III

20 1 0
                                    

'Sh*t!'

Buti nalang at highway 'to kaya wala masyadong sasakyan. Kung hindi, baka kanina pa kami nabangga.

Hinarap ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat..

"Are you alright, Dree?"

Tumango naman siya.

"Sorry..sorry talaga." I apologetically said, "Kailangan kong bumalik ng bahay. I have to settle something.."

"Again?"

I nodded "I'll try to deal with it as fast as I could, okay? But for now, Ihahatid muna kita sainyo."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nag'drive na 'ko papunta sa kanila para ihatid siya.

Pagkahatid ko sakanya, nag'full speed na 'ko pauwi samin..

Nakita ko naman si suicide girl sa tapat ng gate namin at naka'upo na parang bata.. Hindi siya naka'porma ngayon kagaya nung huling punta niya dito. Halos pambahay lang din ang suot niya at naka'lugay ang buhok-mukhang bibili lang ng coke sa tindahan.

Napa'tingin siya bigla sakin at ngumiti tapos nag'wave ng kamay.

Bumaba ako sa sasakyan at padabog na sinarado ang pinto. Tapos nilapitan siya..

"Ano ba talagang kailangan mo?"

"Ikaw." naka'ngiting sagot niya.

"Ako? Eh ni hindi nga tayo magkakilala eh!" pumameywang naman ako sa inis, "Wala ka bang kaibigan?"

Nawala bigla yung ngiti niya sa mukha at unti unting napayuko.

"Wala.." umi'iling iling niyang sabi.

"Ah! Alam ko na! Siguro masama ang ugali mo noh?"

"Of course not! Ikaw kaya ang masama ang ugali! You always make me wait, tapos ni hindi mo man lang ako inaalok pumasok sa bahay niyo!"

"Why would I invite a stranger like you in my house?"

"Hey! Stranger padin ba ako sa'yo? Diba I already introduced myself? I told you I'm Seisa-"

"Hindi porket alam mo ang pangalan ko at alam ko ang pangalan mo, eh magkakilala na tayo. Para sabihin ko sa'yo, hindi lang sa pangalan nasusukat ang pagkakakilanlan ng dalawang tao."

"Oh, edi magpapakilala ako sa'yo." sabi niya sabay hila sa kamay ko.

Agad ko namang binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

”Look, suicide girl.. I'm not on the mood to play games with you.. or never will I ever be on the mood. Alam mo bang I'm looking forward to this day? Tapos sisirain mo lang?!" nanggigigil kong sabi sa kanya.

"Look, Mr.SC president. It's not my intention to ruin your day. I don't intend to play with you, either. And will you please stop calling me suicide girl?!"

'Nainis na 'ko kaya lumakad nalang ako pabalik ng kotse. Kailangan ko nang balikan si Audrey, kung hindi-'

"Where do you think you're going?!" humarang siya sa harap ng kotse ko.

Bumaba ulit ako para paalisin siya.

"Umalis ka diyan, pwede ba?! May naghihintay pa sakin!"

"Pero hinintay din naman kita ah."

"Who told you to wait for me?!"

"How about you? who told you to stop me from committing suicide last week?" she paused for awhile, "You should be responsible for what you did. You should take the responsibility for stopping me from committing suicide."

It started with a..suicide attempt?!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon