Intro: Don't fall away
Leaving was never been happy unless you hate the thing you intented to leave behind. Making decision was never been easy. Huminga ako ng malalim at sinubukang muling timbangin ang mga pangyayari.
Matapos ang matagal na pag-iisip kung anong tamang gawin, sa wakas nakapagdesisyon din ako. Mahirap para saakin na gawin ito pero eto lang ang tanging naiisip ko. Masasaktan ko siya ng labis pero mas masasaktan ko siya kapag pinatagal ko pa ito.
"Agus." Tawag ko sakanya.
Nilingon niya ako ng nakangiti. Matamis na ngiti. Ngiting saakin niya lang naibibigay.
Huminga ako ng malalim at umayos ng upo sa isang bench dito sa playground ng village namin.
Naramdaman kong may namuo sa lalamunan ko at pumatak na mainit na likido sa aking pisnge.
"May nangyari ba?" Malamig na tanong niya. Isang segundo. Isang segundong pagpapalit niya ng emosyon.
Lagi siyang ganito kapag nakikita niyang may mali, malungkot o nasasaktan ako. Paano ko siya bibitawan kung pwedi siyang maging ganito katigas pagkatapos? Pumikit ako at mas lalo kong naramdaman ang mga maiinit na likido sa aking mga mata.
"Agus, itigil na natin 'to." Diretso kong sabi. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa habang nakatingin sa kamay niyang unti-unting lumuluwag sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Bakit?" Walang emosyon niyang tanong.
"Pagod na ako." Dahilan ko pero ang totoo gusto na akong ipakasal ng mga magulang ko sa anak ng kaibigan nila.
"Hindi pwedi. Pagod ka lang maghihiwalay na rin tayo? Ayaw ko." Matigas niyang sabi.
"Hindi mo naiintindihan!" Sigaw ko sakanya. Pilit na ipinapakitang galit, naiinis at pagod na nga ako sakanya.
"Ipaintindi mo." Malamig at walang emosyon niyang hamon.
"Ayaw ko ng ipagpatuloy pa ito. I'm sorry." Sabi ko at naglakas loob ng umalis doon. Kung magtatagal pa ako'y baka hindi ko na kayang makita siyang ganoon kalamig. Walang emosyon. Mas lalo lang akong mahihirapang iwan siya.
Walang tigil ang buhos ng luha ko habang palayo sa lugar na iyon. Sumakay na ako sa sasakyan namin, siyang tayo niya para habulin ako. Pilit akong nagmatigas at sinabihan na ang aming driver na umalis na.
Nasasaktan akong makita siyang tulala matapos ko siyang iwan na tila prinoproseso pa ang lahat. Nagbalik lang sa huwisyo nang makitang paalis na nga ako gamit ang aming sasakyan.
Walang tigil na iyak hanggang makarating sa bahay. Nasasaktan para sa aming dalawa. Gusto ko man siyang ipaglaban ngunit natatakot akong maaari siyang patayin o pabagsakin ng aking Ama.
Naalala ko ang panahong sinabi saakin ng aking mga magulang na ipinagkasundo at ipapakasal na nila ako sa susunod na buwan ngunit tumutol ako't sinabing si Agus ang mahal ko. Tandang-tanda ko ang sinabi ng aking Ama saakin na papatayin niya si Agus kapag sumuway ako o kaya'y hindi hahayaang maging successful ang aking pinakamamahal. He'll block all the opportunities. Threating to use his power, anytime. I don't want that to happen. I don't want him to suffer. I can't afford to see him not succeeding with life. I want him to live his dreams. I want him to live peacefully.
Pinapili nila ako kung ang buhay niya o ang gusto nilang mangyari. Naisip kong maglayas at makipagtanan nalang sakanya ngunit nahuli ako ng aking Ama nang magtangka akong umalis, isang gabi bago sumikat ang araw.
Ikinulong ako't binugbog. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng umalis at gawin kung anong gusto kong gawin. Sundin ang sinasabi ng puso. Magmahal ng walang pumipigil. Mabuhay ng hindi dinidiktahan kung anong gagawin pero natatakot akong hindi ko kaya.
Mahirap magkunwaring hindi ka nasasaktan. Mahirap magkunwaring kaya mo. Maghirap lokohin ang tunay na nararamdaman. Masakit. Sobrang sakit. Pero kung para ito sa taong mahal mo, kakayanin mo kahit gaano pa ito kasakit. Walang bagay na hindi kaya kapag ang mahal na ang pinag uusapan.
Gusto ko siyang balikan at hanapin pero hindi ko alam kung saan at paano. Matapos ang naging desisyon ko umalis siya sa village namin. Siguro'y dahil sa sakit na naramdaman niya, mas pinili niyang lumayo. Minsan kasi ang paglayo rin ang tutulong saatin para makalimot pero madalas babalikan ka kahit gaano kalayo pa ang puntahan mo.
I miss him. Niyakap ko ang unan ko, kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. Months after I ended our relationship, here I am still depress. My parents tried to comfort me by buying ang giving the things I want, it's no use. I didn't show them I'm not okay. They will ruin Agus if they knew.
"Don't fall away." I whispered and cried quietly, afraid to be caught. Pretending to be okay, pretending to fall asleep.
