II

24 1 0
                                    

'S-suicide girl?!'

Agad akong lumabas ng sasakyan para harapin siya.

"Stalker ka ba talaga? how'd you know my phone number and my address, huh? As far as I can remember, we only met yesterday. I don't even fully know your name. What are you rea-"

Natahimik ako nang hinarap niya sakin ang phone niya and showed me a picture she took. It's a picture of my I.D..

"Akin na ang I.D mo." she said in a calm manner.

Na'weirduhan ako bigla sa sinabi niya, pero sinunod ko padin. Syempre, baka tumalon 'to pag kinontra ko pa.

Nakita ko namang nilabas niya ang phone niya and took a picture of my I.D-front and back view, walang kawala.

"Sh*t!" I patted my forehead.

"I didn't know that the student council president of the school that I'm studying is kinda stupid, though." nakita kong nag'smirk siya nang binawi niya na ang phone niya sa harap ko tapos nag'cross arms siya.

"What do you want from me? Tell me. Seriously.." sinubukan kong kalmahin ang sarili ko.

Nakita ko namang nawala ang smirk niya and her face turned serious.

"Well.." tumingin siya sa ibang direction, tapos tumingin ulit sakin, "..I just wanted to get to know you better. Sabi mo kahapon mahal mo 'ko diba? Hindi ka man lang ba interesadong malaman kung mahal din kita?" seryosong sabi niya.

Oras naman para ako ang mapa'smirk.

"Gusto mo 'kong makilala? Fine. I'll tell you something about myself." Nag'cross ako ng arms, "I'm an alcoholic, a womanizer, and arrogant. I'm a bad guy, you know? Kaya mas mabuti pa, tigilan mo na 'ko." naglakad na 'ko palapit sa gate namin.

"But you said..you love me. Didn't you?"

Huminto ako at humarap sa kanya.

"Look." nilapitan ko siya, "..ang totoo niyan, sinabi ko lang yun para tumigil ka sa pagtalon mo kahapon. MAHAL?" I laughed sarcastically, "..I don't even know your name, miss."

Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo. Pero nang papasok na ko ng gate, narinig ko siyang nagsalita..

"..either way, you still did that to save me. Therefore, I don't believe that you really are a bad guy. I want to know you, still." sabi niya.

Narinig ko naman siyang naglakad palayo kasunod ang isang pagharurot ng sasakyan.

..

Pagkatapos kong mag'merienda, dumiretso na 'ko sa kwarto ko para i'scan ng konti ang mga books na gagamitin namin sa darating na pasukan. Ang weird ko ba? vacation pero nags'scan ng school textbooks. Ewan ko ba, for some weird reasons, I love to read or scan new books. Maybe because I'm a book-lover.

*beep*

Eron calling..

"Oh pare?"

"Pare, may gig tayo mamayang 9 ha. Sa PD Circle.." sabi ni Eron.

"Sige."

Binaba na niya.

Si Eron ang isa sa mga bandmates ko. Siya ang sa rythm. May studio din sila sa bahay nila kaya dun kami madalas mag'practice ng mga bagong kantang tutugtugin namin para sa mga gig, parties, school presentations..

Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa nang mag'ring na naman ang phone ko..

Dree calling..

Pinindot ko agad ang 'answer' button.

It started with a..suicide attempt?!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon