Kabanata 5

149 59 81
                                    

Kabanata 5

Death and Note
(Part Two)

"Ang tagal mo naman," reklamo ni Kali nang makarating ako sa table kung saan sila nakapwesto.

"Dapat hindi niyo na ako hinintay. Order na." Binalingan ko si Kali na ngayo'y nakabusangot, malamang ay gutom na talaga ito.

"Dahil ang tagal mo, ikaw ang manglilibre," pangungulit niya.

"Ilabas mo wallet ko." Kinuha naman niya mula sa bag at binigay sa akin. Inilabas ko ang debit card na nakalaan sa bawat estudyante. Lahat ng gagastusin namin ay dito ibabawas na kinalaunan ay babayaran din sa huling buwan ng klase.

"Oh ayan. Ikaw na bumili ha, anong order mo, Rosé? My treat." Nilingon ko ito at tipid na nginitian.

Umiling naman siya at bahagyang napayuko. "Kahit huwag mo na akong ilibre. Nakakahiya naman."

Hindi ko na siya pinansin at binalingan na lang si Kali. "Bilisan mo na."

"Samahan mo ako, Rosé!" Hindi na siya nakapalag nang hilahin siya patayo ni Kali.

Nang makalayo ang dalawa ay muli kong nilabas ang note na bumabagabag sa akin.

L and V? Who are they? Someone just told L and V to get ready. Are they starting a war or something? Or I'm just overthinking? What happened to the girl?

Damn these questions inside my head!

Kung tutuusin, dapat si L at V ang namomroblema... kung sino man sila. Ang atensyon ko ay nakatuon lang dapat sa paghahanap ng sagot kung bakit pinatay ang mga magulang ko at mapanagot kung sino ang may kagagawan. And nothing else matters!

"Huy! Bakit tulala ka riyan?" Natatawang winagayway ni Kali ang kaniyang mga kamay sa harap ko.

Inirapan ko lang ito dahil mukha siyang ewan sa ginagawa niya. Natatawa pa rin siyang umupo sa kaniyang upuan katapat lang ng sa akin nang mapansin kong hindi niya kasama si Rosé.

"Si Rosé?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Nasa counter pa, hinihintay 'yong desserts," aniya habang sinimulang lantakan ang pagkain sa harap niya.

"Pwede bang hintayin mo muna siya bago ka magsimulang lumamon diyan?" suway ko sa kaniya.

"Wow, didn't know that you already care for Rosé." She smirked maliciously.

"Tss, care your ass." Inirapan ko ito nang tumawa lang siya.

Every table is filled with noisy students eating their lunch. Who would've thought that even vampire students chose to stay here during noon?

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at saka lang napagtantong nakababa ang blinds sa paligid ng glass wall, nagsisilbing pangharang sa sinag ng araw. Am I too preoccupied to even notice that one? Tss.

I am quite content with the silence filling our table as we eat. Sa ganitong lagay kasi ay mas nakakapag-isip ako nang maayos.

"So how did you end up going in this kind of place?" Kali suddenly asked, pertaining to Rosé.

I mentally rolled my eyes when she started a conversation. I was actually hoping for a peaceful quiet meal. But since Kara Livia is a well-known chatterbox, what do I expect?

Natigilan naman si Rosé sa pagkain at palihim ako nitong tiningnan, probably seeking for some help.

"A-ah kasi...ano." She slightly tapped her fingers on the table while obviously thinking what to answer.

Bahagya namang lumapit si Kali sa direksyon ni Rosé, senyales na interesado talaga siyang malaman ang sagot.

Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila... naghihintay din sa isasagot ni Rosé.

VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon