Chapter 1

17.1K 293 45
                                    

Kasalukuyan akong nag aaral para sa quiz namin tomorrow sa Politics and Governance kaya naman eto ako ngayon kulang na lang ipasok ang laman ng libro sa utak ko.

Bakit naman kasi nagsabay sabay lahat ng gagawin namin para bukas. Hindi ko na tuloy alam kung anong uunahin ko. May quiz at recitation kasi kami bukas, magkasunod na subject pa 'yon.

"Ryeisha Ianne Oh!" napapitlag ako sa tawag ni Rain.

Tumingin ako sa paligid para tignan kung madami bang tao. Nandito kasi ako ngayon sa garden, ito kasi ang madalas naming tambayan kapag break time o kaya naman kapag tinatamad pa kami umuwi.

Agad ko siyang hinampas ng mahina. "Alam mo ikaw ang mag papahamak sa'kin," sabi ko ng umupo siya sa tabi ko.

Kunot noo niya akong tinignan pabalik. "Ayaw mo no'n para alam nila na sikat ang asawa mo?" asar niya.

"Coming from you talaga? Sikat din naman yung hinaharot mo, ha? Mark Tuan naman pala," I fired back.

"Maharot talaga ako since birth! At oo, at least hinaharot ako pabalik. Eh, ikaw?" natahimik ako sa sinabi niya.

Mabuti na lang talaga at wala na masyadong tao dito dahil uwian na kaya nakakapag asaran kaming dalawa.

"Oh, ngayon tahimik ka dyan!" she smirked.

"Tumigil ka na nga," saway ko sa kanya at nag focus na lang sa pag rereview.

Nag pahintay kasi siya sa akin dahil mas maaga ang uwian ko ngayon kaysa sa kanya. Mag kaiba din kasi kami ng course na kinuha. I'm taking a Political Science while she's taking Architecture.

"Ianne ko, ang sipag mo naman, bukas pa kayo may quiz at recitation diba?" tanong niya at tumango ako.

Kasi naman kung hindi pa ako mag aaral ngayon baka pag uwi ko matulog na lang ako agad dahil sa pagod. Idagdag pa na ako ang gumagawa lahat ng gawaing bahay edi mas lalo akong walang naisagot bukas.

Para sa akin kasi bawat minuto mahalaga. Kung kaya mo namang gawin ngayon bakit mo pa ipagpapa bukas o mamaya diba.

"Ianne ko, pwede bang doon muna ako dumiretyo sa condo niyo? Wala naman kasi akong kasama pag uwi dahil gagabihin si Mark ngayon," she pouted.

Nag sasama na kasi sila sa iisang condo ni Mark, hindi ko nga alam kung paano sila nag simula. Basta 'yon pa lang ang nasabi niya sa'kin, tinamaan na daw siya. Hindi ko pa din naman namimeet si Mark pero kilala ko na siya dahil palagi niyang pinapakita ang picture nito sa cellphone niya. Walang duda mag bestfriend talaga kami nito dahil ganyan din ako noon... kahit naman ngayon.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo na, in one condition," kunwaring nag isip ako kung anong pwede kong ipagawa sa kanya.

"Ano ba 'yan? Bakit may pa-condition pa," reklamo niya.

"Biro lang! Oo na!" sagot ko at niyakap niya naman akong mahigpit.

Bago umuwi ng condo, dumaan muna kami sa grocery para mamili ng kakailanganin mamaya. Naisip kasi ni Rain gumawa ng gigimbap at bulgogi, aniya yun na lang daw ang kainin namin ngayong hapunan dahil kaming dalawa lang naman daw mamaya. Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang dahil hindi din naman ako mananalo sa isang 'to.

Married to EXO's Oh Sehun [ R e v i s i n g ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon