Simula
Blood, screams and cries.
Nakakagago dahil hindi ako makawala sa nakaraan.
Gabi-gabing nanunuot sa aking isipan at panaginip ang pangyayaring pinipilit kong kalimutan sa t'wing sasapit ang umaga.
"Ma--" naputol ang sasabihin ko nang marinig ang mababang boses ni papa, tanda na nag-uusap sila sa loob.
Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto at pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"Hindi tayo pwedeng umalis nang basta-basta, Tria!"
"Aahhh! Aaackk!"
Natigilan ako nang marinig ang matinis na tili at kalabog na nagmumula sa baba. Mukhang narinig din ng mga magulang ko ang ingay kaya't nadatnan nila ako sa tapat ng pinto nang buksan ito ni papa.
"P-pa! Si Lila y-yata..." kinakabahan kong anunsyo.
"Pumasok ka sa loob," seryosong wika nito kaya't sinunod ko siya. Tiningnan ko si mama na tuliro habang yakap ako.
"Annistyn." Lumapit sa akin si papa hinalikan ang noo ko.
"Huwag na huwag kang lalabas o gagawa ng kahit na anong ingay. Naiintindihan mo ba?"
Hindi ko matingnan nang maayos si papa dahil nanlalabo ang mga mata ko sa nagbabadyang luha.
"Annistyn, makinig ka sa papa mo," kumbinsi ni mama.
Sobrang bigat man sa kalooban ko ay tumango ako. Sa kalagitnaan ng aking pagtango ay natigil ito nang marinig namin ang mga yabag mula sa hagdan.
Walang alinlangan akong hinigit ni mama sa isa sa mga secret rooms ng opisina nila. Nagkataong sa mistulang bookshelves ako pinatago kaya't medyo kita ko pa rin ang nangyayari sa labas. Natatandaan ko pa noon na rito ako nagtatago sa t'wing pinapagalitan ako. Hindi man gaanong makita ang mga nangyayari sa pagitan ng mga libro ay alam kong kinuha ni mama ang isang baril na nakatago sa cabinet base sa tunog na nililikha niya.
"Kumusta, Ginoong Navarri!"
"Bakit kayo nandito? Anong kailangan niyo?" Hindi ko man nakikita nang maayos, alam kong si papa iyon.
"Alam naman nating lahat kung ano ang kailangan namin." Nagtawanan ang mga lalaking kausap ni papa.
"Wala sa amin ang hinahanap niyo. Nagsasayang lang kayo ng oras dito," banayad ngunit mababakasan ng awtoridad ang boses ng aking ama.
Walang patid sa pagbilis ang tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko na ininda ang pangangawit dahil mas mahalaga sa akin ngayon ang nangyayari.
Naguguluhan ako... anong kailangan nila sa amin?
"Oh tingnan mo nga naman, nandito rin pala si Ginang Navarri!" bulalas ng lalaki.
"Huwag niyong idadamay ang asawa ko rito!" nagtaas na ng boses si papa.
Hindi na ako makahinga sa halo-halong emosyon. Takot, kaba at pangamba para sa kaligtasan ng mga magulang ko.
"Mukhang nasa eskuwelahan pa ang anak niyo ah? Hintayin muna natin siyang makauwi bago simulan ang palabas?" ani ng lalaki habang tumatawa nang malakas ang mga kasama nito.
"Wala kayong idadamay sa pamilya ko!" bakas ang panggagalaiti sa boses ni papa.
"O sige, ganito na lang. Kami na lang ang maghihintay sa kan'ya, uunahin na namin kayo."
BINABASA MO ANG
Vendetta
مصاص دماءAnnistyn Navarri is no damsel in distress. In fact, her life is the distress. She fell into a deep agony when her parents, who she treasured the most, were killed in the hands of blood suckers. Vampires killed Vampire Hunters. How ironic, isn't it...