Can I be Him? #3
"Alam mo pa Chim! Nahawakan ko na kamay niya! Shet! Di ko makahinga ng time na yun. Tapos kapag hinahawi niya buhok niya? Ughh! I'm always out of breath! Mabait din siya and he is caring! Kyaahh! Hulog siya ng langit! Complete package na kumbaga."kilig na sabi ni Lex habang naglalakad kami pauwi.
Napasimangot nalang ako sa kinekwento niya. Nakakarindi na eh. Araw-araw nalang nyang sinasabi yung crush niya. Umaga, hapon pati gabi bukambibig pa din niya. Matutuwa pa sana ako kung ako yung lumalabas sa bibig niya eh. Sarap tuloy sabihan ng 'Pwede bang ako nalang yang kinekwento mo saakin, Lex? Pwede bang ako naman na ang lagi mong bukambibig? Pwede bang ako naman na ang dahilan kung bakit ka kinikilig?'. Pucha kasi eh!
"Ahh."yan lang ang nasabi ko sakanya.
"Ikaw Chim? May nagugustuhan ka na ba?"tanong niya saakin.
Nagulat naman ako sa tanong niya. "H-ha?"
"Ansabe ko kung may nagugustuhan ka na ba?"
"A-ah. M-meron na."pag-aamin ko.
Napangiti naman siya pero hindi ito yung usual niyang ngiti. Ngiting malungkot? Bakit kaya?
"Sino naman yan Chim ah?! Ikaw ah! Di mo saakin sinasabi! Tampo na ako sayo!"
Naknang! Wag mo kong tanungin ng ganyan at baka masagot ko sayo ay IKAW.
Yeah, you read it right. I do like her, mali pala, mahal ko na pala.
I do love her from the start pero lagi ko yung isinasantabi, pero ngayon alam ko na. I do really love her from the very first time I laid my eyes on her.
"Secret! Hihihi! Di ko sasabi sayo at baka ipagkalat mo lang. You know what Lex? Kilala ko na bunganga mo simula nung nasa sinapupunan pa tayo eh."
Napasimangot naman siya. "Gaya-gaya puto maya ipakain sa buwaya si Chim-Chim!"
Napatawa naman ako sakanya. Parang bata.
"Kwentuhan mo naman ako tungkol sakanya oh!"
"Sige. Uhmmm. Ano ba siya? Mabait, maganda lalo na kapag nakangiti at tumatawa siya, simple lang atsaka maalaga."nakangiti kong sabi. Siya kaya yung tinutukoy ko.
"Yun lang?"tanong niya. Tumango naman ako sakanya.
"Nanay mo ba yang tinutukoy mo?"inosenteng tanong niya habang nakatingin sa daan.
Napatawa lang ako. "Gago ka ba?"
"Hindi, maganda lang."sagot niya.
Napatawa naman kaming dalawa. Nak ka nga naman ng tokneneng Lex! Ang ganda mo talaga kapag tumatawa.
"Dito na ako, Chim. Salamat sa pagsabay. Byeii!"sabi niya nang nasa tapat na kami ng bahay niya.
"Babye! Oh, pasok ka na."sabi ko sakanya.
Tumango naman siya at pumasok na.
Napa-buntong hininga nalang ako. "Kung alam mo lang na ikaw yung tinutukoy ko, Lex. Kung alam mo lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/111962288-288-k992888.jpg)
BINABASA MO ANG
Can I be Him? / p. jm ff /
Fiksi Penggemar"Pwede bang ako nalang palagi ang bukambibig mo? Pwede bang ako nalang yung lagi mong kinekwento saakin? Pwede bang saakin ka naman na kiligin? Pwede bang ako nalang ang mahalin mo, Lex? Pwede bang ako naman na siya?- -Can I be him?" • P A R K C...