Chapter 2

10.7K 254 10
                                    

I'm finally done with all my errands for today. God, mabuti naman at wala na masyadong gagawin para bukas. Puro discussion na lang kaya naman wala akong masyadong iisipin mamaya.

Natapos na din lahat ng mga quizzes at recitations ko kanina, buti na lang talaga nag-aral ako kahapon. Naka perfect ako sa quiz at nakasagot sa recitation. Kinabahan pa ako dahil puro terror ang prof ko so mabuti na lang talaga at madali lang yung tinanong sa'kin.

"Do you have plans for today, Ianne ko?" tanong ni Rain. Maaga kasing natapos ang klase namin ngayon dahil may urgent meeting lahat ng prof kaya ito kami nag-pplano kung saan pwedeng pumunta dahil masyado pa daw maaga para umuwi.

"Gusto mong pumunta sa SM Entertainment? May practice ngayon sila Sehun para sa comeback nila, nood tayo?" balik tanong ko sa kanya.

"Tinatamad ako, Ianne ko. 'Tsaka baka mag selos si Mark," aniya.

"Bakit mag seselos? Wala bang tiwala sa'yo 'yon?" nilagay ko ang ibang libro na hindi ko gagamitin sa locker.

More on readings kasi kami kaya ito ang mas priority ko dalhin. Si Rain naman puro plates ang dala, hassle lang din yung tsquare na nakasukbit sa balikat niya.

"May tiwala naman, seloso lang talaga paminsan," sagot niya.

"Ayaw mo pa bang iwan na lang sa locker mo 'yan" sabay turo ko sa tsquare niya. Ako kasi ang nahihirapan para sa kanya.

"Hindi pwede gagawa ako ng plates mamaya, natatambakan na ako." tinawanan ko siya.

"Puro bar at harot ka kasi buti nga," buti na lang at nakailag ako bago niya pa ako mahampas.

"Gaga, anong bar? Hindi na nga ako nakakapunta dahil ayaw ni Mark!" nakabusangot niyang sabi.

"Ayan harot pa ha?" asar ko sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng building ng course ko. Sa kabilang building pa kasi sila, talagang sinundo niya lang ako dito.

"Ayos lang, at least alam kong may pake sa'kin si Mark kesa naman sa bebe mo!" she fired back at dahil don natahimik ako.

Eksakto namang tumunog ang phone kaya ayun ang pinagkaabalahan ko.

Mom:

Hi, sweetie. How are you? We miss you already. Are you with Sese? Please take care. Love you.

Ako:

I'm with Rain po, may schedule po si Sehun ngayon. Miss you and love you too, Mi.

"Ianne ko, sinong ka-text mo?" tanong ni Rain ng makalabas kami ng gate. Tinago ko ang cellphone ko bago siya harapin.

"My mom, nangamusta lang," sagot ko at tumango na lamang siya.

Dumiretyo kami sa parking lot dahil sa kanya ako sasakay ngayon. Hindi kasi ako nag dala ng sasakyan dahil tinamad akong mag drive kanina at tsaka sayang pera pang gas.

"Sasama ka pa ba sa'kin?" tanong ko ng pareho na kaming nasa loob.

"Baka hindi na, gagawin ko na lang mga plates ko," aniya.

Nagulat ang EXO ng makitang pumasok ako sa practice room nila. Kasalukuyan kasi silang nag ppractice ng sayaw ngayon. Pinatay ni Kris Oppa ang music at agad silang lumapit sa'kin para salubungin ako ng yakap.

"Hoy mahiya naman kayo, puro pawis kayo!" saway ni Xiumin ng yakapin ako ni Kai at Tao.

"Ayos lang Oppa, sanay naman na ako," halakhak ko.

"Five minutes break!" sigaw ni Suho.

Hinanap ng mata ko si Sehun na tahimik lang na nakaupo sa isang gilid. Hawak niya ang kanyang cellphone na parang hindi man lang napansin ang pagdating ko.

Married to EXO's Oh Sehun [ R e v i s i n g ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon