Hi, if you are a perfectionist I recommend you not to read this because english is not my first language and it has a lot of typos, errors plus my grammar isn't that great. You are being warned, thank you!
Ryeisha
Prologue
"Have you seen my favorite shirt?" tanong niya sa malamig na boses.
Saktong pagpatay ko ng kalan ang siyang pagdating niya sa kusina at dahan-dahan siyang nilingon.
"Uh.. Oo, nasa labahan pa..." napayuko ako ng magkasalubong ang aming mga mata. Walang emosyon itong tumingin sa akin hindi katulad noon na puno ng pagmamahal.
Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng aking puso.
"Fuck! I told you not to meddle with my things, right?" mariin akong napapikit ng bahagyang tumaas ang kan'yang boses.
Hindi ko alam.. pero para akong nagkaroon ng phobia sa tuwing pinagtataasan niya ako ng boses.
Marahan akong tumango. "Pasensya na... Alam ko kasing pagod ka at wala ng oras para imisin ang mga gamit mo," sagot ko sa mababang tono.
Ako kasi ang gumagawa sa lahat ng gawaing bahay dito sa condo namin maliban lang sa mga gamit niya. Ayaw na ayaw niyang pinapakielamanan yung mga personal niyang gamit lalo na ang mga gamit sa kwarto niya..
Oo, kwarto niya. Mag-asawa kami pero hanggang sa papel lang 'yon.. Hindi kami magkasama sa iisang kwarto dahil ayaw niya. Sa totoo lang hindi ko na din talaga alam kung saan ako lulugar. Minsan gusto ko na lang sumuko pero iniisip ko pa lang ay parang hindi ko na kaya.
"Tsk. You're spacing out again." napabalik ako sa realidad ng marining ang masungit niyang boses.
"I'm sorry..."
"Ilang beses ko ng narinig 'yan pero paulit-ulit mo pa ding ginagawa!" lalo akong napayuko sa sinabi niya.
Nararamdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mga mata, agad kong pinigilan ang pag hikbi dahil baka mamaya sabihin niya nag iinarte na naman ako.
Hindi na lang ako sumagot para hindi na humaba pa. Umalis na siya sa harapan ko para pumunta sa kwarto niya.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto dahil malapit na mag tanghalian. Ang alam ko kasi mayroon silang schedule after lunch.
Ilang minuto pa ang nakaraan ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan galing living room.
Tama lang ang laki ng condo na niregalo sa amin ng parents ni Sehun. Up and down ito, malaki ang living room at kitchen, may apat na kwarto sa taas at kumpleto ang mga gamit.
"Hi, Ry! Ano 'yang niluluto mo? Mukhang masarap, ah!" napalingon ako para tukuyin kung sino yung nagsalita.
Si Chen Oppa pala, kasama ang buong EXO. Halos naka shirt at pants lang sila pero ang lakas pa din talaga ng dating.
Sila Lay, Kai, Tao, Luhan at Kris Oppa nasa living room at nanonood ng TV habang sila Chen, Suho, Xiumin, Chanyeol at Baekhyun naman ay nandito sa kusina.
"Hi, Oppas! Nag-luto lang ako ng Sisig. Kumain na ba kayo?" tanong ko at muling pinatay ang kalan dahil luto na.
"Tamang-tama, hindi pa kami kumakain!" halakhak ni Baekhyun Oppa. Ngumiti na lang ako.
"Ganon ba? Dito na kayo kumain. After lunch pa naman ang schedule niyo diba?" tanong ko at tsaka tinignan ang orasan. Alas onse pa lang naman, maaga pa kaya pwede silang kumain dito.
BINABASA MO ANG
Married to EXO's Oh Sehun [ R e v i s i n g ]
FanfictionKorean Idol Series 01: EXO's Oh Sehun Ryeisha and Sehun from EXO were a highschool sweetheart but they broke up because she left him without giving a specific reason. Three years after she came back to pursue Sehun again. Hence, he already in love w...