~-~
My dearest Gail,
How are you? Matagal ka ng hindi sumusulat sa akin ah... Ni hindi ka man lang nag-abala na magpadala kahit sa isa sa amin dito. Kahit nasa Mamita mo ay hindi ka na nagpapadala. Alam ko naman na kahit hindi sabihin ng Mamita mo ay nangungulila siya sa iyo. Ni halos hindi na siya ngumingiti... kahit ako ay hindi na masyadong ngumingiti. Miss na miss ko na ang nag-iisa kong Musume.
Baka naman hindi ka sumusulat sa amin dahil may nangyari sa iyong masama. Sabihin mo lang at agad kitang pupuntahan ng palihim dyan. Siguro ay narinig mong nagkaroon ng digmaan dito sa Confusa. Huwag kang mag-alala ayos at ligtas lang kami dito. May dumating kasing mga kakampi dito sa palasyo.
Sumulat ka na sa amin ha? Nag-alala na kami dito. Oo nga pala, kung hindi mo man narinig... gaya pa din ng dati itong palasyo. Ang tanging nabago lang ay naging Lieutenant General na si Jayden. Iyong batang iyon! Hindi ko maintindihan minsan! Halos sa tuwing makikita ko siya ay balisa o di naman kaya ay hindi mapakali. Ang sabi lang naman niya ay nag-alala siya sa iyo dahil matagal ka ng hindi sumusulat. Ikaw ha... ni hindi mo man lang sinabi na sumusulat ka pa sa kanya.
Anyway, sabihan mo kami na bibisita ka dito. Pero huwag ngayon dahil masyado pang delikado.
Your wonderful Chichi <3
~-~
Nang matapos ko ang sulat ay pinasok ko na ang sulat ko sa loob ng isang sobre. Matapos naman noon ay sinulat ko ang pangalan ko at pangalan niya. Pinatuyo ko naman ito katulad ng ginawa ko kanina bago ko pa man pinasok ang sulat ko para kay Gail sa loob ng sobre. Pagkatapos naman noon ay agad ko ng tinawag si Lucas ng maipadala ko na ang sulat kay Gail.
BINABASA MO ANG
[BOOK 3 SEASON 2] A Gangster is a REAL long lost Princess
ActionIto na at magsisimula na ang 3rd Great War!!! Papunta na siya sa battlefield kasama ang Scarlet Junior 1 Atsaka hindi pahuhuli ang mga heneral Kasama na doon ang mga Panemians Atsaka hindi din dapat makakalimutan ang Guardians!!! Magkikita na sila...