ang volume.

Ibinaba ko ang hawak kong libro at tumayo para patayin ang speaker.

"Hindi ko na maintindihan yung binabasa ko!" Pagalit kong sabi sabay patay ng speaker niya at marahas na inabot ang headphones niya sakanya.

"Is it the time of the month?" Asar niya.

"Shut up!" Pagsusungit ko at bumalik sa sofa para makapagbasa ulit. Umupo ako't ipinatong ang isang paa sa sofa. Parehas kami ng hilig kaya siguro nagclick kami, maliban nalang kapag usapang MUSIC.

Dinampot niya ang kanyang cellphone na nakasaksak sa speaker niya at lumapit saakin.

"You hungry?" Tanong niya at humiga sa hita ko. He loves this. Well, me too. Who wouldn't love this, right?

"Not really." Sagot ko habang nagbabasa.

"Wala ka na ibang gagawin?" Tanong niya.

Sabado ngayon at parehas naming day off. We're working at the same company, sa company ng parents namin. Him as the producer and me as the designer. Our company owns a entertainment building to stars and trainees.

"I'm reading as you can see." Walang gana kong sagot.

"Papuntahin ko mga tropa ko dito, okay lang? Dito sa bahay nalang kasi di nadadapo mga 'yun." Paalam niya. Ano sila mga langaw?

"Yeah sure."

Hinila niya iyong librong binabasa ko at ipinatong ito sa lamesa ng living room. He stared at me. Umirap ako kaya tumawa niya. Damn! He makes my heart flutter. Kinuha niya ang kamay ko at nilaro ang mga daliri.

"Mag-iinoman kami." Dagdag niya

"Okay lang. Matanda ka na." I said looking at him direct to the eyes.

"Sigurado ka?" Paninigurado niya.

Tumango ako at nagsimula ng haplusin ang kanyang buhok ng dahan-dahan.

"You can join us." Malambing niyang bulong. Enough for me to hear.

Pinitik ko ang noo niya at inangat ang ulo niya. Mabigat sa hita.

"What? No! I'll stay in our room." Angal ko.

Hindi ako santo, nag-iinuman kaming dalawa minsan pero ang uminom na kasama mga kaibigan niya, FORGET IT. No fuckin' way! I still respect myself as a lady.

"Don't you want -- ?" I cut him off.

"I hate interactions from strangers you know that." Dahilan ko.

Huminga siya ng malalim.

"They're not strangers." pangungumbinsi niya

"Well, for me they are." Maarte kong sagot.

Don't Fall AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon